Ilang araw na ang nakalipas Simula nung nangyari ang pinakamalungkot na araw ng buhay ko.
Nakarecover na Sana ako ng sobrang kunti pero maaalalako na naman kasi nga ililibing na siya.
Hindi ko man kaya pero kailangan eh.*Sa Sementeryo*
Nagkausap kami ni tita yung nanay ng boyfriend ko na sobra ang hagulgul Sa iyak ako din naman eh hanggang ngayon kasi parang nararamdaman ko parin.
Marami talaga ang nanghihinayang Sa nangyari Sa kanya, isa na ako dun marami pa naman akong Plano kasama siya.Dumating na pala ang bangkay niya.
Umiiyak na kaming lahat.
Hanggang ngayon talaga nararamdaman ko pa rin yung sakit na naramdaman ko noon.
Pagkatapos nun umalis na silang lahat ako na lang mag-isa.Hanggang ngayon parang misteryo pa rin ang ang nangyari para sakin. Marami paring tanong sa isip ko. Bakit niya ako iniwan? Pano na ako ngayon? Makakaya ko kaya na wala siya? Unti-unting tumulo ang luha ko. Hindi ko na kasi kaya eh. Nagpakatatag naman ako hindi ako yung tipo ng babae na mabilis umiyak pero pagdating sa taong mahal ko ang hina ko.
Lumuhod ako sa puntod niya at umiyak na para bang wala ng bukas kinausap ko ang puntod niya para kasi sakin siya din ang kinakausap ko wala namang tao eh kaya ayos lang. "Bakit mo ko iniwan?"
Baka di ko kayanin. Pero pinapangako ko sayo na lalaban ako sa pangungulila ko sayo dahil alam kong malulungkot ka kung hindi. Mahal pa din kita.
Kung pwede ko lang siguro baguhin ang lahat." Pwede pa" nagulat naman ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Alam kong mahal mo siya pwede mo pang baguhin ang mga pangyayari basta magtiwala ka lang" may inabot siya sakin na maliit na papel.
"Ano to?" Tiningnan ko ang pwesto ng lalaki na nagbigay sakin ng papel pero wala na siya.
Ano kaya to

BINABASA MO ANG
Time Slip (On-going)
Fiksi IlmiahEveryone dreamt to have a LOVE STORY WITH A HAPPY ENDING, but what if even destiny is a great ODD in your love story. Would you be willing enough to leave your today's life to save the person you love? Would you be brave enough to conquer all the c...