Chapter- 3

12 1 0
                                    

Chapter-3

Lyra's POV...

Im sorry, I forgot, mali pala ako. Di pala sya magiging bitch, di naman kasi sya aso eh, ahas sya.

Sya lang naman ang bestfriend kung ahas na sobrang landi na si Angel. Di man lang nahiya. Angel pa naman ang pangalan, tapos may malademonyong ugali.

At ang bwesit kung boyfriend.. Ayy,, di ko na pala sya bf, ex ko na pala sya. Di man lang sya pumili ng mas lamang sa standard ko. Di nga nya ako mapantayan eh, di sa feeling ako ha.. Totoo po talaga yun.

Bigla nalang silang tumigil sa kamilagruhang ginagawa nila. Ewan ko nga kung bat sila tumigil eh, nag-eenjoy pa naman ako sa live porn na nagaganap sa harapan ko. And at the same time nagpaplano na rin ako kung paano ko sila papatayin. Kung imamassacre ko ba sila kagaya ng ginawa ni ampatuan o tatadtarin ko sila ng pinung-pino. Suggest nga guys kung ano yung mas maganda. Comment nyo ha.

"Oh hi besh. Hiniram ko muna yung boyfriend mo ha. Isasauli ko sya sayo mamaya. Promise." sabi ni angel. Ayy,, palitan natin yung name nya, di kasi bagay sa kanya. What if Demon nalang, mas fit eh.

Napangiti ako ng sarkastiko sa kanya.

"Kahit huwag na. Sayo nalang sya, di naman sya kawalan eh. Tutal bagay kayong dalawa." sabi ko habang hindi inaalis yung ngiti ko.

"Talaga besh. Thank you ha. Tama ka, bagay talaga kami. Kasi maganda ako at gwapo naman sya. Oh diba bagay. Di tulad sa inyo, pangit mo kasi eh." sagot ni demon habang nakangiti. Wow ha. Sya pa yung nagsalita. Ang ganda nya.

Ngayon, napahalakhak na ako.

"Hahaha. No. That's not what I mean. Ang ibig ko kasing sabihin ay bagay kayo kasi sya basura at ikaw naman basurera o diba meant talaga kayo for each other." sabi ko

Ang nakangiting mukha nya kanina ay napalitan ng galit ngayon. Hahaha. If only she know kung gaano nakakatawa yung mukha nya.

"Walang hiya ka!! Anong sabi mo?! Kaya ka pinalitan ni Dave eh kasi sobrang pangit ng ugali mo at ang pangit mo pa!!" sigaw nya..

"Talaga!! Malandi ka lang kaya naagaw mo si Dave sa akin! At tsaka, grabe ha! Nilait mo pa ako! Ang modern na talaga ng panahon ngayon, akala ko ang mga pangit nilalait. Pero anong nangyari sayo besh, ang pangit mo pero nanlalait ka, anyare. Nag-evolve ka?" sabi ko

"Ikaw!!!" akmang sasabubutan na sana ako ni angel ng pinigilan sya ni Dave.

Akala ko ba patay na sya. Kanina pa kasi sya hindi umiimik eh. Sayang naman. Di pa natuluyan.

"What?! Bhabe, ako tong gf mo pero sya yung kinampihan mo." protesta ni demon.

"Just shut up and go, angel." sabi ni Dave.

At wala ng nagawa si demon at umalis na habang nagdadabog. Pero bago pa man sya makalabas sa pinto sinabi ko muna yung sweetest goodbye ko...

"Naku! Mag-ingat ka ha. Mainit pa naman sa labas, baka matunaw ka. Plastic ka pa naman." sabi ko while wearing my sweetest smile. Para mas lalo syang mapikon.

At hindi nga ako nagkamali. Napikon sya...

"Ahhh.... I hate you Lyra!!!!" sigaw nya.

Hahaha... Paano ba yan pikon sya, edi talo sya. Kawawa naman sya. Pero ang totoo, sino bang kawawa? Ako o sya?
"Oh buhay ka pa pala Dave." sabi ko kay Dave ng tuluyan ng nawala sa paningin ko si Demon.

"Lyra, Im sorry. " sabi ni Dave. Sorry nya mukha nya.

"Sorry?! Talaga lang ha! Pagkatapos kung masaksihan yung kanina! Sorry lang yung sasabihin mo! P*ta ka Dave! Ano ako tanga?!" sigaw ko habang pinipigilan kong umiyak. Ayokong makita nya akong mahina at umiiyak.

"Look Lyra, di ko yun sinasadya!!" Sigaw ni Dave. Sigurado talagang di nya yun sinasadya. Nagpapatawa ba sya? Joke ba yun?

"Anong di sinasadya?! Ano yun, aksidente lang yung ginawa nyong laplapan kanina!! Ang tagal naman nun, Dave!! May new def. na ba ang aksidente, di kasi ako nainform!!" sigaw ko...

"Its not my fault Lyra! Kung binigay mo lang sana yung gusto ko, di ko yun gagawin!! Nabibigay lahat ni angel ang needs ko!!" sigaw nya. Now alam ko na kung ano ang tunay na pakay nya sa akin. Its my viginity.

"So kahit kailan  hindi mo ako minahal!! Kasi ang totoo katawan ko lang ang habol mo!! Pano kung mataba ako, di mo ko liligawan!! Tell me, kailan pa to!! Tell me the truth!! Kailan nyo pa ako niloko?!!" sigaw ko..

At ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay sunud-sunod na bumagsak. Ang sakit eh. Minahal mo sya ng sobra pero malalaman mo lang na katawan lang ang habol nya sayo. Ang sakit talaga eh. Sobrang sakit...
Yumuko sya sabay sabi ng...

"Nung 5th month pa natin. Sorry talaga Lyra. I didnt mean it. Im really sorry."

At dahil dun sa narinig ko mas lalo pa akong humagulhol. Sino bang hindi masasktan sa ginawa nila
Walang hiya sila. So 7 months na pala akong nagmumukhang tanga. Since its our 12 monthsary and also our 1st anniv. Grabe.. Kaya pala sobrang sweet nya sakin ng mga panahon na yun kasi gusto nyang masuklian ang mga panloloko na ginagawa nila sa akin. Wala ng rason para magtagal pa ako dito. Baka makapatay pa ako ng tao. Makulong ako. Di pa naman sila worth it.

Walang anu-ano ay naglakad na ako palabas. Pero bago pa naman ako makalabas, niyakap nya ako...

"Please Lyra, lets talk about it." sabi ni Dave.

Pero masakit na eh. Sobrang sakit na. Kailangan ko muna ng space.

"Sorry Dave pero wala na tayong dapat pag-usapan. At tska wala ng tayo kasi we are over..." sabi ko

Tapos ay tinanggal ko na yung kamay nya na nakayakap sa akin at dali-daling lumabas. At tska pumara ng taxi...

Itutuloy...
____________________
Please do some votes, share, and comments... And be a fan
Love yah guys......
Muahh Muahh Muahh....

Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon