The Feeling Girlfriend

120 4 0
                                    

Lea's Point Of View

Third bar of chocolate na ito pero hindi parin ako makalma dahil hindi maalis sa aking balintataw na kailangan kong turuan yung mukhang kutong marasap tirisin na ang kapal ng apog at banil sa mukha. Palibhasa varsity player siya, may K na siyang magyabang? Ako nga, nananahimik lang sa kagandahan ko eh. Hayst. Tapos nirequire pa ko ng prof ko na itutor yung mayabang na yun para macomplete ako. Kung hindi ko lang major yun nakuuu!! Hay ewan ko ba.

Ako nga pala si Lea Salonga Lee. Half korean??? Choss Pinay na pinay etehh, inampon lang pala ako ng koreano, sa Korea ako lumaki at nagka-isip. 18 years of age and lives in secret baka kasi puntahan niyo pa ako.

Incoming Call
AGABabes💗
0915794657....

I hit the answer button with excitement.

"Nasan ka Babes?" Sabi niya. Babes is our endearment kahit hindi naman totally kami. Soon palang, magiging kami din malapit na.. Siya kaya ang forever ko.. Yeii.

"Nandito ako Babes sa canteen" tugon ko.

Sabi naman niya malapit daw siya at papunta na daw siya. Nagretouch ako. Syempre hindi naman porke maganda ka, eh ibig sabihin ay di ka na mag-aayos. So konting pulbos, konting suklay, wisik wisik na pabango, ayos ng damit.

"BABESSSSS!!! " sumisigaw na tawag niya sa akin.

Paglingon ko, tumatakbo na si Aga. Biglang nagslowmo ang paligid. As in ISLOOOOOWWWMOOOSYOOON ang lahat. With matching falling leaves pa -parang winter sonata.

Meet Aga Muhlach, my bestfriend. My one and only True Love. Haaaayyy....pero hindi niya nararamdaman na mahal ko na siya. Tingin niya kasi sa akin, ay isang kapatid lamang. Huhuhu shaket besss..

Minsan ngang nagkatext kami, sabi ko. "I LOVE YOU BABES 💗❤" with matching he-heart pa sa dulo. Tapos sinagot ba naman akong "Love you more Kapatid. " kaway kaway sa mga na bestfriend zone dyan.

So moving on, mamaya na ulit ang kadramahan. Kumakain na kami sa kantina ng aming mahal na paaralan nang bigla na lang lumitaw kung saan yung English Prof namin. Pinaalala yung task ko sa pagp-peer tutor kay Richard. Manong kung ayaw akong ipasa, sabihin na ng diretso. Hindi yung binibigyan ka pa ng mission impossible. May papasok bang kaalaman sa kukote ng mayabang na yon na punong-puno ng buhawi sa buhay? So ayon, malapit na akong mabismowd. Pero pambawi nung prof, ang cute daw ng tandem namin ni Aga. Medyo kinikilig na yung butchi ko. Haha!

Sinabi ko kay Aga ang task na ibinigay sa akin at hinatid niya naman ako sa room ng peer tutors kung saan ko imi-meet si Richard. Habang naglalakad kami, may nakasalubong kaming mga batang babae at lalaki. Naalala ko tuloy kami noon. Ganitong-ganito kami nagsimula. Isang batang babaeng iyakin. At isang batang lalaking matapang at buo ang loob.

Thirteen years ago, umiiyak ako dahil sa isang lalaki-ang aking first love. Ang lalaking hindi ko lubos maisip na iiwan kami- ang aking ama.

I was too young to understand then kung bakit niya kami kailangang iwan. Tapos, bigla na lang may lumapit sa'kin na isang lalaking payatot. As in payat talaga. Sabi niya bakit daw ako umiiyak. Ang kaso hindi ko siya maintindihan dahil kama-migrate namin noon mula Korea. So technically, hindi pa ako marunong magtagalog. Pero nagsurvive naman kami sa sign language. Sinamahan niya akong umuwi matapos i-comfort kahit wala akong maintindihan sa mga salita niya. At dun na nagsimula yung friendship namin. 

"HOY! LEA SALONGA LEE!  ANO NA NAMAN YANG INIISIP MO AT NGINGISI-NGISI KA PA DYAN?" Natawa nalang ako nong napansin kong nasa harap na kami ng room.

Natouch naman ako nag-offer pa si Aga na samahan ako, dahil knows niya naman na super angas talaga ng Richard na iyon, na wala na yatang ibang alam sa mundo kung hindi ang pagtripan ako. Pero tumanggi ako dahil hindi pwede ang tropa during peer tutorial sessions. SAYANG!.

Pumasok kami at nagulantang nang makita si Richard, na prenteng nakaupo sa loob ng room at nakataas ang mga paa sa table. Tapos, tila init na init na nakashorts lang. Samantalang ang pang-itaas ay nakatapon sa ibabaw ng table.

Di ko alam kung magdudrools ako o mandidiri eh. Ang ganda kasi ng katawan niya, kaso si Richard siya. Nagulat ako sa ginawa ni Aga. Humarang kasi siya para di ko makita ang half naked na si Richard.

"O, ikaw pala,  Retokada." Bungad nito sa akin na ikinaikot na lang ng mga mata ko. Nagsimula na po siya! So far, never pa kong tinawag nito sa pangalan ko. Kung hindi retokada, ang tawag sa akin ay Hoy!.

"Hoy! Magdamit ka nga, hindi ka model para maghubad." Sinita ko ito at pinagsuot ng damit.

Napansin kong dumako ang mga mata ni Richard kay Aga na matamang nakatingin dito- tila naghahamon. Sa huli, tumalima naman ito, bagaman pangisi-ngisi.

Hessitant man, maya-maya pa'y umalis na si Aga at naiwan ako sa mayabang na si Richard na puro hangin ang laman ng utak.

Eto na nga mismo yung dahilan bakit ayaw kung gawin tong trabaho na to eh. Sarap ipitin sa pintuan eh. Ayaw makinig.

Para akong nagtuturo sa Nursery. HAHARDOPP!! Napag-utusan na nga lang ako dito, tapos ayaw pa makinig. GRADE KO TO EH.. 😭

Kaya hayun, umalis tuloy akong BISMOWD. Hanggang sa dumating si Aga at sabay kaming umuwi. Tanong pa siya nang tanong kung kamusta na raw yung first day ng pagtuturo ko sa tukmol na yun. Kaya yun kinuwento ko sa kanya. Nakakatuwa, kasi damang-dama ko yung concern niya sakin. Kinikilig ako sheeeemmmaaayy. HAHAHA😄

------

Kabaligtaran naman ito ng sumunod na araw. Kung paanong para akong nasa cloud nine kahapon, para naman akong binagsak headfirst sa lupa kinabukasan. Isipin mo naman, ang sabi niya magmimiryenda kami bago makipagbuno sa Richard na yon para daw may lakas ako.

Tapos nang puntahan ko sa office nila ng mga kapwa niya officers ng student council, inabutan kong may kalampungan. As in OMYGDRAGON! Nakakainis siya. BUSIT.!!! ASAR.

Kaya naman hanggang sa i-meet ko si Richard ay badtrip ako. Kawawang nilalang. Siya ang sumalo lahat ng galit ko sa mundo. Damang-dama ni Richard yung pagiging bismowd ko- yung tipong bawal magkamali, may sapok siya. Kaya buti naman at nakisama. Kaso, talagang pang nursery lang yata ang attention span ng loko. Yun tuloy, daig niya pa ang tambol sa dami ng kalatok niya sa ulo.

Sandali man akong nadistract sa pamemerwisyo ng Richard na yon, nang umuwi ako ay muling nagbalik ang senaryong nakita ko. Tapos nung gabi, hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan yung hindi ko maipaliwanag na galit, inis, selos at inggit nang makita ko si Aga at ang kalampungan nitong babae.

Hamakin mong pinaasa-asa pa akong magd-date kami (ok, friendly date nga lang pero date parin yun). Tapos naabutan ko may kasubuan ng ice cream. Parang wala silang sariling kamay. Anlakas makabismowd. 😠😠

Kakakaisip ko nun, nagulat nalang ako dahil may araw na. HAHA.
Pagtingin ko sa phone, puro missed calls at text ni Aga, asking if I'm okay and what happened yesterday. 

And I was like,  I'm fine,  go jump over a cliff,  together with that Bitch... 

_-------

Expect the unexpected 😄
May bagong love team dito.. 😄😘 Hulaan niyo..  ☺

Vote and comments are much appreciated.  😘😄

FALLING INLOVE 💗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon