Chapter 3

10 0 0
                                    

"Uyy time na, tara na ihahatid na kita sa classroom mo." Sabi ko sa kanya.



"Hala di pa ako tapos kumain eh paano yan??" Namromoblema niyang sinabi.



"Tagal mo kasi kumain eh, yan tuloy di mo na ubos." Asar ko sa kanya.



"Hala dadalhin ko na ngalang to sa classroom, dun ko nalang uubusin hahaha." Natatawa siya habang sinasabi niya.


"Luhh paano mo naman yan kakainin?" tanong ko sa kanya.


"Oo nga noh..." napaisip siya.


"Sayang kasi eh, paborito ko pa naman to." Malungkot niyang sinabi.


"Awww okay lang yan. Yan parin naman kakainin mo bukas eh." Sabi ko.



"Hahaha oo na." medyo natuwa na siya nung sinabi niya.



"Hahaha ohh tara na, anong oras na. baka pagalitan ka pa ng teacher mo." Sabi ko sa kanya.



Hinatid ko siya sa classroom niya.



"Bye Kara, see you later! Sunduin ulit kita mamayang uwian ah." Sabi ko sa kanya.



"Hahah sige sige mamaya ah wag mo kakalimutan hahaha" sabi niya habang nakaway.



"Hahaha Oo, Oo di ko kakalimutan hahaha promise." Sagot ko sa kanya.



"Hahaha sige ba-byee!" kumaway pa siya sa akin.



Pag balik ko sa classroom nandun na pala sunod naming teaher. Pumasok ako at nagmadaling pumunta sa aking upuan.



"Uyy pree. Saan ka galling?" sabi sa akin ng kaibigan kong si Brian.



"Ahh wala hahaha hinatid ko lang bestfriend ko sa classroom niya." Sabi ko kay Brian.



"Bestfriend nga lang ba? Hahaha" pabiro niyang sinabi.



"Hahaha oo naman, bakit ano ba akala mo? Hahaha."



"Talaga lang ah hahaha" sabi ni Brian.



"Eto talaga hilig magbiro, sabi ng bestfriends lang kami eh hahaha"



"Eh kasi parang hindi kayo magbestfriends eh hahaha parang kasing may "kayo" na hahaha" biro niya.



"Walang kami, mag bestfriends lang kami okay? Hahaha kulit." Sabi ko.




"Hahaha oo na mag "bestfriends" lang kayo." Pabirong sinabi ni Brian. Di na ako umimik at nakinig nalang ako sa teacher ko.


Ikaw parin palaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon