Chapter 20 New World

818 21 0
                                    

RIN POV..

3 Araw nakong nasa hospital at inaalagaan ng sobra ng mga doktor at nurses..Akala talaga nila nagkaroon ako ng amnesia. Pero mas mabuti narin to baka kasi pinaglalaruan lang nila ako. Baka kasi hawak pa rin ako ng mga taong kumidnap saken.

"Goodmorning Sap!" bati naman saken ni Dash..

Oo, kilala ko na sila..Sina Dash, Heiro at Rogue..Sabi nila bestfriend ko daw silang tatlo..Sabi nila..

"Goodmorning" ngumiti naman ako sa kanya. At na shock parin sya..

Lahat sila nagugulat pag sumasaya ako, ngumi ngiti, natatakot..Sabi kasi nila masasabing nasa saken na daw lahat except sa emotions..

"Lady, nakahanda napo ang lahat" sabi naman ng isang maid.

"Ah okay" sabi ko at tumango..

Sumakay na kami sa kotse..Sobrang yaman naman talaga ng mga 'bestfriend ko'.

"Dash kotse mo? gara ah!" sabi ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya..

"Haha, hindi aken yan" napatigil naman ako..

"Eh kung hindi sayo? kay Heiro?kay Rogue?" tanong ko..

"Sayo, Sap sayo ang kotse na yan hanggang dun sa likod." Sabi niya sabay hila saken pa punta sa kotse.

Na bigla naman ako..Talaga bang kotse ko yang mga yan??.Aken ba talaga ang mga yan??..

"Lady, sumakay na po kayo" sabi ni Nay Alice.

Sumakay naman kami pero nakakapag taka kasi ako lang ang nasa back seat habang si Dash ay nasa shot gun sit.

"Nay Alice, dito na po kayo sumakay" sabi ko sabay baba sa kotse at hinila si nay Alice.

"P-pero lady,.Hindi po kayo sumasabay sa iba pag nasa backseat kayo" nalungkot naman ako..GAnun ba talaga si Sapphire nila?..Ang damot niya naman.

"Sige na po nay sumakay na po kayo katabi ko please po please" sabi ko habang nagpapacute sa kanya..

Natawa naman siya at sumakay din.

Hindi rin tumagal ang byahe namin..Halos naninibago ako sa mga daan na tinahak namin..Humito naman kami sa sobrang laking gate.

Tapos pinagbuksan kami..Akala ko bababa na kami pero tumatakbo parin ang kotse binuksan ko ang bintana ng kotse at bumungad saken ang laki ng paligid..May mga puno din at malalaking mga bulaklak. Napa nganga naman ako sa laki ng bahay na nasa harap ko, hindi..Mansyon na nasa harap ko..

Bumaba na ang iba at pati ako..

Napa nganga naman ako sa laki ng bahay nato..siguro maraming naka tira dito..Tyaka bakit naman nila ako pinapunta dito?.

"Psst..Dash kaninong bahay to? sayo?" tanong ko

"Hahaha i wish,"

Pumasok na kami sa loob halata na ang lahat ng gamit dito ay mamahalin at magagara..Nag bow naman ang mga maids samen..Nagulat ako ng may mahagilap akong isang malaking picture.,

Hindi lang isa kundi maraming pictures na kakabit sa pader , ang iba ay kasama ko sina Rogue, Dash at Heiro..Lahat ng pictures kasama nila ako.

Inikot ko ang paningin ko maluwag at maganda sa loob lalo na ang malaking chandeliers sa itaas namen.

Mas nakakuha naman sa atensyon ko ang apat na upuan. Binalik ko atensyon ko sa mga pictures. Kinuha ko ang maliit na picture frame at tinignan ito ng nagtataka..Iba ako dito, halata sa aken na mayaman at may kapangyarihan ako..Pati ang damit ko dito at ayos..

Pero hindi..Hindi ko sila kilala, nabuhay ako na umiikot lang ang mundo sa swela at trabaho..Lumapit naman saken si Heiro.

"B-bakit ako nandito??" tanong ko sa kanya..

"Sapphire, this is your home, this is your world" Heiro

"Welcome home Sapphire!" Dash

Napa nganga ako sa sinabi nila..Hindi..Kailangan kong sakyan ang mga panyayaring ito.

"Ganun ba? salamat" ngumiti ako sa kanila..Kahit sobrang dami ng tanong sa isip ko..


"Lady, ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo para makapag pahinga" Tumangon nanman ako kay nay Alice.


"Hehe, pahinga muna ko guys ah" paalam ko sa kanila habang paakyat sa kwarto ko 'kuno'.

Bigla kaming huminto sa isang pinto, tinignan ko naman si nay Alice.

"Mag pahinga na po kayo lady" aalis na sana siya kaso pinigilan ko siya.


"T-teka po, s-samahan niyo muna po ako sa loob, w-wag niyo muna akong iwan dito" pag susumamo ko kay nay Alice.


"Haha, pasensya na po lady, para po mabilis na bumalik ang alaala niyo kailangan niyo pong masanay sa kung sino kayo" aalis pa sana siya pero pinigilan ko parin siya..


"Sige na po" pagpupumilit ko ulit.


"Lady, pinaka unang rule niyo po sa bahay na ito ay walang pwedeng pumasok sa kwarto niyo..Kahit po ako" hindi ko na napigilan si nay Alice na umalis..

Tyaka, para mas madaling bumalik ang mga alaala ko?? naalala ko kaya lahat! lahat lahat! at kahit anung gawin nila..hindi ko maalala kung sino si Sapphire na yan.

Sumilip ulit ako sa baba..at nakikita ang tatlong lalaking prenting umuupo sa tatlong upuan. Si Dash na naglalaro ng laptop, si Heiro na may kausap sa telepono at si Rogue na kumakain lang ng apple.

Tinignan ko ulit ang mga imahe ko, i mean ni Sapphire kasi alam ko namang hindi ako yan, akala ko noong nasa hospital palang ako pinaglalaruan lang nila ako..

Pero ngayon, alam ko na talagang kung ako ang nasa lugar nila maaari talaga nila akong makilala bilang Sapphire dahil magkamukha naman talaga kami..Pero hindi..

Alam ko naman na hindi ako si Sapphire kaya siguro pag naka hanap ako ng paraan.. Mag papaliwanag ako sa kanila.

Bumalik ako sa pinto ng kwarto ni Sapphire. Hindi ko alam pero kahit ang kwartong ito ay parang may aura din.

Nakakatakot..

My twin sister is a Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon