Chapter 3: Eskenita Tresi.
THIRD PERSON'S POV
Yumi woke up when her private plane landed on NAIA Airport. Pagkababa nya hinanap nya kaagad si Ichiro, nakita naman agad nya sila. Oo sila, the Elites of Underworld Kingdom.
Underworld Kingdom (UWK) is composed of the four domain namely: Mafia – the organization of highly trained assassins; the Samurai – the group of skillful warriors; the Yakuza /Gang World – the chapter of gangsters/gangs; the Shinobi – the high society of ninjas or a clans of ninja.
Ang Elites katulad ng Hell Keepers ay mga assassin din pero lahat sila ay mula sa Hokage clan. Direkta silang sumusunod sa utos ng Emperor. Brutal sila, wala silang pinapaligtas na kasalanan, wala silang sinasanto. Ichiro Fujiwara, Ayumi Sato, Satoshi Takana at Jun Ishii ang bumubuo sa grupong ito. They are the superior group of assassins in UWK.
Kilala din ang pangalan ng grupo sa buong UWK. Kinatatakutan sila pero walang nakakakilala ng mga identity nila liban sa mga members and trusted members ng Hokage.
"Yumi!" sigaw ni Jun kaya napalingon naman sya. Nag-nod lang sya at kumaway naman ito sa kanya. Pagkalapit nya yinakap agad sya ng sobrang higpit ni Ayumi. Ginulo naman ni Ichiro ang buhok nya.
"I hate it when you did that. Tss" bored na sabi nya kay Ichiro. Napakamot naman ito sa batok.
"Kyaahh! Yumibaby I miss you so much!" hinug ulit sya ni Ayumi pero parang wala lang sa kanya.
"Psh!" tiningnan nya si Jun ng blanko dahil kinurot nito ang cheek nya. Napatawa naman ang apat, di parin kasi nagbabago si Yumi. Sometimes cold as ice and sometime calm as water pero may pagkakataon naman na parang bata.
YUMIAKI'S POV
"Gutom na ako" walang buhay na sabi ko habang nasa van kami.
Pumunta kami sa isang Filipino Cuisine. Alam talaga ng mga taong ito ang gusto kong kainin pag andito ako ng Pilipinas. Yes, hindi ito ang unang beses na pumunta ako dito. Hinayaan ko nalang sila ang mag-order.
Pumwesto kami dito sa may glass wall ng restaurant, dito ako umupo sa tabi ng glass. Humalukipkip ako habang nag aantay ng pagkain. Sila naman busy sa pinag-uusapan nila.
"Yumibaby?" tawag sakin ni Ate Yumi na katabi ko, napalingon naman ako sa kanya. Tinuro nya ang relong suot ko gamit ang nguso nya. Ate Yumi nalang daw itawag ko sa kanya para parehas kami, ang childish diba?
Bahagya ko namang iniangat ang kamay ko kung asan nakalagay ng relo. Nag-nod naman sya.
"Why?" tanong ko.
"Uhm..parang may kakaiba dyan eh" inilagay pa nya ang hintuturo sa ilalim ng lips nya at medyo tumingala na parang nag-iisip.
"Yeah, this is my newly improvised weasto" sabi ko at tumingin sa labas since glass nga kaya kita ko ang mga dumadaan at nangyayari sa labas kung saan ako nakaupo. Naramdaman ko namang yung tatlong lalaki sa pag-uusap at tumingin don sa relo na suot ko.
Naramdaman ko nalang na may humila ng kamay ko. Tiningnan ko ng matalim si Jun, kahit kailan talaga alam nya kung pano ako asarin kaya napatawa sya sa expression ko.
"Maganda ang pagka-improvised" komento ni Satoshi at yung magaling kung kapatid parang wala lang pakialam. Napatigil sila ulit ng dumating na ang mga in-order nila.
"Let's eat" sabi ko at din a inantay na magsalita sila dahil nagugutom na talaga ako.
"Woahhh, Yumi hinay hinay lang marami pa sila nyan haha" si Jun yan iniinis na naman ako. Palagi nya akong inaasar kasi gusting gusto daw nya reaction ko whenever I pissed off. Pero sorry nalang sya at wala akong gana ngayon sa asar niya dahil ramdam ko ang naaasar na halimaw sa tyan ko.
BINABASA MO ANG
Assassins XX Gangsters
Misterio / SuspensoI was born to serve our clan. I trained and lived to kill. This is my fate as the next boss generation of our clan and next Underworld Kingdom ruler. This is not what I want to be but destiny played me. I became worst and everybody call me Nightmare...