Chapter 5 Guardian Angel

960 23 0
                                    

RIN POV..

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kusina..Napagtanto ko na nasa bahay na pala ako pero alam kung hindi yun panaginip kasi kitang kita at ramdam na ramdam ko ang sakit sa buo kung katawan.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bespren kung lumalamon..

"Bess!! okay ka na ba? may masakit ba sayo??" agad naman siyang lumapit saken at niyakap ako..

"A-ah bess m-masakit" agad naman siyang humiwalay sa pagkakayakap niya saken..

"Bess, Okay nako..Salamat nga pala kasi tinulungan mo ko kanina, tyaka ang lakas mo naman para dalhin ako dito sa bahay?" nagtaka naman siya sa sinabi ko..

"Bess, di ako ang tumulong sayo"

Napakunot naman ako ng noo..

"Kung hindi ikaw? sino??"

"Ewan ko, basta may biglang tumawag saken akala ko nga ikaw eh kasi kaboses mo, tapos sabi puntahan daw kita dito sa bahay mo, pag punta ko dito nandito ka na sa kwarto mo..Tyaka..Bakit andami mong grocery ngayon? siguro nag nakaw ka sa mall tapos na bugbog ka noh??" tinignan ko naman siya ng masama.

"Ano bang pinag sasabi mo? hindi ako nag nakaw, tyaka pinabugbog ako ni Alexa kasi-" naputol ang sasabihin ko ng maalala ko ang nangyari saken..Di ko akalain na ganun nalang pala siya ka desperadang parusahan akO..

"okay ka lang ba? na trauma ka ba?"

"Wala..Naalala ko lang ang nangyari saken"

"Grabe na talaga yang Alexang yan! naku!!! nanggigigil ako sa kanya!" sabay lamon niya ng tinapay.

Lumipas ang tatlong araw bago ako gumaling..Bumaba nako sa kwarto at nag handa na para pumasok sa trabaho ko sweldo ko kasi ngayon kaya kailangan pumasok ako..

Pagdating ko sa trabaho ko..Nagkatinginan naman lahat saken..Nagtaka naman ako..Nakita ko naman si maam kelly at nilapitan siya.

"Maam bakit po ganun makatingin saken yung iba?"

"Rin?, bakit kapa nandito??"

"Ho?? kasi po magtratrabaho po ako" nagtaka naman si maam sa sinabi ko.

"Trabaho?diba nag resign ka na??"

"R-resign?? maam bakit naman po ako mag re-resign?? gipit na nga po ako eh bakit naman po ako mag re-resign??" halos mangiyak ngiyak kung sabi..

"Teka lang ah.." Sinama ako ni maam kelly sa office niya at may kinuhang envelop.

"Here, it's your resignation letter..pangalan mo mismo ang nakalagay dyan sa papel na yan" kinuha ko kay maam ang papel at binasa ito..

Hindi ko lubos na akalain na totoo nga..Pangalan ko nga ang nakalagay sa papel pati perma ko pero hindi ako pwedeng mag resign..

"M-maam hindi po ako ang nag sulat nito, maam wala po akong alam sa resignation nato..Maam alam niyo po ang sitwasyon ko maam bakit naman po ako mag reresign?" Halos umiyak nako sa harap ni maam Kelly.

"Sorry Rin pero wala na kung magagawa..naging bahagi ka ng restaurant nato pero dahil sa letter aa yan napilitan akong humanap ng iba." napilitan nalang akong ngumiti..

"S-sige po , salamat po" tumalikod nako at umalis..

Habang naglalakad ako hindi ko mapigilang umiyak ang malas ko naman ngayon..Sino naman kaya ang nag bigay ng fake resignation kay maam kelly?!..

"Holdap to! wag kang gumalaw" naramdaman ko namang may matulis na bagay na nasa beywang kO..

Sabi ko nga malas ako..

"M-manong, wala naman pong ganyanan"

"Akin na pera mo, kung ayaw mong masaksak"

"M-manong wala naman po akong p-pera, tyaka pwede naman po natin tung pag usapan diba?" Mas diniin niya pa ang matulis na bagay na yun..

"Sabing akin na eh!"

*Blaag!.

Nanlaki naman ang mata ko ng biglang natumba ang holdaper sa harap ko at wala ng malay..Pero mas nabigla ako ng makita kung sino ang sumipa sa kanya...

'Rabbit mask'

Tinignan niya lang ako..Pero iba na ang mata niYa..Wala na itong emosyon..Lalakad na sana siya paalis pero pinigilan ko siya gamit ang pag hawak sa kamay niya..

"T-teka!" Humarap naman siya saken at tinignan ang kamay niya..

"P-pasensya na..Pero gusto ko lang magpasalamat" tinanggal ko na ang pagkakahawak sa kamay niya..

"M-may gusto lang sana akong malaman..Baka kasi coincidence lang ang nangyayari...Ikaw ba...Ikaw ba ang nagligtas saken nung nakaraang araw?" gustong gusto ko kasi talaga malaman eh..Kasi sabi ni bess hindi niya daw siya ang nagligtas saken at nakita niya na lang daw ako sa kwarto ko...

Nabigla ako at nabalot ng kaligayahan ng tumango siya..

"T-talaga?! naku! salamat! maraming salamat kasi kung hindi dahil sayo wala nako ngayon! maraming salamat!!" halos mag tatatalon nako sa harap niya habang naka hawak sa dalawang kamay niya..

Tinanggal niya ang pagkakahawak namin sa kamay namin..At tumalikod na..Bigla namang nag ring ang cellphone ko..

From: matakaw

Hoy! nasan ka ba? nandito ako ngayon sa bahay niyo!!

Hindi ko pinansin ang text pero pag tingin ko sa harap ko..Wala na siya..
NApaka misteryoso niya..

"Argh! nakalimutan ko yung pangalan niya!!" nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang naiinis kasi hindi ko nalaman ang pangalan niya...pero isa lang ang alam ko.

.Siya ang Guardian Angel ko..

My twin sister is a Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon