Paano ako napunta dito? Andito ba talaga ako? Ah oo baka panaginip lng to... Natulog ako kanina eh. Kinurot ko ang paa ko at masakit nga so hindi to panaginip?
"Oo,hindi to panaginip" hala sino yun. May nagsalita sa likod ko multo??
Dahan-dahan akong tumalikod para tingnan kung sino yun at pamilyar na naman...Kaya pala pamilyar kasi siya ang lalaki na nagbigay sakin nung ticket
"Sino ka?" Tanong ko
"Ako ang nagbigay sayo ng TIME SLIP para makabalik ka dito"
Eh ano daw
"Ano yung Time Sleep?"tanong ko ulit
"Time Slip hindi Time Sleep. TIME SLIP ang tawag sa binigay ko sayong papel importante ang papel na yun kasi hindi yun nabibili. Pwede kang bumalik sa nakaraan o di kaya sa hinaharap gamit yun."sabi niya
LOADING...
"Ha ano yung Time Slip?" Tanong ko pa
"Ang slow mo pala. Sinabi ko na sayo yun diba?"sagot niya
Slow na kung slow di ko kaya ma-intindihan
"Pwede mong ulitin. Hindi kasi ako masyadong nakikinig eh.""Ang time slip ang nagdala sayo dito."sagot niya
"At bakit naman ako napunta dito?"tanong ko. KULIT ko no
"Kasi kailangan mong baguhin ang hinaharap. Kailangan mong iligtas ang boyfriend mo para hindi siya mawala sayo"sagot niya
"Kailangan mong malaman kung bakit niya ginawa yun."Grabe diba dapat ang lalaki ang nagliligtas sa babae. Pero ayos lang ayaw kong mawala siya sakin eh
"Sino ka pala"tanong ko ulit
"Secret" sagot niya
"Pangit ng pangalan mo,secret. Papalitan ko na lang TICKETER na lang para maganda hahahaha"sabi ko naman
Ang pangit din naman ng ticketer hahahaha
"Uhm ticketer pwede bang bumalik muna-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla na lang siya naglaho at may naiwan na isang maliit na papel sa tinatayuan niya kanina. May "Good Luck" na nakasulat dito.Good Luck na lang talaga sa kin
"Ànak gising na diyan first day of school pa naman ngayon bawal ma late!"
Sigaw ni mama.. College pa pala ako ngayon hindi pa kami iniwan ng magaling kong ina. Iniwan na nga kami ni Papa iniwan niya din kami.. Another trouble na naman pano ko siya pakikisamahan niyan kainis.."Opo ma pababa na!"
Naligo na agad ako pero ng pumasok ako sa banyo wala na ang butas at ang ticket..
Nang matapos na ako bumaba na agad ako naabutan ko dun si Kuya na kumakain na.
"Oh Trash gising ka na?"tanong niya. Wala naman siyang common sense no"Hindi pa nga kuya eh tulog pa ako" sagot ko sa kanya using a sarcastic tone
"Ah ok" sagot niya
Kumain na lang din ako. By the way I'm Jewel Treshar Tolido my friends and classmates calls me Tresh but my sweet brother calls me Trash bahala na kayo kung ano ang gusto niyang itawag sakin..
I'm just acting cool kahit na naiinis ako kapag nandyan si mama. I'm just doing this to save the person I really Love the most.
After kung kumain nagsipilyo muna ako and ready to go na ako papuntang school.Sa pagkaka-alala ko hindi naman ako masyadong nagpapaganda kapag pumupunta sa school hindi naman ako mahilig sa lipsticks and makeup.. Boyish lang ako pero I'm not a lesbian.

BINABASA MO ANG
Time Slip (On-going)
Science FictionEveryone dreamt to have a LOVE STORY WITH A HAPPY ENDING, but what if even destiny is a great ODD in your love story. Would you be willing enough to leave your today's life to save the person you love? Would you be brave enough to conquer all the c...