Chapter 9

5 0 0
                                    


"Hi Kara, papunta na ako ng classroom mo." Text ko sa kanya

"Hi Adam. Sige punta ka na hihintayin kita." Reply niya.

"Uy pre puntahan ko na si Kara ah naghihintay na siya eh." Sabi ko kay Brian

"Sige sige pre, Goodluck ah." Bati niya sa akin

"Sige sige pre salamat nga pala sa payo mo sa akin." Pasasalamat ko ulit kay Brian

"Sus wala yun pre, tropa kita eh." Sabi ni Brian


"Sige pre, una na ako." Sabi ko kay Brian

At dali dali na akong pumunta sa classroom ni Kara habang nanginginig ang aking mga kamay ng dahil sa kabang nararamdaman ko.

Pagdating ko sa katabing classroom ni Kara, lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba pero pinilit kong kumalma lang ako na parang walang kabang nararamdaman. Tapos tinext ko si Kara.

"Nandito na ako sa may labas ng classroom niyo." Text ko sa kanya

"Ahh sige, palabas na ako ng classroom." Reply niya

Lumabas agad siya ngclassroom niya na parang masungit at wala siya samood. Kaya naisipan ko na mamaya ko nalang sasabihin sa kanya.

"Ohh bat ang sungit mo? Gutom ka na noh?" Tanong ko sa kanya


"Oo eh, kanina pa ako gutom kaya wala ako sa mood kanina pa." sabi niya na parang inis na inis siya.

Pumunta na kami sa canteen. Nakasimangot lang siya hanggang sa makarating kami sa canteen.

"Tara ano gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya

"Kare-kare!'" sinabi niya na parang medyo natuwa siya

"Sige saglit lang, bibili lang ako." Sabi ko sa kanya at bumili na nga ako ng pagkain namin.


"Ohh eto na yung paborito mong kare-kare. Yan pakabusog ka ahhh" sabi ko sa kanya

"Aww alam mo talaga kung paano ako papasayahin. Thank you Adam!!" tuwang tuwa siya habang siya ay nakain.

"Kara" sabi ko


"Ohh bakit?" tanong niya

"May sasasbihin ako sayo..."

     

Ikaw parin palaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon