Sofia Maria Tuazon
Tumindig ang lahat ng aking balahibo sa kanyang bulong.
Tumingin ako sa paligid at bumalik na sa kani kanilang pagkain ang mga tao dito sa cafeteria.
"Omygod!Hindi ko imaasahan yon Sofia!akalain mo pinagtanggol ka nya kay Princess!"manghang mangha na sambit ni Ellise sa akin.
Kahit ako rin ay hindi ko halos maisip na gagawin niya iyon sa akin.
Tumingin ako sa table nila Princess at hindi parin tumigil sa kakaiyak.
Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari gusto ko lang tanungin kung maayos siya, at kamustahin ang kanyang kalagayan ngunit di ko inaasahan na ganoon pala ang magiging asal niya saakin.Wala naman akong ginagawang masama sa kanya at bakit ganoon nalang ang naging asal niya saakin!?
Natapos na ang break time namin at nagpunta na kami ni Ellise sa aming susunod na klase.
"Mabait naman pala si Noel e!"ani Ellise.
"Baka galit lang siya sa mga nambubully, marahil may ari sya ng anak ng school kaya kapag may nakita siyang sumasaway sa rules ay pinagsasabihan niya."pagdadahilan ko.
Isa kasi yun sa rules ng school bawal mang bully.
"Hindi eh,parang may iba! Omygod!! Baka type ka nya!!"napa irap ako sa kabaliwan ng kaibigan ko.
"Ano kaba! Sigurado ao na ang mga type niyang babae ay mga mayayaman at hindi sa mahirap at cheap na katulad ko!"depensa ko.
"Ano kaba wala sa estado ng buhay kung iibigin mo ang isang tao!"
May point siya pero mapanghusga ang mga tao.Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Nagpaalam na siya at nandiyan na daw ang kotse ng ng Daddy niya.
Nag aabang ako ng trycle at pinara ang isang trycle na dumaan.
Pagkadating ko sa bahay ay nadatna ko sa bahay ang aking kapatid na nanonood ng T.V, cartoons nanaman ang kanyang pinapanood at Mr. Bean nanaman.
Ewan ko ba sa batang ito at tawang tawa kay Mr. Bean.
"Tomy."tawag ko sa kanya.
"Ate!"takbo nya saakin sabay yakap.At bumalik na sa upuan at nanood na ng Mr. Bean.Umakyat ako sa aking kwarto at nilapag ang aking bag.Lumabas ako ng bahay at pumunta kay Aling Nene at bumili ng Ulam.
Kumain kami ni Tomy at pagkatapos ay pinaglinis ko na siya na siya nang kanyang katawan at ako naman ay inasikaso ang gawaing bahay.
Dumating si Nanay gaya ng oras ng kanyang pag uwi.
Umakyat na ako sa taas para matulog na.Kinabukasan ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin araw araw.
Bumaba ako sa trycle at nagbayad kay manong driver.
Pumasok ako sa aking classroom at tumabi kay Ellise.
Tumingin ako sa gawi nila Princesa at nakita ko ang talim ng kanyang mata saakin.
"Alam mo ba kanina pa ako naiinis diyan sa Princess nayan at sa mga kaibigan niya kanina kapa nila pinag uusapan na plano mo talag iyon para mapansin ka daw ni Noel!"pagsusumbong saakin ni Ellise.
"Hayaan mo na,wag na natin silang patulan lalong lalala kapag pumatol pa tayo."
Dumating si Noel ng nakapamulsa at may headset sa tainga,parang wala siyang taong nakikita at tuloy tuloy sa paglalakad patungo sa kanyang upuan.
Dumating ang Prof namin at may binigay na project.
"You need to have a documentary it was all about to the street children,you need to take the picture of those children for the proof.Halimbawa ay binigyan mo sila ng pagkain o anumang bagay basta makita sa picture ang mga binigay ninyo sa kanila."paliwanag ni Prof
YOU ARE READING
Mamahalin Kaya?
RomansaSi Sofia Maria Tuazon,sanay sa simple ngunit masayang pamumuhay. Handa niyang paghirapan ang lahat ng bagay dahil iyon ang kanyang nakalakihan. Ngunit posible nga bang magkaroon siya ng happily ever after sa isang mayaman na lalaki? Mamahalin ka...