Chapter14

14 0 0
                                    

Sven Collin's POV

Susundan ko sana si Jasmine pero hinawakan ni Johara yung braso ko kaya napatingin ako sakanya.

Umiling sya ng ilang bese na para bang sinasabi nya na 'wag mo syang sundan'.

Kaya imbes na tumakbo ako at sundan si Jasmine ay nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko at tiningnan si Patrick.

Ano kayang ginawa nung mokong nato?

Nang matulungang tumayo ni Davin si Patrick ay sumakay na kami sa kanya kanyang sasakyan. Habang tinutungo namin ang daan papuntang bahay nila Kathana ay naisip ko yung mata ni Jasmine kanina, para syang wala sa katinuan, kung makikita mo lang ang mata ni Jasmine kanina ibang iba sa Jasmine na nakilala ko.

Pagkarating namin sa bahay nila Kathana ay nagkanya kanya na kami. Lahat sila ay nagsipasukan na sa kanya kanyang kwarto dahil hating gabi na rin.

Ako naman ay dumeretso kusina at nagtimpla ng coffee. Pumunta ako sa pool side nila.

Laking gulat ko ng makita ko si Jasmine na nakaupo sa upuan malapit sa pool at nakatingala na para bang binibilang ang mga bituin sa langit habang nakangiti.

"Kung hindi kita kilala iisipin kong may sakit ka sa utak" sambit ko dahilan upang mapalingon sya sa gawi ko.

"What do you want?" Malamig na sambjt nya.

Nag lakad ako papunta sa kinauupuan nya at umupo ako sa isang upuang kaharap nya.

"Wala sana, gusto ko lang namang magpahinga pero may isang magandang babae akong nakita na nakatingin sa mga bituin kaya kinausap ko na sya" nakangiting sambit ko

"Umalis kana hindi kita kailangan" sambit nya gamit ang napaka sungit na boses! At inirapan ako.

Tumingin na ulit sya sa mga bituin sa langit

"Anung ginawa sayo ni Patrick? Okay ka lang ba?" Tanung ko

Napatingin sya sa mga mata ko

"Wala yun ayos lang ako" nagiwas sya sakin ng tingin "papasok nako" sambit nya

Tumayo na sya at maglalakad na sana papunta sa loob ng hawakan ko ang braso nya.

Humarap sya sakin at binawi ang braso nya ramdam ko ang pagkabigla sakanya. Nginitian ko sya

"Dont worry hindi naman ako katulad ni Patrick, tell me anong ginawa nya sayo?" Tanung ko

"Wala" nagaalinlangang sagot nya. Nagiwas sya ng tingin

"Hindi ka magkakaganun kung wala syang ginawa na hindi mo nagustuhan, tell me anung ginawa nya sayo?" Tanung ko

Ilang segundi ang makalipas ay nakita ko ang pagpatak ng luha nya kahit na hindi naman sya nakatingin sakin at narinig ko ang hikbi nya.

"J-jasmine bakit ka u-umiiyak?" Natatarantang sambit ko

"H-hinipuan nya kasi a-ako k-kanina h-hindi ko na n-napigilan yung s-sarili ko kaya ko n-nagawa yun" nauutal na sambit nya

Hinawakan ko ang baba nya dahilan upang tumingin sya sa mga mata ko, tinanggal ko ang kamay ko sa baba nya.

"Shhh hindi mo kasalanan yun, tahan na" pilit kong pagpapatahan sakanya.

Nagulat ako nung bigla sya yumakap sakin.

Rinig ko ang bawat hikbi nya.

Para syang bata na umiiyak at nagsusumbong dahil nasira ang paboritong laruan nya.

Nakakaawa pero wala akung magawa .

Nangkumalma na sya tinangal na nya ang pagkakayakap sakin. Ramdam ko na nabasa ang damit ko dahil sa mga luha nya.

Pinunasan nya ang mga luhang nasa pisngi nya. Nang matapos nya iyung punasan ay tumingin sya sakin kaya nginitian ko sya

"Sorry" nahihiyang sambit nya

"No its okay" sambit ko

Hindi na sya sumagot pa. Tumingin nalang ulit sya sa mga bituin na para bang walang tao na nakakakita sakanya.

"Ang ganda ng mga bituin noh?" Tanung nya

"Oo kasing ganda mo" sambit ko

Napatingin sya sakin at kitang kita ko ang pamumula ng pisngi nya. Cute

Nagiwas sya sakin ng tingin. HAHAHA parang kanina lang napakasungit nya ngayon para naman syang teenager. Dahil sa pamumula nya! Hahaha ang ganda nya talaga!

Inilagay ko ang kamay ko sa ulo nya at ginulo ang buhok nya.

"Matulog kana nga, hating gabi narin. Bawal kang mapuyat dahil papakasalan pa kita" sambit ko dahilan upang lalo sya mamula kaya natawa ako.

Tinulak nyako palayo sakanya.

"M-mauna na a-ako" nauutal na sambit nya.

Tumango lang ako at ngumiti sakanya. Bago sya umalis ay nagsalita ulit ako.

"Goodnight"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon