[thirty-five] 三十五

1.9K 87 16
                                    

Aila's POV

Naka tingin lang ako kay Kiel at ganun din sya sakin. Maya maya ay kumurap sya ng ilang beses at bahagyang napa-atras.

Parang ngayon lang nag sink-in sa kanya na nag confess sya sakin- nag confess ba talaga sya ? Hindi ba joke joke lang nya yan ?

" U-uhm... "- Panimula niya at napa-iwas sya ng tingin sakin.

Okay. 

Isang malaking katahimikan na ang bumabalot saaming dalawa. Hindi ko alam kung ramdam din nya pero isa syang awkward silence.

Narinig ko ang pag buntong hininga nya at hinarap ako.

" Aila "- Tawag nya sakin at tinignan ako sa mata pero ako ang hindi naka tagal kaya agad ko din itong iniwas.

" Paano ko ba sisimulan to "- Bulong nya sa sarili nya at bumuntong hininga ulit sya.

" P-pwede mo namang s-sabihing joke Kiel. Ka-kanina ko pa iniintay na dugtungan ng joke yung si-sinabi mo- "- Nauutal na ani ko sa kanya. Inaamin ko, pakiramdam ko namumula ako ngayon.

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi agad nya akong pinutol.

" No ! "- Mabilis na sagot nya.

" I'm not joking Aila. Seryoso nga kasi yun "- Dagdag nya.

Hindi ko naman mapigilan ang ngiti saaking labi nang iiwas nya ang tingin nya at biglang mamula ang tenga nya.

Huminga sya ng malalim sa hindi ko na mabilang na beses at humarap muli sakin.

" Aila, seryoso ako sa sinabi ko. Gusto na kita. Alam ko pang hindi ka pa handa kaya willing akong maging kaibigan mo muna. SA NGAYON "- Ani nya while emphasizing "sa ngayon".

" Sana walang mag bago sa friendship nating dalawa. Sana itrato mo parin akong kaibigan mo kasi willing naman akong gampanan yun "- Sabi nya habang naka tingin sa mga mata ko at kitang kita ko doon ang sincerity nya.

" Hindi naman sa sinasabi kong gustuhin mo rin ako pabalik. Well, sino nganamang hindi maiinlove din sakin ? Sa gwapo ko banamang to ? "- Pagpapatuloy nya.

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong matawa ng kaunti at hampasin sya dahil sa sinabi nya. Lalo na dun sa pinaka huling part.

Nakita ko ang pag ngiti nya nang natawa ako at para bang nabunutan sya ng tinik sa dibdib.

" Just kidding Aila. Pero seryoso. Hindi ko naman sinasabi na gustuhin mo rin ako pabalik. Just take your time hanggang sa maka-move on ka na ng tuluyan. At sana kapag dumating na ang panahon na yan ay hayaan mo namang ipakita ko sayo na gusto talaga kita and you deserve better "- Naka ngiting ani niya na nakapagpa-blush saakin.

Napa ngiti ako at tumango sa kanya. Ngumiti syang muli at inayos na ang pagkakatayo.

" Uhm Aila ? "- Tawag nya saakin at napa kamot sya sa batok nya.

" Hmm ? "- Responde ko sa kanya.

OMG bakit ang cute cute ni Kiel kapag namumula ang tenga nya !?

" Sana wag kang maiilang sakin. Wag mo rin sana akong iwasan "- Parang nahihiyang paki-usap niya sakin.

Ngumiti ako at tumango.

" Saan na tayo ngayon ? "- Tanong ko sa kanya at luminga-linga.

" Actually, wala akong alam na magandang place "- Sagot nya at napa kamot sya sa batok nya.

RelationshitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon