6.

38 3 2
                                    

3RD PERSON'S POV

Ilang araw na ang nakalipas at minsa'y nahihilo at hindi makahinga si Snow.

Pero 'di nya ito pinapahalata kay Blake.

Nanonood si Snow sa TV ng mapansin nyang namumutla si Blake na nakaupo sa kabilang side ng sofa kaya nilapitan ito ni Snow.

Hinawakan ni Snow ang noo ni Blake at doon nya napagtanto na may sakit si Blake.

"Blake! May lagnat ka!"

"S-so?" nanghihinang tanong ni Blake.

"Aish! Umakyat ka nga at mahiga sa kwarto! Aalalayan na kita!" Sabi ni Snow na aayaw na sana si Blake pero masyado syang nanghihina para mag reklamo pa.

Inalalayan ni Snow si Blake papuntang kwarto atsaka nya ito pinahiga, kinumutan nya rin si Blake.

"Dyan ka lang muna, Ok?" Sabi ni Snow.

Bumaba si Sniw atsaka nagpakulo ng tubig, nagluto na rin sya ng soup para may makain si Blake.

Pagkatapos nyang gawin ang dapat nyang gawin ay umakyat na sya papuntang kwarto may dala syang batsa na may lamang mainit na tubig, soup at gamot.

Inilublob ni Snow ang bimpo sa tubig atsaka nya ipiniga at inilagay sa noo ni Blake.

Kinuha nya rin yung soup at ipinakain kay Blake atsaka nya ito ipinainom ng gamot.

Hinintay ni Snow na makatulog si Blake. Nung masigurado nya nang tulog ito lumapit sya kay Blake.

"Magpagaling ka, Blake. Mahal na mahal kita." Bulong ni Snow.
Na ikina-ngiti ni Blake.

When my loneliness calls you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon