3RD PERSON'S POV
Hindi mapakali si Blake.
Inikot nya ang manibela ng kotse nya.. Papunta sa bahay nila ni Snow.
Gusto nyang bawiin lahat ng sinabi nya kay Snow.
Lalong lalo na ang papel na ibinato nya kay Snow na napirmahan nya na.
Gusto nyang sapakin ang sarili nya sa pagiging insensitive nya.
Binilisan nya ang pagmamaneho.
Ngunit masyado syang nahuli dahil wala na si Snow sa bahay.*KRING*
Sinagot ni Blake yung tawag sa Cellphone nya.
"Jodie?"
("Blake.. Si Snow.. Sinugod sa hospital..)
Nabitawan ni Blake ang cellphone nya at mabilis nya tumakbo papuntang hospital.
Tila nakalimutan na may kotse sya sa sobrang pag-alala at sakit na nararamdaman.
Hindi alintana ang pagod.
Dahil sa ngayon mas importante ang kalagayan ni Snow para sa kanya.