Ch. 5: GYM at Mall

48 2 2
                                    

HEY GUYS :D

Nasa mood ako ngayon dahil ang ganda ng trip ko kagabi xD

MWAH MWAH TSUP TSUP SAGAD SAGAD !! xDD

READ MUNA!

-----------------------------------------

Clarence's POV

" Eeeee Boks naman eh. Bata pa ako kahit 4th yr. college na ako. " sabi ni Mitchie. Ano ba pinag-iisip nito?

" Ano ka ba Boks, sumunod ka na nga lang... " sabi ko,

Sumakay na kami sa kotse ko at pumunta sa gym.

Ano ba kasi yung iniisip niya? May bata bata pa siyang nalalaman.. Tsk

Pagdating namin sa gym ay nakita ko kaagad yung kuya ni Mitchie si Kiko.

" Ui kaka-gym mo lang kahapon Clarence ha? At kasama mo naman ngayon yung kapatid ko haha." sabi ni Kiko.

Nakita ko na biglang gumaan yung pakiramdam ni Mitchie nung andito na kami sa Gym. Ano ba kasi iniisip nun kanina?

" Ah oo eh, hindi naman ako yung mag g-gym ngayon eh.. itong kapatid mo oh. " sabi ko at pinapunta ko sa harap ko si Mitchie.

" Mitchie? ikaw mag g-gym? hahahaha, sige na nga hahaha. " sabi ni Kiko at bumalik na ulit sa thread mill.

Hinila ko naman si Mitchie papunta sa punching bag at sumuntok ako doon.

BLAG!

Nagulat ata si Mitchie sa lakas ng suntok ko?

(O.O)  <---- mukha niya.

" Umm Mitchie? " sabi ko at nag-flick ng fingers sa harap niya.

Nagulat ba siya sa suntok ko?

" L-L-Lakas !!! " sabi niya habang nakatulala..

" Psh! " nakakabadtrip naman oh.

Shinake niya yung ulo niya. siguro nalaman niya na hindi ito panaginip tss.

Tinapat ko sa kanya yung punching bag.

" Ano gagawin ko dito? " tanong niya/

" Suntukin mo malamang... " sabi ko.

" Bakit? " tanong niya pa ulit.

" Kung puro iyak lang gagawin mo, kawawa naman yung mga mata mo. Tsaka diyan mo nalang idaan yung galit at lungkot mo. Isuntok mo nalang diyan sa punching bag na yan. Isigaw mo pa kung gusto mo. Wala namang pakielam yung mga tao dito eh. " sabi ko. Haba nun ha

" H-ha? " Mitchie.

" Suntukin mo nalang.. " sabi ko at umupo na ako sa bench habang pinapanuod siya.

Yung unang suntok niya medyo mahina, siguro nahihiya pa siya.

Tumingin siya sakin tapos tumango lang ako.

Yung pangalawang suntok niya medyo lumakas na.

Hanggang sa pangatlo at pang-apat.

Malakas pala siya sumuntok eh. Pero mas malakas ako :P

Yung pang-lima niyang suntok, nakita ko siya na parang humihikbi.

Umiiyak na naman ba siya?

" A-Ang kapal talaga ng mukha mo Ranz. " Sigaw niya. 

Pinagtitinginan na siya ng mga tao pero tuloy tuloy pa din siya sa pagsuntok at pagsigaw.

Nakatingin na nga rin yung kuya niya eh. Pero alam niya na nasaktan yung kapatid niya kaya hinahayaan na lang niya na sumigaw yung kapatid niya.

New ReplacementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon