Simula

7 0 0
                                    

Sofia Maria Tuazon

"Anak bumaba kana dito at may pasok ako walang mag babantay sa kapatid mo!!!!"

Napaigtad ako sa aking higaan ng marinig ang tinig ng aking ina.

"Sandali lang nay!!"sagot ko habang nag liligpit ng aking higaan sa aking kwarto.

"Anak mamaya kapag papasok na ang kapatid mo bumili ka kay aling Nene ng lutong ulam,para sa tanghalian ninyong dalawa."ani nanay

"Opo"

Nasa Elementarya na ang kapatid kong si Tomy,habang ako naman ay nasa Kolehiyo. Iskolar lang ako sa pinapasukan kong unibersidad.

Maswerte nalang ako at nakapag kolehiyo ako,at nakapasok sa isang magandang unibersidad,at skolar lang ako doon,hindi kayang bayaran ng aking ina ang tuition fee para makapag aral sa ganoong unibersidad.

Mag isa lang si nanay na bumubuhay sa amin ng kapatid ko,dahil iniwan na kami ng aking ama,bata pa lang kami noon ng kapatid ko ng iniwan kami ni tatay,kaya hindi ko pa alam ang nangyari kung bakit niya kami iniwan,ayaw banggitin iyon ni nanay sa amin,alam kong pag inaalala niya ang mga pangyayaring iyon,nanunumbalik ang sakit kay nanay,kaya hindi ko na ito naitatanong sa kanya.

"Sige na anak at baka matrapik sa daan at mahuli ako sa aking trabaho."

"Sige po nay"hinalikan ko siya sa pisngi ganoon din ang ginawa ng aking kapatid.

"Aling Nene,pabili nga po nitong Sinigang na baboy"ani ko

"Ilang Order ba ija?"ani aling nene

"Isa lang po padagdagan po ng sabaw ah

"Ate yung maliit na kamay ng orasan ay nasa 8 at yung malaki naman ay nasa 12 anong oras na?"ani Tomy

"8:00 na,malapit nang mag alasnuwebe kaya bilisan mo nang kumain at ihahatid na kita sa school mo"ginulo ko ang malagong buhok nito,grade 2 palang si Tomy kaya hindi pa nito alam tumingin ng orasan.

Sumakay kami ng trycle ni Tomy papunta sa kanyang skwelahan.
"Manong ito po"abot ko sa aming bayad sa trycle driver.

"O,Tomy wag kang malikot ha?wag kang magpapasaway sa teacher mo para hindi ka mapagalitan.pag may nang away sayo isumbong mo agad kay teacher ha? Mag aral ka ng mabuti"Inabot ko sa kanya ang kanoyang backpack na may tatak na Iron Man,mahilig kasi siya doon.

"Opo ate"humalik siya sa aking pisngi at tumakbo na para pumasok sa gate ng kanilang eskwelahan.

Pagkadating ko sa aming bahay ay naghanda na ako sa aking pagpasok,mamayang ala una pa naman ang aking pasok.

Sinuot ko ang aking back pack at lumabas na ng bahay. Nilock ko ang aming pintuan,at umalis na doon patungo sa aking skwelahan.

"Manong ito na po ang bayad ko."

Naglakad ako papasok sa skwelahan at marami ng tao sa loob nito.

Napakunot ang aking noo habang tinitignan ang mga babaeng nagkukumpulan at pinagkakaguluhan ang kung sino mang iyong nasa gitna.

Hinawi niya ang mga babae na nakaharang sa kanyang daanan,halata ang frustration sa kanya g mukha ng kumawala sa mga babaeng naroon.

Ngayon ko lang siya nakita,sabagay mag iisang linggo palang naman ako dito sa skwelahan na ito.

Tinitigan ko ang lalaking naglalakad para tumungo sa hagdanan ng isang building.Pinagmasdan ko ang kaniyang kabuuan.

Gwapo,katamtaman ang tangkad,at pangangatawan,maganda ang stilo ng buhok pati na ang kanyang pananamit.

"Ethan Noel Villamor!!!!!"sigaw ng isang babae at nagtumitili kasama ang kanyang mga kaibigan.

Mamahalin Kaya?Where stories live. Discover now