1.

71 8 2
                                    

SNOW'S POV

Araw araw akong nagigising na may naka-plaster na pekeng ngiti sa aking mukha.

Kunyari masaya at okay lang kahit sa kalooblooban, nasasaktan ako.

Bumangon ako sa kama na wala sya sa tabi ko. Lagi nalang bang ganito? Ay. Oo nga pala. Kinasusuklaman nya ako.

Hindi ko sya maintindihan. Hindi naman ako ang may kasalanan nito. Sisihin nya ang mga magulang namin na ina-rrange marriage kami.

Pero part of me loves this idea. Dahil may lihim na pagtingin ako sa kanya, na best friend lang ang turing sa akin.

Bumuntong hininga na lamang ako at bumangon sa pagkakahiga ko sa kama, inayos ko ito atsaka ako bumaba.

"Good Morning!" Masaya kong bati kay Blake. Pero tumingin lang sa akin si Blake atsaka muli nyang binaling ang atensyon sa TV.

"'Di ka pa kumakain?" Tanong ko.

"Halata ba?" May bahid ng pagiging sarcastic ang tugon nya sa akin.

Bumuntong hininga na lamang ako atsaka ngumiti muli.

"Ipagluluto na kita."

"Dapat lang, wala kang kwenta. Bakit kasi umattend ka pa nung kasal? Dapat 'di ka nalang pumunta noon. Edi sana malaya kaming dalawa ni Alessandra ngayon diba?"

Napayuko ako sa sinabi nya.

Ito ang masakit na part kapag nagmamahal ka nga taong hindi ka naman mahal eh. Kapag kasi sinaktan ka nya hindi mo sya pwedeng sumbatan dahil 'di naman nya pinilit na mahalin mo sya.

Tumingala ako para 'di bumagsak ang mga luha ko.

Masakit eh.

"Mamaya may date kami ni Alessandra. Huwag kang magsusumbong." Sabi nya atsaka umakyat papuntang kwarto.

At dahil dun tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

When my loneliness calls you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon