Chapter 27 Preparation

642 18 0
                                    

RIN POV..

1 week before ang party at sa loob nang linggong yun ay sagad ang practice ko..Sa pag salita nang mabuti at pagsagot sa mga susuotin ko pati ang kilos ko at ang mas nag pahirap nang buhay ko ang magsuot nang 6 inches heels! na may libro pang naka patong sa ulo ko!.




"Turn around" utos ni Rebecca saken..Unti unti akong umikot at..





*Blaaag!!.




Nahulog ko na naman ang libro sa ulo ko..





"It's strange, dapat magaling ka parin sa pag balance maam pero sa nakikita ko ngayon para kang baguhan" tinignan niya naman ako nang mapanuri..





"Grabe talaga ang natamo mo maam" sabi pa nito at pinag pahinga na ako.





"Haay, grabe! nakakapagod!!" at heto na naman ako nag babasa nang mga documents tungkol sa kompanya..Para daw kung baka sakaling tanungin ako ay alam ko ang sagot..






Sabi kasi nila Heiro wala daw nakaka alam tungkol sa pagkakaroon ko nang amnesia kaya kailangan kong mag handa.






Hindi ko maiwasan na hindi maging masaya para kay ate Sap, kasi kahit cold siya dati para sa kanila may mga kaibigan parin siya na handang protektahan siya at tinuturing siyang reyna..






Nang matapos ang pag pa paractice namin ni Rebecca ay pumasok agad ako sa kwarto..At nag pahinga.. Habang nakahiga ako ay kinakausap ko ang picture ni ate..






"Ate, ang swerte mo noh? kasi nagkaroon ka nang mga kaibigan na katulad nina Dash, Heiro at Rogue" napatingin naman ako sa binigay na teddy bear saken  ni Rogue.






"Siguro kung hindi ka lang cold sa kanila siguro araw araw kayong magiging masaya! haha napaka kwela ni Dash at makulit si Heiro naman napaka caring at si Rogue, hindi niya lang pinapahalata pero mabait din siya pasekreto nga lang" bigla naman nag bago ang emotion ko nang maalala ko ag nangyari saken..Biglang bumuhos ang luha ko..






"Ate...Nasan ka na ba?hindi man lang kita nakita sa personal, hindi man lang kita n-nayakap, h-hindi ko nga alam kung n-nasan ka eh! ang daya mo hindi ko nga alam kung b-buhay ka pa eh!" napaiyak nalang ako sa kama ko..Ang sakit lang isipin..






*Blllaaaggg..




Napabagon ako sa pagkakahiga ako at nakita ko si nay Alice sa pinto basag ang nasa tray na nasa sahig na at nangingig ito..






"N-nay" utal kong sabi bigla niyang sinarado ang kwarto ko..Tama nakalimutan kong isarado ito kanina..Dahan dahan itong lumapit saken kinakabahan ako..Nanginginig ito at namumula na ang mga mata.






"H-hindi ikaw si S-Sapphire??" diretsong tanong nito saken na nakapag patigil sa mundo ko..Tama kailangan ko na harapin ang mali ko..Ang mali kong sakyan ang inaakala nila..







"O-opo." Utal kong sagot hindi ako makatingin sakanya..Nahihiya ako at pakiramdam ko wala na akong mukha pang ihaharap.






"I-ikaw si R-Rin??" napatingin ako sa kanya, alam niya???..








"P-pasensya na p-" agad niya akong niyakap nang mahigpit..NAbigla ako hindi ba dapat saktan o bulyawan niya ako dahil sa panloloko ko sa kanya??..






"Kay tagal kitang hindi nakitang bata ka! tapos sa isang iglap nandito ka na pala sa tabi ko? alam mo bang araw araw ka niyang pasekretong binabantayan??" tanong nito na ngayon ay umiiyak na..








"A-alam niyo po ang tungkol s-saken??" litong tanong ko..







"Oo, ako na ang naging tagapagbantay niyo ni Sapphire nang mga bata pa kayo, nasaksihan ko kung pano kayo nag hiwalay at naging malayo sa isa't isa.." napangiti ako..








"P-pero bakit mo nagawang mag sinungaling??"tanong nito saken..







"Alam ko po na malaki ang ginawa kong kasalanan sa inyo lalo na po sa kaibigan nang ate ko, kaya po...Tatanggapin ko po lahat ng magiging parusa ko" naka yuko kong sabi..








"At kung papa alisin niyo man po ako ay ayos lang saken" umiling siya..at pinahid ang luha ko..








"Ang bahay na ito ay pinundar nang ate mo para sa inyo, kaya kung ano ang nandito ay sayo na din...kung alam mo lang na ikaw ang inspiration niya araw araw para harapin ang kanyang mga kalaban at-" napahinto siya..







"K-kalaban??" tanong ko..Naalala ko yung tungkol sa pag tawag sa kanya ng BLOOD nang SCORPIO.








"Sina Dash Heiro at Rogue ay mga kasapi nang gangster world o Mafia Society habang ang ate mo naman ang tinaguriang Legendary Gangster" napanganga ako..Naalala ko na naman yung pagtanggol niya saken..









"Kung kaya hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin nila sayo pag nalaman nila na hindi ikaw ang totoong Sapphire" kinakabahan man pero kailangan kung maging matatag at harapin ang mga pagkakamali ko..










"Ayos lang po kung sasabihin niyo sa kanila ang tungkol saken" nakangiti kong sabi kay nay Alice..Ngunit nabigla ako nang niyakap niya ako.









"Hindi ko sasabihin" sa tuwa ko ay napayakap din ako rito..

My twin sister is a Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon