Kathana Smith's POV
Hating gabi na ng nakauwi ako sa bahay. Pag kauwi ko ay dumeretso ako sa bar island at kumaha ng hard liquor. Dumeretso ako sa pool area may lamesa dun at upuan kaya dun ako naupo.
Tumingala ako at tiningnan ang mga bituin.
'Sana nakikita mo rin to Poul.Imissyou baby' sabi ko sa utak ko
Sabay nun ay ang pagbagsak muli ng luha ko. Pinunasan ko yun at ininom ang natitirang alak sa baso ko at nag salin ulit.
Ilang minuto ang nakalipas ganun parin ang ginawa ko . nakatulala lng ako sa baso ko na may lamang alak at pinapaikot ng daliri ko ang yelo dun.
Nagulat ako ng may biglang may magsalita galing sa gilid ko
"Kathana?"
Nilingon ko kung sino yung nagsalita.
Johara...
Hindi ako nag salita binaling ko na lng ulit ang paningin ko sa baso na may lamang alak.
Naramdaman ko na lang si Johara na naglakad palapit sa lamesa sa harapan ko. Umupo sya sa kaharap ng upuan ko. Ngunit hndi ko pa rin sya pinag tutuunan ng pansin."Sorry" sabi nya ng tuluyan na itong makaupo
Hindi ko parin sya pinagtuunan ng pansin. Hindi naman sa galit ako sakanya pero meron sa loob ko na nagtatampo. Dahil sinabi nyang patay na ang parents namin. Ganun ba sya kawalan ng tiwala sa mga magulang namin? Oh my God! Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na sya pa yung magsasabi nun!
"Kathana look im sorry. Im really sorry hindi ko sinasadyang sabihin sayo yun nadala lng ako." Sabi nya pero hindi ako nagsalita alam kong ano mang oras sasabog na yung dibdib ko at masasabi ko lahat nang gusto kong sabihin baka masaktan sya sa mga salita na mailalabas ng bibig ko.
"Hey Kathana, are you mad at me?" Nagaalalang tanung nya
"No im not" sabi ko na nasa baso parin ang tingin
"Alam ko galit ka sakin Kathana" sabi nya
Tiningnan ko sya ng diretso sa mata. At hndi ko na napigilan yung bibig ko na magsalita
"Hindi ako galit sayo pero maron sa loob ko na alam kong nag tatampo sayo. Nagtatampo ako sayo kasi hindi ko inakalang ikaw pa yung magsasabi nun!" Sabi ko habang pinipigilan ang luha na bumagsak
"Im sorry nadala lang ako naisip ko lang kasi na 6 years bakit wala parin sila?" Sabi nya
"Pero wala kang patunay na patay na sila! Wala nga tayong nakitang bangkay diba?" Sabi ko na mataas ang boses
"Oh come on Kathana Mafia kadin at alam mo na kapag pinatay ka ay itatapon yun ng tauhan mo sa isang lugar na Hindi na makikita" sabi nya
Tuluyan ng bumagsaka yung luha ko. Kinagat ko ang babang labi ko para pigilan ang pagtulo nito
"Nag promise kasi sila sakin Johara! Sabi nila babalik sila may tiwala ako sakanila Johara! Buhay pa sila. Trust them they are alive!" Sabi ko
Nilapitan ako ni Johara at niyakap
"Im so sorry" sabi nya "pagisipan mo Kathana, isalba mo yung Company pagkatapos nun hahanapin natin ang parents natin, pagisipan mo Kathana. Ikaw lang ang pagasa ng Company ng magulang natin" sabi nya at inalis na ang yakap sakin at pumasok na sa loob.
Ilang minuto pa akong nagtagal dun. Pinag isipan ko lahat ng sinabi ni Johara. Tama ba sya? Tama bang gawin ko yun? Tama bang gumamit pa ko ng ibang tao para lang sa sarili ko? Para mailigtas ang Company? Ewan ko ang daming tanung na nabububo sa utak ko pero ni isa hindi ko masagot. Masyado na kong naguguluhat! Kung hindi lng sana nangyari yun 6 years ago eh di sana wala akung problema, sana masaya pa yung pamilya namin, sana buo pakami, sana balang araw lahat ng what if-s ko matupad dahil sawang sawa na kong maging malungkot.
At ngayon buo na ang desisyon ko. Gagawin ko ang lahat para lng mailigtas ang kompanya.
Nang dalawin ako nang antok ay pumasok na ko sa loob ng kwarto ko . at nagbihis na. Nang makahiga ako sa kama ay tuluyan na kong nilamon ng antok.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Revenge
ActionWho's back with a vengeance? Who's back to give the satisfication of watching them suffer? Ito ay storya tungkol sa isang babae na naghahanap ng katarungan sa pagkamatay ng kanyang mahal sa buhay. Makahanap kaya sya ng hustisya o mamatay din sya tul...