Chapter 8

200 3 1
                                    

CHAPTER 8

LEXI'S POV

Malamig

Sobrang lamig

Madilim

Bakit ang dilim?

Nasaan na ba ako ngayon?

Bakit hindi ko maibuka ang aking mga mata ko?

Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko?

Anong nangyari?

"Are you sure about this supremo?" narining kong tanong ng isang lalaki

"Ive been waiting for almost 5 years now Damon" sagot naman ng isang baritonong tinig.

Wait!

Mukhang kilala ko ang tinig na yon. 

Siya lang naman kasi ang malamig kung magsalita. Saka siya rin yong may buong buo pero medjo husky na boses.

Ang taong bipolar

Si Ford Montefalco

Pero teka?

Sino si Supremo?

"Pero Supremo paano mo ipapaliwanag kay Lexi ang lahat?" tanong naman ng isang pamilyar na boses.

At dahil nga narinig ko na ang pangalan ko ay hindi ko napigilang imulat ang aking dalawang mata

Bumungad sa akin ang limang naggwagwapohang lalaki. 

Grabeh! Nasa heaven na ba ako? 

Kasi kung itoy isang panaginip lang ayaw ko ng magising!

Define GOD-LIKE ? 

Sila yun!!  Waaaaaa!

"How do you feel Lexi?" tanong ng isang baritonong tinig.

Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Ford na nakatunghay sa akin. Hindi ko siya pinansin sa halip ay linibot ko ang mata sa kanilang lima.

Nasa kama pala ako at napapalibutan ng limang mukhang greek gods na kalalakihan.

Niyakap ko naman ang sarili ko dahil sa lamig at dahil na rin sa nakakailang nilang titig

Tiningnan ko naman ang katabi ni Ford na nakangiti sa akin.

Si Sir Bullet! Yong chinito naming professor!

"Ok ka lang ?" tanong ni Sir Bullet sa akin. Pero di ko rin siya pinansin sa halip napatingin ako sa kabilang side ng kama ko.

Tatlong super duper hunk ang nakatingin din sa akin. 

Lumapit sa akin ang nasa malapit sa gilid ng kama. Mahaba ang kanyang kulay brown na buhok na nakatali sa likod niya. Mestiso na parang si Ford subalit itim na itim naman yong mata na katulad kay bullet.

"Hi My name is Randall Maquez.. kumusta ang yong pakiramdam" bati niya sa akin sabay lahad sa kamay niya. Tiningnan ko muna ang kamay niya at dahil sa kagandang asal ay inabot ko ang kamay ko para makadaopang palad siya.

"Lexi.. " sagot ko sa kanya

"And by the way this is Hunter De Salvo" sabay lahad sa isang moreno na ubod ng sexy. Sobrang pogi niya rin. Itim na itim ang buhok na kakulay ng uwak katulad ng kay Ford. Ganun din ang mata niya kasing itim din yon katulad ng kay Bullet at Randall.

"Hello" sabi niya sa akin sabay abot ng kamay niya na siyang inabot ko rin.

"And that is Damon Fortalejo" turo niya naman sa isang lalaki na nasa harapan ko nakapwesto.

My Extra Ordinary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon