Chapter4

11 0 0
                                    

Jasmine Khang's POV

"Dapat hindi mo sya pinagsalitaan ng ganun!" Galit na sabi ko

Ito kami ngayon nag aaway matapos mag walk out ni Kathana.

"Im telling the truth!" Sabi nya

"Johara ano ba?! Ito na lang ba lagi pag aawayan natin? Johara for once please enough! Hindi ka nanamin makilala sa ugali mo! Nasan na yung ate namin na understanding na lagi kaming kinakampihan na kayang magpakumbaba para samin. Ibang iba ka na nilamon kana ng galit mo. Alam ko at nakikita ko na matapang si Kathana pero alam mo lahat may kahinaan! Kailangan mo pa bang ipamuka sa kanya na baka patay na yung magulang nya? Natin? At alam mo yung kahinaan nya yung pamilya nya my gosh Johara! Hindi mo iniisip yung mga sinasabi mo!"

Tiningnan ko sya sa mata nya at nababasa ko dun ang lungkot

"I hate you for being selfish, bitch! Fuck you just fuck!" Sabi ko sabay labas ng office ni Kathana.

Nag lakad ako palabas ng building ng kompanya . sumakay ako sa kotse ko at nagdrive lang ng nagdrive hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng manubela nato.

Hanggang ngayon naasar parin ako sa ugali nya! Nakakabanas! Oo pinakamatapang samin tatlo si Kathana kahit sya yung pinakabata pero nararamdaman ko na may oras na pinipilit nya lang maging matatag para samin kasi simula nang mawala yung magulang namin. Yung isa't isa na lang yung naging sandalan namin. Pero heto kami ngayon nagaaway! Dahil sa napaka selfish na desisyon ni Johara! Sinong tanga ang magpapakasal sa taong hindi nya mahal? Damn that bitch!

Kathana is a nice girl. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko pang maging kapatid si Kathana kesa kay Johara. Although mabait rin naman si Johara pero nagbago na talaga yung ugali nya!

~flashback~

Nasa bahay namin ngayon si Kathana. Dumayong makipag laro.

"Ate laro tayo ng big doll?" Tanung ko kay ate

"Alright we will play the big doll"sagot ni Johara

Hindi na ko nag salita pa at kinuha ko nalang ang big doll ko. Malaki iyun kasing laki ko . kumakanta iyun naglalakad at kinocontrol

" ate i dont have a big doll. What can i do?" Malungkot na tanung ni Kathana

"Baby may doll jan sa may gilid mo" sagot ni ate

"But its not big!" Malungkot na sabi parin ni Kathana

"Amp ill call will mommy, we will buy a new big doll for you Baby" sabi ko pero nung akmang tatayo na ko ay nag salita si ate

"No need Jasmine, mommy is busy she have a meeting with tita. Ito nalang gamitin mo Kathana and if you want sayo nalang" sabi ni ate

"Anung gagamitin mo ate?" Tanung ni Kathana

"Iyun nalang yung isang doll" sabi ni ate sabay turo sa manika na kanina ay hawak ni Kathana

"Pero maliit yun ate" sabi ko

"Its ok im a big girl narin naman." Sabi ni ate Johara at nginitian kami ni Kathana

"Are you sure ate?" Tnung ni Kathana, at tumango lng si ate Johara "Alright thank you. Youre the best!" Pagpapatuloy ni Kathana at niyakap si ate kaya nakiyakap nadin ako

Sabay sabay kaming nagtawanan nung namalayan naming nag group hug na kami dahil sumali ako

~end of flashback~

Napangiti nalang ako sa naiisip ko. Sana ganun parin kami kasaya.

7 years old kami nun ni Johara while Kathana is 6 years old. Were one year older than her. Pero kahit na mas bata samin si Kathana ng isang taon sya parin ang pinaka matapang samin at pinaka matatag and im so proud of her.

Namalayan ko na lang na nasa harap nako ng isang bar malapit sa kompanya namin. Nalala ko dati nung mga panahon na wala pa kaming pinuproblema nila Johara at Kathana lagi kaming pumupunta sa bar kapag walang ginagawa.

Pagkapasok ko ay dumeretso agad ako sa vip tables dun ako pumwesto sa pinaka dulo. Tumawag ako ng waiter at umorder ng isang Jack Daniels at isang sisig at bulalo soup.

Nang napapangalahati ko na ang alak ay may lumapit na lalaki sakin. Tiningnan ko ito sa mata.

"Hi miss" sabi nya habang nakatingin sa mata ko. Naglahad ito sakin ng kamay. Ngunit inismiran ko lng ito at hindi na sumagot nilagok ko ang natitirang alak sa baso ko at nag salin ulit . alam Kong nasa harap ko parin ang lalaki kahit na hindi ako tumitingin sakanya ay nararamdaman ko ang presensya nya

"Hey miss. Kausapin mo naman ang gwapong nasa harap mo!" Mayabang na sabi nito

"Psh, jerk!" Bulong ko

"Ano miss sabi mo?" Malumanay na sabi nito

Hindi ko na sya pinansin pa at tumayo na ko kinuha ko ang wallet ko sa shoulder bag ko at ipinatong sa mesa ang bayad ko sa inorder ko. Paalis na sana ko ng maramdaman ko ang isang kamay sa kaliwang balikat ko

"Miss hindi pa tayo nagkakakilala eh aalis kana ba agad?" Sabi nito

Hinarap ko ito at tumingin sa mata nya. Ngumisi lang ang lalaki sa sobrang galit ko ay kinuha ko ang kamay nya sa balikat ko at inikot iyun ng buong pwersa at sinipa sya sa ibabang maselan na bahagi

"Ahhhh" sigaw ng lalaki matapos ko itong sipain

Nilapitan ko ito at naupo ako para mag kapantay kami

"Hindi mo na kailangan malaman ang pangalan ko dahil sa tuwing makikita mo ang magandang muka ko ay maalala moko dahil ako lang ang kayang gumawa sayo nyan nang ganyang kasakit" sabi ko sabay tingin sa maselang bahagi nya at nagbalik tingin ulit ako sakanyang mata ay nginisihan ko ito. Tumayo nko at nag lakad palabas ng bar sumakay na ko sa kotse ko at pinaharurot iyun pauwi sa bahay namin .

Nang makauwi ako ay dumeretso nako sa kwarto ko dahil ayoko pang makita ulit si Johara. Nang pagkahiga ko ay agad akung inantok dahil narin hatong gabi narin idagdag mo pa ang alak na nasa sistema ko.

The Mafia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon