Andito nako sa Classroom Asusual magulo at maingay wala pa kasi yung Teacher namen. Kinuha ko muna ung cellphone ko at tinext si Janzel. Hindi naman sya nagreply malamang nasa nagkakaklase na sila. Nako ang boring magisa ako kasi e baka magselos nanaman si janzel pag dumikit ako sa mga friends ko. Nakakamiss na sila kasama tss. Nagulat nalang ako biglang naggoodmorning mga classmate ko yun pala pumasok na yung teacher namin buong araw puro Discuss nakakasawa na talaga.
Nandito na ako ngaun sa kwarto ko iniisip ko si papa kamusta na kaya sya? simula nung pinapulis ko sya wala nakong balita sakanya hndi naman sya nakulong e yun nga lang pumirma sya na bawal nya na kaming guluhin o puntahan sa bahay namin. Kailangan kung gusto nya kami makita sa ibang place. Hayysss Sana bumalik na si papa sa dati.
Lumipas ang 1 week mas lalo kaming naging sweet ni janzel sa isat isa pero may problema sya yung papa nya nasa ospital sa manila. Alam kong galit sya sa papa nya pero nangingibabaw padin ang pagmamahal nya dto. Angsabi nya di nya daw kayang kausapin papa nya kasi daw ganun nga yung gnawa sakanila Angsabi ko naman papa mo sya kailangan ka nya ngaun patawarin mo na sya wag mo sayangin ung oras yun nga nagkausap sila sa phone ng papa nya humingi ng tawad papa nya at pinatawad nya nadin pero after ng call her father died hinintay lang ng papa nyang mapatawad sya. Iyak sya ng iyak wala kong magawa gusto ko man punasan luha nya malayo ako. Nung araw na namatay yung papa nya inasikaso ng mga tita nya ang pagpunta nya sa manila nagplano nadin ako na pupunta ko dahil pupunta din sila tito sa manila kasi may susunduin sila.
2araw lang ang lumipas at nakapunta na si Janzel sa manila walang minuto na di kami magkatext at walang gabi rin na di sya umiiyak sakin sa phone pero wala ding araw na hndi kami nagaaway iniintindi ko nalang sya kasi alam ko namatayan siya kaya ganun. So ayun lagi kaming magkatext pag sa gabi lagi ako tumatawag ilang days din kaming ganun. Nung ililibing na papa nya Lumuwas na kami nila tito dahil nakavan kami natulog muna ko.
Nagiseng ako bigla di ko alam kung matatakot ako sa panaginip ko o matutuwa ako. Yung papa nya napanaginipan ko sabi nya wag ko daw sasaktan anak nya. Tinext ko sya na malapit na kami pero nailibing na pala papa nya at nasa tagaytay sila Anggaling dba? hndi ako nakaabot ang masama dun di nya ko tinext nagmukha kong tanga. Nakakahiya tuloy kila tito kaya yun sumama nalang ako sa pagsundo nila sa friend nila.
----------------------------------------------------------------------------
Sorry for the short update guys mejo busy ako e. Kung pwede po sana magvote kayo wala naman pong mawawala sainyo kung magvovote kayo e.
BINABASA MO ANG
FriendZone (GirlXGirl)
RomanceWhat if yung taong mahal mo may mahal na iba pero sinabihan ka nyang hintayin mo sya. Gagawin mo ba?