Kabanata 2

1 0 0
                                    

Sofia Maria Tuazon

Nagising ako ng maaga dahil aalis na si nanay para sa kanyang trabaho at kailangan ko nang mag asikaso dito sa bahay at kay Tomy.

Sinunod ko ang mga bilin ni nanay na bumili ulit kay Aling Nene ng lutong ulam.Wala na kasing oras si nanay para mag luto nakakapag luto lang ito tuwing walang service na natatanggap at kapag day off niya.

Marunong naman akong magluto kaso ayaw ni nanay dahil baka daw may pasok daw ako at kailangan ko pang asikasuhin si Tomy.

Binuksan ko isa isa ang mga kasirola para tignan kung anu-ano ang mga ulam na naroon.

"Aling Nene isang order po nitong Menudo."Paborito kasi ito ni Tomy.

Pagdating ko sa bahay ay kakalabas lang ni Tomy sa banyo at nakatapis ng tuwalya.Hindi niya ako pinansin at nag dirediretso sa taas.

Napangiti ako ganoon talaga iyon kapag bagong gising,masungit!.Medyo maaga kasi ang pasok niya.

Kumuha ako ng mangkok at sinalin ang Menudo at sa isang mangkok pa para sa hiningi kong sabaw.

Umakyat ako sa taas at tinungo ang kwarto ng aking kapatid.Nadatnan ko itong nagpupunas ng kanyang katawan.

"Ate!!!!"napangiti ako ng makita ang iritasyon sa kaniyang mukha at nagiwas ng tingin sa akin,at agad tinakpan ang kanyang katawan.

"Ay!ikaw ha!ang arte mo samantalang noon ako ang nag bibihis sayo tapos ngayon nahihiya ka ngayon?Aba nagbibinata kana ah? Samantalang di mo pa nga alam tumingin ng oras sa orasan!"natatawa kong sabi sa kanya.

Umismid lang siya sa akin at hindi man lang pinansin ang mga sinabi ko,talag itong bata na ito!

Tinulungan ko siyang mag bihis ng uniporme niya at siya na daw ang mga susuot ng brief niya.Hinayaan ko nalang at baka lalo pang magalit!

Bumaba kami at umupo na sa lamesa para kumain sanandukan ko siya ng kanin at ulam sa kanyang plato.

Bumaba kami sa trycle at nagpaalam na sa kanya,humalik siya sa pisngi ko at tumakbo na papunta sa gate ng kanyang skwelahan.

Umuwi ako sa aming bahay at naligo na,nagbihis na ako at nag ayos ng aking mga gamit at nagsapatos na.Ni lock ko anv aming pinto.

Pumara ako ng trycle at sumakay na.
Bumaba na ako ng tumigil ito sa di kalayuan ng aming school.Nanliliit ako dahil bawat estudyante doon ay bumababa sa mga mamahaling kotse.
At ako bumababa sa isang maliit na trycle.

Wala akong masyadong naging kaibigan noon dito noong unang pasukan tanging si Ellise lang ang naging kaclose ko at nakipag usap saakin.Hindi skolar si Ellise pero ibang iba ito sa mga kaklse kong babae na mga matatapobre at kinakaibigan lang ang mga katulad nilang high class.

Kaya nagpapasalamat ako at may kaibigan akong katulad ni Ellise na kahit mayaman ay mabait at nakikipag kaibigan sa akin.

Pumasok ako sa classroom namin at nadatnan kong may kani kaniyang mundo ang mga kaklase ko.

Nakita ko si Ellise na tumitipa sa kanyang cellphone.

"Ellise!"tawag ko sa kanya pag upo ko sa kanyang  tabi.

"Kanina pa ako nabobored dito at mabuti ay dumating kana!"

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nagmemake up ang mga kaibigan ni Princess at pati narin siya.

"Omygod! I'm so excited to see Noel! Umalingawngaw ang maarteng boses ni Princess. Napairap sa kawalan si Ellise ng marinig niya iyon.

Napatingin ako sa pintuan ng pumasok doon ang si Noel na blanko ang emosyon at dumeretso sa likuran ko kung nasan ang kanyang upuan.

Mamahalin Kaya?Where stories live. Discover now