"Gusto Mo"
Nagsimula tayo sa magkaibigan.
Araw araw magkasama,
Araw araw nagkukulitan
Hanggang sa naramdaman ko tong tibok ng puso ko.
Parang bang iba na turing ko sayo.
Parang gusto ko ng maging tayo.At dumating na ang panahon na niligawan kita at sinagot mo ako.
Ambilis pero Ansaya diba?
Madami tayong nagawa sa mga dumaang araw,
Naging masaya tayo sa isat isa,
Pero parang may nagbagoMasaya paba tayo?
Binigay ko naman lahat ng gusto mo.
Yung gusto mo.
Yung gusto mo ng oras ko,
Gusto mong sayo lang ako nakatingin na hindi ako lilingon sa iba,
Halos lahat ng meron ako nasayo,
Pero parang puro gusto mo nalang yung nasusunod.
Naisip ko na merong ako sa salitang "TAYO"Meron pabang tayo?!
Parang kasi ikaw nalang lagi.
Binubuo ng ikaw at ako ang salitang "TAYO" pero puro ikaw nalang at nawawala na ako.
Masaya paba "tayo"?Paalam sa salitang "TAYO" dahil ayaw ko ng maging sunod-sunuran at maging alipin ng salitang "TAYO" dahil hanggang ngayon nakakulong parin ako sa salitang iyon.
BINABASA MO ANG
Poetry By Me
RandomTry Hard Po Ako Maging Poet 😅 Here are some of my piece. Hope you like it 😅