Chapter 3
-----
Mi Rae
"So, payag kang sa hotel natin yung venue ng debut mo?" Tanong saakin ni Daddy. Bumalik sila ng Pilipinas kahapon upang makapag-plano na para sa debut ko.
"Yes, papa." Sabi ko at tumango.
"Hm... Tapos na tayo sa catering and venue. Kailangan nalang natin ng theme, mga damit mo, and your escort," sabi ni Mommy, "Bibigyan kita ng magazine ng Park's Gowns para makapili ka na ng damit mo." Tuloy niya at may kinuha siya sa bookshelf at binigay niya ito saakin.
"Thank you, 'my." Sabi ko at kinuha ko yung magazine.
"Hay... Hindi pa rin ako makapaniwala na magde-debut na ang Unica Ija ko," sabi niya at niyakap ako.
"Ako din 'my."
"Great. Bibigyan kita ng oras para mag-isip ng theme at kung sino ang gusto mong escort." sabi ni Daddy, "By the way anak, may boyfriend o crush ka na ba?" Tanong niya saakin.
Umiling ako, "Wala pa 'dy. Study first muna, hehe." Sabi ko.
"Good, then. Pwede ka ng umalis kasama yung mga kuya mo." Sabi ni Mommy.
Nagulat ako, "Saan kami pupunta 'my?" Tanong ko sakaniya.
"Nagpaalam saakin ang mga kuya mo kanina na ipapasyal ka raw nila sa mall." Sabi niya at ngumiti.
"Okay 'my." Sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Ganun din kay Daddy.
"Ingat kayo ha?" Sabi niya at ngumiti nalang ako.
Lumabas na ako sa library at nabigla ako sa mga kapatid ko na nasa labas.
"Grabe kayo. Muntik na akong mahimatay sa gulat." Sabi ko at tumawa sila.
"Haha, so? Alis na tayo?" Tanong ni Kuya Seokmin.
"Wait lang, kuya. Huwag excited! Naka-pajama pa kaya ako!" Sabi ko at hinampas ng pabiro si Kuya Seokmin.
"Maligo ka na para makaalis na tayo!" Excited na sabi ni Kuya Chan.
Tinulak ako nila Kuya Seokmin, Soonyoung at Seungkwan sa kwarto ko.
"Take your time, princess!" Naring kong sigaw ni Kuya Joshua.
Niready ko na ang damit na susuotin ko at naligo na ako. Pagkatapos kong naligo at nagbihis, naglagay ako ng face powder at lip balm.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa aking malaking salamin. Ang ganda ko pala. Charot. Ang suot ko ngayon ay pale cream blouse at high waisted shorts then white sneakers.
"Mi Raaaaaae~ Bilisan moooo!" Sigaw ni Kuya Jun sa pintuan.
Kinuha ko na ang shoulder bag ko na naglalaman ng suklay, panyo, cellphone at wallet ko.
Pagkabukas ko ng pintuan, bumungad saakin si Kuya Jihoon, "You're so pretty. Tara na." Sabi niya at hinila ako.
Lagi akong hinihila ni Kuya Jihoon. Pasalamat siya dahil cute siya. Kung hindi hahambalusin ko siya ng gitara ni Kuya Joshua eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/101843204-288-k458923.jpg)
YOU ARE READING
Sibling Complex
Fiksi Penggemar"Have you feel loved by your brothers in different way?" All Rights Reserved © 2017 Original Story by: Im_Aliana_28 Thanks to Jeonoseshi for the cover ❤ Date Started: March 6, 2017