Ch. 6: Christia's Side

90 2 0
                                    

Ang sama ko ngayong araw hahahaha. Pero badtrip ngayong gabi. Hindi ko tuloy alam kung marami yung ita-type ko... 

Makikipag-ayos ako sa birthday ko hahaha. Ako pa mismo mag sosorry kahit hindi ako yung may kasalanan. Kung hindi siya pupunta, papansinin ko pa rin siya pero hindi na yung katulad ng dati. Nawala kasi yung trust ko sa kanya eh -________________-

Ummm si Christia at si Ranz po yung nasa Right Side --->

BASA MUNA !!

--------------------------------

Christia's POV

Andito na ako ngayon sa kwarto ko. Si Kiko na yung naghatid sakin. Inaantok na daw kasi si Ranz eh.

Masaya kasama si Kiko hahaha ,ang ingay niya kasama parang  ewan lang. Ang kulit kulit niya pa haha.

Mukhang magkakasundo kaming dalawa dito ah hahaha.

Pero STILL mahal ko pa rin si Ranz.

Pakilala muna ako:

Ako si Christia Orcales. Anak ako ni Mr. Orcales. Ang daddy ko ang pangalawa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. Magkababata na kaming dalawa ni Ranz pero nung highschool ako ay linipat ako ni Daddy sa ibang bansa. Kakabalik ko lang ng Pilipinas last week. At doon ko din nalaman na naka-fixed marriage na pala kami. Mahal ko na dati si Ranz. Simula pa lamang nung bata kami ay siya palagi yung kasama ko. Nainlove ako sa kanya dahil siya lang ang nakakaunawa sa akin, tsaka siya lang din yung kaibigan ko. Hindi kasi ako gaanong pinapalabas ni Daddy, baka daw may mangyari sa aking masama.

Simula pa kasi nung bata kami ay lagi kaming magkasama.

Nung mga bata pa lang kami ay iyakin si Ranz hahaha. 

Naalala ko nung bata kami. 

Binilhan kami ng mommy namin ng tig-isang lollipop. Eh paborito ko iyon kaya mabilis kong naubos yung sa akin. Nung naubos yung sakin, inagaw ko naman yung kay Ranz. Haha tapos biglang umiyak. Parang lollipop lang eh haha. Nagsumbong siya sa Mommy niya. Tapos binigyan naman siya ng panibagong lollipop. Pero umiyak lang si Ranz. Sabi niya gusto daw niya yung lollipop na inagaw ko sa kanya hahaha. Poor Ranz. Naubos ko na eh. Hahaha kaya umiyak lang ng umiyak si Ranz sa room niya hanggang sa nakatulog siya.

Haha buti nga nung sinuntok siya nung lalaki kanina hindi siya umiyak.

Flashback

Pagkatapos kong bumili ng bag ay nakita ko na parating na yung ex niya. Kilala ko kasi sa mukha yung ex ni Ranz. Dahil madalas mabanggit sa akin yun nu Ranz nung nag sk-skype kami. Alam kong mahal na mahal ni Ranz si Mitchie. Napilitan lang din siyang magpakasal sa akin dahil sa utos ng Papa niya. Alam ko din na hindi pa rin mawawala yung pagmamahal niya kay Mitchie kaya ang plano ko ay mawala yung pagmamahal ni Mitchie kay Ranz. Para madali na ring makalimutan ni Ranz si Mitchie.

Hinalikan ko si Ranz sa harap nila. Nagulat si Ranz sa ginawa ko.

" BOKS ! " sigaw nung kasama ni Mitchie.

Tumakbo ng tuluyan si Mitchie. Alam kong masyadong bad yung ginawa ko. Hindi ko man lang iniisip yung iba pero para rin ito kay Mitchie. Balang araw papasalamatan niya rin ako sa ginawa ko.

" Mitchie ! " sigaw rin ni Ranz. Tatakbo na sana siya pero hinawakan ko yung kamay niya.

" Where are you going Babe ? Sige ka, iwan mo ako? Sumbong kita kay Dad.. " sabi ko at nag-pout. Pagkatapos ay naglakad ako palayo sa kanya. Hahaha tingnan lang natin kung sino pipiliin niya.

" Wait, oo na. Psh. " sabi niya at naglakad na rin kasabay ko.

" Good. " sabi ko.

Pero after 5 minutes ay may tumawag sa kanya.

" Ranz Kyle Viniel Espinosa " sabi nung lalaking kasama ni Mitchie.

" Bakit ? " tanong ni Ranz.

Pero imbis sagutin nung lalaki yung tanong ni Ranz ay sinuntok na kaagad siya ng lalake. Sa sobrang lakas ng suntok ay napaupo si Ranz sa sahig hawak yung kaliwang panga niya.

" Ranz? " sabi ko at inalayan siyang tumayo.

Imbis na gantihan ni Ranz yung suntok ay umalis ito. Sumunod lang ako kay Ranz. Ako naman yung may kasalanan eh. Dapat ako yung sinuntok hindi si Ranz pero sayang naman yung beautiful face ko >.< Pero KAHIT NA !

" Babe ! " sigaw ko. Ang bilis kasi maglakad eh, pasalamat siya naka-boots ako.

Hindi pa rin siya humihinto sa paglalakad.

Makasigaw pa nga .

" RANZ ! " sigaw ko. Huminto naman siya.

" Sorry, halika na. " sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko.

Saan saan kami nag-punta nun. Nanonood ng sine. Naglaro sa WOF. Pero bakas pa din sa mukha ni Ranz yung kagwapuhan.. ay este yung KALUNGKUTAN. 

Mag-gagabi na rin nung naisipan naming umuwi pero dumaan muna kami sa BENCH kasi may nakita akong magandang damit para kay Ranz. Pampawala ng badtrip niya. 

Doon ko din nakilala si Kiko. The ever gentleman Kiko de Guzman. 

*End of Flashback

Kung sino man lang yung lalaking sumuntok kay Ranz ay hindi ko mapapatawad. >.<

* Baby you light up my world like nobody else...." Phone ko yun ha?

* The way that you flip ------- "  Unregistered number ? 

" Hello ? Sino to ? " 

" Hello, hindi mo ako kilala ? " sabi nung lalaking nasa kabilang linya...

SINO TO ???

>////////////////////////////<

*to be continued

New ReplacementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon