Chapter 9 - Flashback

334 4 3
                                    

Starting from this chapter all the scenes ay flashback po 

CHAPTER 9

LEXI'S POV

Dalawang araw na ang nakakalipas

YES! Tama!

Sa loob ng dalawang araw di ko maiwasang itanong sa sarili ko nasa impyerno na ba ako? 

Bakit ako pinaparusahan ng ganito?

Bakit kailangang danasin ko lahat ng mga ito?

After kasing gawin akong slave ng isang FORD MONTEFALCO ay nagkanda bweset-bweset na ang buhay ko

Tama! Slave ako ng isang FORD MONTEFALCO 

Kung hindi ba naman sa katangahan kong magteleport upang hindi na ako malate ay wala sana ako sa lugar kong ito ngayon.

Eh! Hindi ko rin naman kasi alam na nandoon pala siya! Malay ko bang mahilig siyang tumambay at matulog doon.

Sa yaman ng pamilya niya? at take note sila pa ang may ari ng school 

Eh pwede naman siya magpagawa ng sarili niyang pagtatambayan. 

Kaya yon pagkatapos niyang mahindik sa nakita niya ay hiniling ay hindi... pinilit pala niya akong maging MASTER ko siya para hindi niya isiwalat lahat ng nalalaman niya.

ANG TALINO NIYA DIBA?

Sa sobrang talino niya gusto ko na siyang gawing palaka at ipahalik sa isang bakla ng magtanda siya!

Pero hindi naman ako ganun kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa lahat ng gusto niya.

At unang araw pa lang ng naging SLAVE niya ako ay kung anu-ano na ang inuutos niya ha. Parang gusto ko nang kumuha ng tali at isabit sa leeg ko.

Buti sana kung may katuturan yong mga pinaguutos niya.

PERO WALA!!! <caps lock para intense>

Unang araw ko sa pagiging slave ay inutusan niya akong magcartwheel sa field kung saan siya naglalaro. Eh kasi naman kung hindi niyo naitatanong isa lang naman siyang varsity player ng soccer team namin at take note! Siya ang team captain.

Pero enough na sa walang kwenta niyang activities <ang bitter ko lang> at mabalik tayo sa pinaggagawa niya sa akin.

Yun nga napilitan akong magcartwheel ng tatlong beses sa field kung saan naglalaro sila. 

Ni hindi ko pa nga naihanda ang sarili ko para gawin yon pero alam niyo ba anong sabi ng gunggong na yon.

"AS IN NOW LEXI! I WANT IT NOW! YOU'RE MY SLAVE SO DAPAT SUNDIN MO ANG INUUTOS KO" yun lang naman yong sinabi niya sa akin. Hindi ba nakakainis lang?

Hindi lang nakakainis!! 

Gusto ko na ngang magawala sa sobrang inis ko sa kanya!

Kaya yun mukha lang naman ako katawa tawang nagcartwheel ng tatlong beses sa gitna ng field habang halos lahat ng tao doon ay namimilipit sa kakatawa sa akin.

Paano ba kasi nakaskirt kaya ako nung time na yun at nakikita ang blower ko na may printa ng isang pusa kaya hindi na ko magtatataka kung bakit ganun na lang sila makatawa.

At si Ford? Hayun ang hinayupak at halos mahiga na sa kakatawa ang sarap lang bugbugin ano?

Pero akala ko matatapos na ang kalbaryo ko nung araw na yon pero nagkamali na naman ako!

Alam niyo bang pinakanta niya ako bigla sa gitna ng paglelecture ng klase namin.

Kasi kung hindi niyo naitatanong classmate ko po siya sa isang subject.

My Extra Ordinary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon