Chapter 17 Rescue

819 21 0
                                    

RIN POV..

Hanggang ngayon pinapahirapan parin ako ng hayop na lalaking yun! oo hayop na siya para saken, muntik pa nga akong manyakin nun eh..Hindi niya man lang ako pinapakain o pinapainom ng tubig..Yan tuloy pakiramdam ko tuyong tuyo nako..


"Kunting tiis ms maganda malapit narin si Blood, kung ikaw talaga ang pinili ni Blood hahaha" parang wala sa sarili niyang tawa.



"p-pinili.?" utal kong tanong..



"Yep, pinapili ko siya, ikaw o ang ka gangmate niya hahahaha" baliw ba sya?? pano ako pipiliin ng taong hindi ko kilala??.



"Patayin mo nalang ako wala rin namang pag asa" wala sa sarili kong bulong..at salamat kasi hindi niya narinig..




"Haha, alam mo ba kung bakit ka nandito? ginawa kitang pain para sa kanya!bwahahaha" at umakbay pa saken..Packing tape..Ang sakit na nga ng braso ko dahil sa pananakit niya inakbayan pako nitong unggoy nayun!.



"B-baliw ka na!"


*slaap!!.


Ouch!! ang hapdi hapdi na talaga gusto ko nang tumakas..


"Ano?! gusto mo ba talagang masaktan?!! ah!!!"




"W-wag po! tama na po!! araay!!! tama na!! arayy!!!" palo parin siya ng palo saken..



"Ano?!! sagot!! gusto mong masaktan diba?! baliw ako diba?! heto!!!" nanggigigil niyang palo saken...



"Aaaaahhhh!!!" halos mawalan nako ng hininga dahil sa ginagawa niya..


*Buuugggssshhh!!!!



"Boss! p-pinasok tayo!!" sigaw ng isang lalaki at pumwesto sa gilid ko..



"Sino namang pumasok sate-"


"Aahh!! uuggh!" tumilapon naman yung isang lalaki na duguan..


Parang slow motion namang lumitaw ang isang babae na naka itim at may dalang katana na naka......




"Guardian angel!!" sigaw ko naman..Alam kong si guardian angel siya..Halos umiyak na ulit ako kasi nakita ko siya..



"Blood!!!" sigaw naman ng lalaking to..Teka..Si Guardian angel si ..B-Blood??..



Natuon naman ang atensyon niya samen, saken..Mas hinigpitan pa niya ang paghawak niya sa katana niya at inatake na siya ng mga kalaban.


SAPPHIRE POV..

"Blood!!!" sigaw ng isang lalaki ang leader ng Scorpio gang..Nabigla ako sa nakita ko at mas napuno ng galit.


Punong puno siya ng pasa, dugo, sugat at mga galos..Ang kamay at paa niya..Naka tali sa wire na matalim..Ngumiti siya nang nakita niya ko..Isang ngiti na nagsasabing..Ligtas na siya..at yun ang gagawin ko.

Umatake naman ang mga kalaban..Lagot kayo saken ngayon!.


Para akong sumasayaw habang umaatake sa mga kalaban..susuntukin na sana ako nang nasa likod ko pero yumuko ako at sinipa ang tyan niya..Tapos tumalon ako at parehong sinipa ang dalawa..kaya pareho silang tulog.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila habang ang leader naman ng scorpio ay nanginginig na tumakbo..

Tss, talunan..

Madali akong tumakbo papunta kay Rin na nakatingin saken.


"G-guardian Angel a-ayos ka lang ba? nasugatan ka ba??" napatigil ako sa pagtanggal ng matatalim na mga wires sa kamay niya..Tinignan ko siya sa mata..


At nakita ko ang mga mata niya na puno ng pag aalala..hindi ko namalayan na sa loob ng maskara ko tumulo na ang luha ko..


'Bakit? bakit mas inu una mo ko kesa sa sarili mo Rin?'


Sabi ko sa sarili ko..nagmadali akong kalagan siya..


"Let's go" sabi ko at pinatayo siya pero natumba siya at hirap na bumangon.



"Are you okay?" tanong ko sa kanya habang naka luhod..



"O-oo " Hina niyang sagot saken..



"Blood!!!!" tinignan ko ang sumigaw..
Kaya pala siya tumakbo kanina para mag tawag ng mga kakampi..Ngayon marami na silang naka palibot saken..Dala dala ang kahoy at mga bat nila..


"G-guardian angel" hinawakan ko ang mukha niya..



"Sshh..Just stay here" tumayo nako at hinarap sila ng buo ang loob..Akala niyo ba tapos nako sa inyo??..



Sinugod ko sila ng buong lakas at inatake medyo nahihirapan ako aasi marami sila at sabay sabay pa kung umatake..Sinipa ko yung isa at nasuntok naman ako sa kabila tinignan ko siya ng ubod talim! humanda ka saken ngayon!!..mabilis na nandilim ang paningin ko..


Kaya imbis na patulugin ko lang sila..Ay may mga tao rin akong napatay..GAmit ang katana ko..

RIN POV..

Nandito lang ako sa sahig naka upo at nanghihina..Gusto ko siyang tulungan kasi pinag tutulungan na si Guardian Angel ng mga lalaking yun halos umiyak naman ako pag tinatamaan siya..Oo, inaamin ko babae siya, pero iba siya, malakas siya, at mabilis..

Pero mas nabigla ako ng saksakin niya ang lalaking kanina lang ay sumugod sa kanya..Pinilit kong tumayo at ginawa yung upuan bilang suporta..

Nakita ko naman ang isang lalaki na kumuha ng isang bat at dahan dahang lumapit kay Guardian Angel..Walang alam si Guardian Angel kasi busy siya sa mga dalawang lalaking pinag tutulungan siya..

"Mamatay ka na Blood!!!"



"Wag!!!" sigaw ko at tumakbo palapit kay Guardian angel..Hindi ko alam kung bakit nagkaroon agad ako ng lakas para makatakbo ng mabilis sa kanya..

Niyakap ko si Guardian Angel at agad na naramdaman ang buong pwersang pagpalo ng bat sa likod ko..

At sa isang iglap din biglang nagmanhid ang buong katawan ko..


"Rin!!" agad niyang pinaslang ang lalaking pumalo saken. Ramdam ko rin ang pag bagsak ko sa sahig..nakita ko ang bracelate niya na katulad saken..Guardian angel sino ka ba talaga? bumigat na ng tuluyan ang mga mata ko at sa isang iglap wala nakong narinig o naramdaman.

My twin sister is a Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon