[forty] 四十

1.8K 86 47
                                    

Aila's POV

Halos tumalon ako sa sobrang saya nang bulungan ako ni Jimin na wala si Yumi. Wala nga si Yumi, andito naman si Yanna kaya wala rin. Tahimik ang naging byahe namin papunta kila Shana.

" Inaantok ka ba ? "- Narinig kong bulong ni Kiel nang humikab ako.

" Medyo, ang aga pa eh "- Natatawang sagot ko.

" Maaga pa naman, tulog ka muna "- Sabi nya and guided my head to his shoulders.

Medyo nagulat ako sa ginawa nya at bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko.

Maya-maya lang ay huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Jungkook. At nung pag bukas ng pintuan ay gulat na gulat si Shana na makita si Yanna.

" Babe ! "- Masigla at kumakaway na bati nya kay Jungkook nang buksan nito ang pintuan.

Napa irap nalang ako. Kung may mute button lang sana si Yanna, kanina ko pa priness.

Nang mailagay na nina Shana ang bagahe nila sa likod ay agad silang sumakay. Tumabi si Shana kina Taehyung at syempre, si Yanna ang tinabihan ni Jungkook.

Tahimik lang kami hanggang sa basagin ni Yanna ang katahimikan.

" Ano ba yan guys bat ang tahimik nyo ? Bat ayaw nyong mag sounds ? Maganda yun sa roadtrip "- Pag basag ni Yanna sa katahimikan.

Napa irap naman ako. Nakakainis yung boses nya, bwisit.

" Shut up, hindi na magiging maganda ang roadtrip na to kasi andito ka "- Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig ba nila yun o ano. Napa tawa kasi si Kiel dahil sa sinabi ko at bahagya akong pinalo.

" Ang sama mo "- Natatawang saway nya sakin.

" Eh bakit ? Totoo naman ah "- Depensa ko at inirapan ang likod ni Yanna.

" Nakakawalang gana mag enjoy, tulog nalang tayo "- Sabi ni Yoongi sabay takip sa mukha nya.

Hindi ko alam kung namalik mata lang ako o ano, pero sinulyapan nya kami bago nag takip ng mukha.

Hindi ko nalang inisip yun at sumandal at ipinikit ang mata. Bago pa man ako maka tulog ay naramdaman ko ang pag guide ng ulo ko pagilid at tuluyan na akong naka tulog.

Naramdaman ko ang pag hinto ng sasakyan kaya agad naman akong napa mulat.

Unti-unti akong umayos ng upo at nakitang naka ngiti saakin si Kiel.

" Good morning ! "- Masiglang bati nya.

" Good morning "- Bati ko pabalik at napa takip sa bibig nang mahikab ako.

" Sorry, nakatulog ako sa balikat mo "- Paumanhin ko.

He just smiled at me at ginulo ang buhok.

Nagising na sila kaya isa-isa na kaming bumaba at kinuha ang mga maleta.

" Wow, kaninong bahay to ? "- Mangha na tanong ko habang tinitignan ang bahay na titirahan namin for 3 days.

" Nirentahan lang namin "- Natatawang sagot ni Hoseok at pumasok na kami sa loob.

" Apat na kwarto lang ang meron kaya share share nalang tayo. Tatlong tao sa isang kwarto, Shana, Aila and Yanna kayo yung magkakasama since kayong tatlo ang babae "- Napa irap naman ako. May makakasama akong hipon sa isang kwarto. Wow, napaka great.

" Jungkook, Sky at Kiel kayo magkakasama. Taehyung, Jimin at Hoseok kayo din at Jin, Namjoon at Yoongi. Yan yung magkakaroommate "- Pag bibigay ni Hoseok ng pairings para sa kwarto.

RelationshitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon