[twenty-five] 二十五

1.8K 96 26
                                    

Aila's POV

Hinila ako ni Yoongi palabas ng coffee shop gamit ang back door.

Medyo umulan ulit kaya medyo malamig. Nang nasa likod na kami ng coffee shop at walang tao ay huminto sya at humarap sakin.

Niyakap ko ang sarili ko kasi medyo manipis lang ang damit na binigay sakin ni Kiel. Mukhang napansin yun ni Yoongi at tinanggal ang jacket nya tsaka ito inilagay sa balikat ko.

" B-bakit hindi ka pumunta ? "- Mahina pero sapat na para marinig nyang tanong ko. Awtomatiko syang napa-hinto sa pag-aayos ng jacket nya sa balikat ko.

" May usapan ba tayong mag kikita tayo ngayon ? "- Tanong nya.

Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi nya. 

" Oo nag text ka sakin na magkikita tayo ngayon "- Medyo galit na sabi ko at kinuha ang phone sa bulsa. Agad akong pumunta sa messages at pinakita sa kanya ang text nya.

Kumunot ang noo nya nang mabasa ang text nya.

" Hindi ako ang nag text nyan "- Seryosong sabi nya.

Napa taas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

" So ano Yoongi ? Kusang nag type at nag send yan ? Ang astig naman ng phone mo. San mo nabili yan ? Parang gusto ko rin eh "- Iritang ani ko.

" Paano kita matetext kung wala sakin yung phone ko "- Seryosong sabi nya na nakapagpa-hinto sakin.

" Anong ibig mong sabihin ? "- Tanong ko sa kanya.

" Kaninang umaga ko pa hinahanap ang phone ko hindi ko mahanap. Kaya imposibleng ako ang nag sabi sayo nyan "- Sagot nya.

Kung wala sa kanya ang phone nya. Nakanino ?

" Sino naman kaya ang magtetext nyan "- Pabulong na sabi ko.

" Kung sino man ang nag text nyan, sigurado akong alam na nya ang tungkol sating dalawa "- Seryosong sabi nya.

" Bakit hindi nalang kasi natin sabihin na tayo ? "- Tanong ko.

" Aila, hindi naman kasi ganun kadali yun eh "- Frustrated na sabi nya.

" Bakit si Jungkook ? Nakaya nya sabihin na sila ni Yanna !? Bat ikaw hindi mo magawa !? "- Hindi ko na napigilan na tumaas ang boses ko.

" Tinatago natin ng tinatago itong relasyon natin hindi mo manlang ba napapansin na nasasaktan na ako sa ginagawa mo !? Si Yumi nakakaya mong samahan sa harap ng maraming tao, nayayaya mo sa labas sa mall samantalang ako hindi mo masabayan sa paglalakad ! "- Galit na sigaw ko.

Parang lahat ng sama ng loob ko nagsama-sama na at parang gustong lumabas.

Pinakalma ko ang sarili ko. Ayaw kong magalit sa kanya at dagdagan itong away naming dalawa.

Katahimikan ang nag hari saming dalawa at maya-maya lang ay hinawakan nya ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya.

" Sorry "- Sincere na sabi nya.

Sorry... sorry nanaman. Yan nalang lagi kong naririnig sa kanya. Wala na bang bago ? Medyo nakakasawa na. Sorry ng sorry. Mangangako na mag babago na sya pero ganun parin. 

Napa hinto ako sa sunod nyang sinabi.

" Alam kong nasasaktan ka na ng sobra "- Mahinang sabi nya at pinisil ang kamay ko na hawak nya.

My heart stopped sa sinabi nya. Please sana mali tong iniisip ko.

He's not going to break up with me right ?

" Boyfriend mo ako. Ako dapat yung nagpapasaya sayo, ako dapat yung laging nasa tabi mo, dapat proud ako na girlfriend ko ang isang katulad mo "- Sabi nya at inilagay sa likod ng tenga ko ang ilang strands ng buhok ko.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at yumuko. Bigla lang nagbagsakan ang mga luha sa mata ko sa sinasabi nya.

" Ewan ko ba. Bat hindi ko magawang maipagmalaki ka katulad ng ginagawa ni Jungkook. Bakit sya may lakas ng loob na ipag sabi na girlfriend nya si Yanna. Samantalang ako, ito tinatago yung relasyon nating dalawa "- Pagpapatuloy nya. Bigla akong napa hagulgol ng iyak.

Please no.

" Sobrang dami ko ng kasalanan sayo Aila. Ang dami ko ng atraso. Ni hindi ko nga matawag ang sarili ko na boyfriend sa ginagawa ko sayo. Ang dami kong pangako na hanggang pangako nalang. "- Mas naiyak ako nang bigla syang pumiyok. Mas lalo pa akong yumuko at umiyak.

" Sa relasyon nating to, hindi ko iniisip na nasasaktan ka na. Sobrang gago ko na siguro kung ipagpapatuloy ko pa itong ginagawa ko sayo "- Unti-unti nawawasak ang puso ko sa mga sinasabi nya.

No please no. Hindi pwede to.

Gusto ko syang kontrahin but i can't seem to find my voice. Parang nawala ng bigla ang boses ko at hindi ako makapag salita.

" Kaya Aila. I'm setting you free. I'm breaking up with you "- At mas lalo akong naiyak. Yung puso ko parang sinaksak ng sandamakmak na patalim sa sobrang sakit.

" H-hindi ! Joke lang to diba ? "- Umiiyak na sabi ko at tinignan sya.

" So-sorry sa mga nasabi ko. Hindi ko naman sinasadya sabihin yun eh. Ga-galit lang ako. So-sorry "- Natatarantang sabi ko.

" Yoongi naman problema lang to ! Diba mag-aaway lang tayo hindi tayo mag hihiwalay ? "- Humahagulgol na ani ko. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at niyakap sya.

" Yoongi naman wag mong gawin sakin to "- Umiiyak na ani ko at niyakap sya ng mahigpit.

" Ayoko. Hindi ako papayag "- Umiiling na dagdag ko.

Hinawakan nya ang balikat ko at medyo nilayo ako sa kanya.

" Sarili lang natin yung sinasaktan natin sa relasyon na to Aila "- Ani nya at nginitian ako ng malungkot.

" Let's just end this. You deserve someone better. Yung aalagaan ka, papahalagahan ka. Hindi katulad ng ginawa ko sayo "- Seryosong sabi nya habang nilalagay ang ilang strands ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

" Anong i deserve someone better ? Aanhin ko yung better na yun kung ikaw yung best para sakin "- Humahagulgol na sabi ko.

" Mahal mo ko diba ? Ayusin natin to "- Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya pero binitawan nya ito.

" Oo mahal kita pero para to sa ikabubuti nating dalawa "- Sabi nya at tinignan ako ng sa mga mata and cupped my cheeks.

" I love you "- Bulong nya at tsaka ako hinalikan sa labi.

Tears keeps on falling at sobrang sakit ng nararamdaman ko. He ended the kiss at pinag dikit ang noo naming dalawa.

" I'm sorry "- Bulong nya atsaka sya umalis.

Bigla akong nanlambot. Nanghina bigla ang mga tuhod ko kaya napa upo ako sa semento. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Feeling ko hindi mauubos ang mga luha sa mata ko. I feel so empty. Why Yoongi ? Why ?

~~~*~~~

[A/N: seryoso habang tinatype ko to, umiiyak ako huhuhuhu. Sorry for the long wait ! Once naman na matapos yung exam namin mag-uupdate ulit ako. One week nalang naman mga beshy :*]

RelationshitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon