Chapter 11 - Flashback

138 0 0
                                    

CHAPTER 11

LEXI'S POV

"San ba kasi tayo pupunta? May gagawin pa kaya ako!" sabi ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay parang bakla.

"Sa bar" sabi niya sabay hila sa akin.

Napamaang naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Bar? Ano naman ang gagawin namin sa bar? Ni hindi pa nga ako nakakapasok sa mga ganung lugar tas eto at  hihilahin lang niya ako ng basta basta para pumunta sa  lugar na ni sa hinagap di ko pinangarap na pumunta doon.

Mabilis kong hinila ang kamay ko na hawak niya saka siya tiningnan ng masama. Ni hindi ko napansin na nasa labas na kami ng kotse niya.

"Teka lang nga muna Ford! Wala sa usapan natin na basta basta mo na lang akong hihilahin kung saan saan" naiirita kong sabi sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at binuksan ang pinto ng sasakyan niya.

"Get inside" sabi niya sabay pasok sa loob ng kotse

At dahil wala naman akong magawa kung magdadadak dak ako dito sa labas ni hindi niya ako naririnig kaya pumasok na lang din ako sa loob ng kotse niya.

"Naririnig mo ba ang sinabi ko Ford? Anong kagaguhan na naman ba to? Alam mo nakakairita ka na talaga" singhal ko sa kanya.

Hindi pa rin niya ako pinapansin habang pinatatakbo niya na ang kotse kaya naman hinampas ko na ang kamay niya na nakahawak sa manibela.

"What?! Dont do that gusto mo bang madisgrasya tayo?" pagalit niyang sagot ni hindi man lang ako tiningnan at nasa harapan lang ang buo niyang konsentrasyon.

"Kanina pa ako nagsasalita dito ni hindi mo ako pinapakinggan tas kaw pa may ganang magalit diyan? gawin kitang semento eh at ipokpok dito sa kotse mo!"

"Tumahimik ka na lang kasi diyan.. ang kulit mo alam mo!"

"At ako pa talaga ang makulit ha? Sino ba ang pumunta basta basta sa apartment ko at walang habas na hinila ako para sumama sa bar?"

"Why? Is there anything wrong? you're may slave that's why kung nasaan ako dapat nandun ka rin!"

"Wala sa usapan natin ang samahan ka kahit saang lugar na gusto mo" halos pasigaw ko ng sabi sa kanya.

Tiningnan niya ako ng bahagya at tinaasan ng kilay saka ibinalik ulit ang pansin sa daan.

"Tell me, who is your master?" tanong niya

"Ikaw" bigla kong sagot

"Oh! ako pala so you dont have to argue with me. You should be when and where I want."

"Eh bakita ba sa ganitong oras pa?" lecheng buhay naman to oo!

"Bakit sa tingin mo bukas ba ang bar sa umaga? Di ka rin tanga!"

Lumubo ata yong utak ko sa sinabi niya sa akin

"Sinong tanga?! Hoy Ford Montefalco kung mahal mo ang buhay mo magingat ingat ka sa pagsasalita sa akin ha. Di porke't pumayag ako sa kagustuhan mo ay may karapatan ka ng pagsalitaan ako ng ganyan. Baka nakakalimutan mo kung sino ako at anong kaya kung gawin" Pagalit kong sabi sa kanya. 

"Look! Im sorry I just need you to be with me there. I just need you" mahinang sabi niya

Tila bumilis naman ang pintig ng puso ko ng sabihin niyang I just need you . Hindi ko maintindihan pero tila ba tumagos sa puso ko yong sinabi niya. 

Ano kayang ibig sabihin niya sa sinabi niya?

Hindi na lang ako umimik at tumingin na lang sa labas ng bintana ng sasakyan.

My Extra Ordinary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon