Chapter 5: Knowing Red Phoenix.
IAN'S POV
Umalis na si Yumi after nyang kumain, nagpresenta na nga si Kent na ihatid sya pero ni hindi sya nilingon man lang. Kanina ko pa iniisip kung ano ang relasyon nya kay master at anong ginagawa nya don noon sa Eskenita Tresi. Madaming natatakot sa lugar na yun pero parang wala lang sa kanya kahit muntik na syang mapatay nong nakaaway namin.
"Weird talaga"narinig kong sabi ni Kent. I know he's referring to that woman.
"Medyo suplada din pero okay lang maganda naman sya" nakangiting sabi ni Xandro. Puro babae laman ng utak ng isang 'to.
"Oo nalang daw Xandro sabi ni lola Basyang" Alex.
"Alam nyo kung di ko narinig na nagsalita yun kanina kay Ashley baka isipin kong pipi sya" Luke.
"Tama tama" si Red naman habang kumakain.
"And speaking of Ashley, naku paniguradong gaganti yun" Alex.
"Bakit naman?" seryosong tanong ni Kent kaya naman napatingin din ang iba sa kanya.
"Malamang Kent, si Ashley lang naman ang leader ng sikat na sorority dito" pailing iling na paliwanag ko. "Mahirap talaga pag minsan nakulangan sa utak nagiging slow" bulong ko.
*Pak!*
"Aray!" daing ko, kasi naman binatukan ako ni Kent.
"Para kasing bubuyog" singit ni Mike.
"Woah!" sabay sabay naming sabi habang nakatingin kay Mike. Once in a blue moon lang yan magsabay sa asaran namin si Mike. Haha.
"Tss" Mike.
"Guys, know what this means?" nakakalokong ngiti ang ibinigay samin ni Red.
"Yeah! This call for celebration!" sabay sabay ulit naming sabi except kay Mike.
"Ulol!"
Umalis na kami ng cafeteria at hindi na kami pumasok kasi tinatamad na rin kami yun lang. Haha.
MIKE'S POV
Another day.
Nauna na akong pumunta sa E.U. Wala pang masyadong estudyante pagdating ko. Nakita ko ang isang babaeng pamilyar –Yumi? Anong ginagawa nya ng ganito kaaga?
Mabilis ang bawat hakbang nya kaya naman na curious ako at sinundan sya hanggang sa tumigil sya sa likod ng isang building dito sa university.
Tumago ako sa may puno at ingat na ingat ako para di nya ako mapansin. Siya lang mag isa?
Tiningnan ko ang paligid, there's no one in here. What is she doing in this kind of place being alone? Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng may sumulpot lang bigla na tatlong lalaki. Saan sila galing? Di ko nga sila naramdaman. She looks at my direction. Agad akong sumiksik sa puno para makapag tago ng maayos. Nakita kaya nya ako?
Parang may pinag-uusapan sila pero di ko masyado marinig, iba din ang gamit nilang language parang Japanese nga eh pero sobrang hina. Seryoso ang mga mukha nila at sa totoo lang, sila ang mga taong hihilingin mong di makilala.
They look dangerous.
"Show yourself" narinig kong sabi ng isang lalaki sa maawtoridad na tono. Shit! Hindi ako nagsalita pero ramdam kong papalapit sya ngayon sakin.
"He's no harm, leave him" narinig kong boses nya.
"What if he heard us?" kalmado na tanong ng isang lalaki pero matatakot ka.
![](https://img.wattpad.com/cover/12491522-288-k71567.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassins XX Gangsters
Misterio / SuspensoI was born to serve our clan. I trained and lived to kill. This is my fate as the next boss generation of our clan and next Underworld Kingdom ruler. This is not what I want to be but destiny played me. I became worst and everybody call me Nightmare...