[thirty-nine] 三十九

1.7K 85 10
                                    

Aila's POV

So, ngayon na ang araw ng alis namin papuntang Busan.

" Aila, andito na si Kiel "- Ngiting-ngiti na sabi ni mama at kasunod nyang pumasok si Kiel na may dalang maleta.

" Good morning po "- Magalang na bati nya kay papa nang makita nya itong katabi ko sa sofa.

Maaga talaga kami aalis pero mas pinaaga ng parents ko- i mean ni mama ang pag punta nya dito para daw maka sabay sya sa breakfast.

" Tara, kumain na tayo "- Pag yaya ni mama samin at nauna na sila ni papa pumunta sa kusina.

" Iwan mo nalang dyan yang maleta mo "- Sabi ko sa kanya at itinuro kung nasaan ang mga maleta ko.

Agad naman na itinabi ni Kiel ang maleta nya sa maleta ko at sabay kaming pumunta sa kusina.

Agad naman na umupo si Kiel sa tabi ko at nag simula na kaming kumain.

" Ingatan mo ang Aila namin ha ? "- Sabi ni mama. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapa-rolyo ang mata dahil sa sinabi ni mama.

" I will po ma'am- "- Naka ngiting sagot ni Kiel. Agad kong pinutol ang sasabihin nya kay mama.

" Ma, hindi na ako bata na kailangan pang bantayan "- Ismid ko.

" Malaki ka na pero you're still our little princess. Ikaw parin ang baby namin "- Ani naman ni papa.

Napa buntong hininga nalang ako at umiling.

At katahimikan na ang bumalot samin. Tanging tunog ng kutsara at chopsticks lang ang maririnig.

" Have you been in Busan ? "- Pag basag ni papa sa katahimikan.

Nilunok muna ni Kiel ang nasa bibig nya at uminom ng tubig bago sumagot.

" Not yet sir "- Magalang na sagot naman ni Kiel kay papa.

" Ooooh~ same lang pala kayo ni Aila ! "- Tuwang tuwa na sabat naman ni mama.

" Why ? You're a korean pero hindi ka pa nakaka punta sa Busan ? "- Nagtatakang tanong ulit ni papa.

" Kagagaling lang kasi nya sa states kaya hindi pa sya nakakapunta ng Busan atsaka bata pa sya nung umalis sila... diba ? "- Ani ko at bahagyang siniko si Kiel.

Agad naman syang tumango sa sinabi ko.

" Masyado pa po akong bata nung umalis kami dito at doon na po ako lumaki sa states. Nitong kailan lang po ako naka balik dito sa Korea "- Pag papaliwanag ni Kiel kay papa.

Tumango-tango naman si papa dahil sa sinabi ni Kiel.

" Naku~ isa ang Busan sa must visit place here in Korea ! Enjoy kayo doon ah ? "- Ani ni mama.

Naka ngiting tumango naman si Kiel at kumain na ulit kami ng tahimik.

Nang matapos kaming kumain. Agad naman kaming tumayo ni Kiel at kami na ang nag ligpit ng mga pinagkainan sa lamesa.

Sabay kaming napa angat ang tingin nang may marinig kaming shutter.

" Ooopsies~ "- Sabi ni mama habang naka takip pa ang kamay sa bibig.

Napa iling nalang ako at itinuloy na ang pag lilinis.

Baka mamaya pag-uwi ko galing Busan naka frame na yung picture na kinuha ni mama.

" Ang cute nyong dalawa. Bagay kayo "- Parang kinikilig na sabi ni mama habang nanonood saamin na nag lilinis ng lamesa.

" Tigilan mo na nga ma "- Bakas ang pagka-irita sa boses ko habang pinupunasan ang lamesa.

RelationshitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon