Chapter 4

11 1 0
                                    

Chapter 4

Lyra's Pov...

"Manong pwede nyo po ba akong ihatid sa pinakamakapit na bar dito." sabi ko kay manong driver

Ito lang kasi ang lugar na unang pumasok sa utak ko. Para pansamantalang mawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Ok lang ma'am. Sige, sakay na po kayo." sabi ni manong.

At kagaya ng sinabi nya, sumakay na ako.

"Ahh maam okay lang po ba kayo." sabi ni manong.

Pinaglihi ba sya kay dora. Halata naman kasi eh tapos nagtatanong pa sya. But since mabait ako, di ko nalang sya prinangka but instead sinabi ko nalang ang hindi obvious sa kanya.

"Ok lang po ako manong. Huwag nyo na po akong pansinin." sabi ko kay manong.

"Naku maam. Huwag na po kayong magsinungaling, halata naman po eh." sabi ni manong.

Eh halata naman pala eh. Bakit nagtatanong pa sya. At since ayoko ng dagdagan ang pagkabadtrip ko, pinili ko nalang ang tumahimik.

"Alam mo iha, alam kong lalake ang iniiyakan mo. Ganun din kasi ang nangyare sa anak kong dalaga eh. Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon kumpara noon. Alam mo, kung ako sayo huwag mo syang iyakan kasi di sya deserving sa mga luha mo. Madami pa namang lalake dyan eh. At tsaka maganda ka kaya for sure madali kang makakahanap. At tska isipin mo nalang na di sya yung lakake para sayo." sabi ni manong.

Kung pwede lang talagang palitan si Dave ng ganun kadali lang, gagawin ko. Pero ang hirap magmove-on eh. At tska masakit pa eh. Di ko pa talaga kayang magtiwala ngayon. Naisip ko kasi na baka masaktan lang ako. At dahil nga sa sinabi ni manong di ko maiwasang sabihin yung  nararamdaman ko...

"Pero ang hirap pong magmove-on.'' sabi ko.

Pero mas nawindang ako sa naging sagot nya...

"Alam ko.. Kaya nga nagsuicide yung anak ko eh. Kasi di nya matanggap na niloko sya ng syota nya. Kaya sana iha, huwag mo ding gawin yun. Di lang kasi ang boyfriend mo ang tao sa mundo. Ang dami pa. Ang dami pang taong nagmamahal sayo. Isipin mo madaming masasaktan pag mawawala ka. Kasi ang sakit talaga iha. Sobrang sakit." sabi ni manong habang pinapahid ang mga luhang nagtatangkang lumabas sa mga mata nya. Naguilty tuloy ako.

"Sorry po manong." sabi ko habang nakayuko.

"Huwag kang magsorry iha. Di mo yun kasalanan. At tska nandito na tayo." sabi ni manong.

Di ko manlang namalayan na nakarating na pala kami sa pinakamalapit na bar.
At lumabas na ako...

"Manong, bayad po oh." sabi ko sabay abot ng bayad ko.

"Sige iha. Gawin mo yung sinabi ko ha. Ayokong may masayang ulit na buhay dahil sa isang lalake. Sige, paalam iha." sabi ni manong at umalis na.

Pumasok na ako sa loob ng bar. At since maaga pa, maliit pa yung tao sa loob. Akala ko nga wala pang tao sa ngayon eh. Siguro, kagaya ko may problema din sila. Umupo na ako at umurder ng alak.

"Yung pinakamatapang na alak nyo po." sabi ko sa bartender.

At binigyan nya ako ng alak. Pagtikim ko. Grabe, ang pait. Sobrang pait. Pero kaya ko to. At ininom ko ng diretso ang alak.

After 1 hour...

Nakainom na ako ng 20 glass ng alak. Ewan ko kung ano ang pangalan ng ininom ko. At sa 20 glass na nainom ko, sigurado akong may tama na ako. Pero napansin ko,
Kanina pang may tumitingin sa direksyon ko. Ewan ko nga kung nag-aasume lang ba ako o meron nga ba. Ayy, bahala na. Basta eenjoyin ko nalang ang araw ng break-up namin ni Dave...

Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon