Chapter 6
Kevin's Pov...
We just stay on that position hanggang matapos ang kanta. Pero bakit hindi na umiimik si Bella...
"Bella..." tawag ko sa kanya
Pero bakit wala akong matanggap na sagot? Bakit di sya umiimik? Hala ano ng nangyari kay Bella. Pagtingin ko sa kanya, tulog. Kaya naman pala ganun sya eh. Kasi mahimbing syan natutulog. Akala ko pa naman may nangyari ng masama. Hayy....
Anong nangyari sa akin? Nasobrahan ba ako sa kape kaya napapraning ako? Hay naku!!At dahil tulog si Bella binuhat ko nalang sya patungo sa table ng mga barkada ko. Alangan namang ihatid ko sya sa bahay nila, eh hindi ko naman alam kung saan sya nakatira. Ano ako manghuhula? Tsk. At ayoko din naman syang gisingin, kasi ayokong disturbuhin ang pagtulog nya.
So that's the reason why I decided na dalhin sya sa table ng barkada ko.
Pagdating namin sa table, binungad agad kami ng mga tanong ng mga damuhog kong barkada. Ayy mali pala ako. Di pala kami, ako lang pala. Nakalimutan ko, tulog pala sya.
"Bro, diba sya yung babaeng tinitingnan mo kanina?" tanong ni Raymund.
"Oo, sya nga." sagot ko naman.
"Anyare, bakit knock down." usisa naman ni Louise.
"Oo nga bro, may ginawa ka no?" tanong ni Clark.
Pambihira! Kapag nanggaling talaga kay Clark ang tanong, wala ka talagang maasahang matino. Puro kapilyuhan at kalokohan lang naman kasi ang laman ng ulo nya eh. At konting fact lang about kay Clark, alam nyo bang sa lahat ng mga barkada ko, sya yung pinakapilyo. At sad to say sumunod lang ako.
"Tumigil nga kayo!" sabat naman ni Kenneth, ang dakila kong kakampi.
"Kev, saan mo ba yan patutulugin?" tanong sakin ni Kenneth.
"Yun nga problema ko eh, may available pa bang room dun sa itaas? Di ko din kasi alam kung saan sya nakatira eh." sabi ko kay Kenneth.
"Actually may available room sa itaas. Doon mo nalang sya patulugin. Ang ingay dito eh baka madisturbo sya sa pagtulog." sabi ni Kenneth.
Basta talaga si Kenneth, maasahan pagdating sa mga ganitong bagay.
At kagaya nga ng sinabi ni Kenneth dinala ko na si Bella sa bakanteng room sa itaas. Pagkatapos ay hiniga ko sya sa kama, hindi naman siguro maganda kung ihihiga ko sya sa sahig ano? Ano ba ang purpose ng kama?
Umupo lang ako sa couch habang naglalaro sa cellphone ko. Alam nyo na, para pampalipas oras at di mabored. Pero bakit ganun?
Bored parin ako. Ano na ba nangyari sakin? Haisst.
Di ko talaga maiwasang isipin na everytime na malapit ako sa kanya. Theres a feeling na parang nakita o nakilala ko na sya noon. May naalala kasi ako sa kanya eh.
Yung feeling na kailangan kong proteksyonan sya. I dont know kung bakit. Basta ang nasaisip ko lang ay siguraduhing ligtas sya.
Kaya nga ako nandito eh, binabantayan sya, imbes na lumabas ako at magsaya.Alam nyo ba kung kailan ito nagsimula? Nagsimula ito nung may nakita akong lalakeng nambabastos sa kanya. Then mas tumindi yun nararamdaman ko nung nagsayaw kami, lalong lalo na nung napayakap sya sa akin.
Akala ko nga na umaandar lang yung kamanyakan ko nung hinigit ko sya at hinaplos-haplos yung likod nya. Kasi nung tumagal ito, hindi na yun yung dahilan ko. Yung kapilyuhan na nasa isip ko, nawala.
BINABASA MO ANG
Tamang Panahon
Teen FictionLyra Dwaine Medina is a hopeless romantic. Isa siya sa napakaraming babae na naniniwala na may nag-iisang lalaki na nakatadhana para sa kaniya. Naranasan niyang magkaroon ng boyfriend when she was in first year high school. She surely love the guy b...