Chapter 1

12.2K 188 18
                                    

Chapter 1: Mission.


YUMIAKI'S POV

Napabalikwas ako na pawis na pawis. Shit! Panaginip lang pala. Napatingin ako don sa side table ng kama ko. Past seven in the morning na pala.

Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Yes?" medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ng nasa labas.

"Lady Yumi pinapatawag po kayo ni Emperor sa office nya" narinig ko mula sa labas. Lahat ng tao dito sa mansion kilala si lolo as Emperor, the ruler of Underworld Kingdom.

"Just a minute" sagot ko pabalik.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili pumunta na ako sa office ni tanda.

Nakita ko siyang nakatayo paharap sa glass window na malapit sa table nya. Alam kong importanteng bagay ang sasabihin nya kaya nya ako pinatawag dito.

"Good morning Emperor" sabi ko saka nag-bow kahit di nya nakikita, nakatingin lang ako sa likod nya. Humarap sya sakin suot ang seryosong mukha.

"Take a seat" he invited me.

"No need, ano ba ang sasabihin nyo?" diretsong tanong ko sa kanya, pero I know, this is all about a business or a mission nothing less nothing more. Hindi ko kailangang humarap sa kanya o makitungo bilang isang kadugo kundi bilang isang boss.

Ngumisi sya. Minsan talaga di ko gusto ang way nya ng pagngisi. Umupo sya sa swivel chair nya. "Malapit ka na palang mag-eighteen" he said seriously.

"So?" I ask while my left eyebrow rose, seriously I don't get his point. Ano kayang connect non sa pagpatawag nya ngayon e kung tutuusin next year pa ang sunod kong birthday. Nakatingin lang sya ng diretso sakin and I don't know kung namalik mata lang ba ako kasi parang nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mata pero agad din naman napalitan ng isang maawtoridad na persona. "Just go straight to the point" kapagkuwa'y sabi ko.

Inayos muna nya ang suot na coat bago nagsalita. "I will give you another mission" he handed me a folder. Hindi na ako nagtaka about sa mission. He's the Mighty Emperor after all and I? I'm just a notorious killer slash the next boss slash his granddaughter lang naman.

"Bring Hell Keepers with you para mapadali ang mission and if you succeed I'll give you the most important mission you'll ever receive" sabi nya at tumalikod ulit sakin. Di na ako nagsalita pa at lumabas na ng kanyang office pero iniisip ko parin ang huling sinabi nya. Ano kayang klaseng mission yun?

Kinuntak ko ang mga member ng Hell Keepers upang mapag-usapan ang about sa mission. Matagal ko na ding kasama ang Hell Keepers sa mga mission, naging part na din sila ng pamilya na tinatawag ko.

Andito kami ngayon sa aming headquarter. Yes, meron kaming sarili for privacy and safety nadin. Pinakita ko sa kanila ang folder para makita nila ang picture ng target namin.

"He's Albert Scott, 56 years of age, legally resided at the Philippines. He's a success businessman but behind that popularity and respect he received, he is one of the famous underground drug lords. May balita din na kumukuha sya ng mga inosenteng babae para ipabenta sa mga parokyano sa Pilipinas and it was confirmed. Take a look at this" itinuro ko sa kanila ang isang picture na kinuha ng isa sa mga asset ng aming clan. Napatango naman sila "above that information he's a former assassin and a traitor from one of our allied clan, Hayashi" dugtong ko.

Hindi naman sila nagtanong pa, ang advantage talaga sa mga kasama ko may sarili silang diskarte. Madali silang maka-adapt sa isang lugar, bagay at sitwasyon. Matatalino din sila kaya di mo na kelangan pa ng mahabang paliwanag.

Hindi na agad nag-aksaya ng oras ang mga kasama ko. Nag-ready na ng lahat ng gagamitin para sa mission.

Ayun sa asset namin andito din pala sya ngayon sa Japan. Meron syang building na hindi mapapansin kasi nasa tagong lugar at di mo aakalain na may magtatayo pa ng building don. Well di naman talaga malaki at mataas na building. Yung parang bodega sya pero malaking bodega, hindi na ako nagtaka na may underground dun. Malamang don ginagawa ang mga drugs. Naikuyom ko ang kamay ko ng maalala kung anong klaseng drugs ang ginagawa nila.

Assassins XX GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon