Chapter 3 💘 Lavignia 💘 Rival

45 5 0
                                    


"Akina yang hotdog ko Airriz! 'Pag hindi mo binigay iyan, iinumin ko tong tatlong yakult mo, sige!" Pagbabanta ko kay Airriz habang inaabot ang kamay nitong nakataas na hawak ang tinidor na may nakatusok na hotdog. Inagaw nito ang ulam na tinira at tinipid ko para papakin sana.

"Damot naman nito. Hotdog lang eh." Anang nito na kinagatan pa ang pagkain ko. Lalo akong nainis at the same time, kinilig.

Lalong mas dapat kong makuha iyon para makain para may indirect kiss na kami ni Airriz.

"Hala! Ikaw na lalaki ka, tinipid ko nga para papakin tapos kukunin mo. Sasapakin na kita diyan eh. Isa pang kagat babanata na kita."Nagkukunwaring galit na ani.

Tumalima naman ang loko.

Hala, baka maubos niya, kailangan may matira kahit konti para may indirect kiss kami!

Yeah, yeah, yeah, medyo nakakadiri para sa iba, pero sa taong in love, Nahhh.

"Hoy tumigil na nga kayo para kayong mga bata diyan." Ani ni Thalia samin na natatawang umiiling katabi ang dalawa pa naming kaibigan ni Airriz, ang kambal na Si sina Elwoode, Eliotte. Ako naman ay napapagitnaan nina Jacobo at Airriz

Magmula ng maging opisyal na magkaibigan na kami ni Airriz ay palagi na kaming magkakasama at halos hindi na mapaghiwalay, gaya na lang ngayon vacant period. At maging sa uwian ay madalas kaming magpalipas ng oras sa bahay ng kambal na nasa tapat lamang ng eskwelahan bago tuluyang umuwi sa kani-kaniyang bahay.

"Ibigay mo na lang yan kay D.A, Vi nalawayan na niya kaya yan. Kadiri na yan. Bibilhan na lang kita." Komento ni Jacobo.

Kaya nga mas lalo kong dapat makuha.
Sa isip-isip ko.

"Bahala ka nga diyan. Sige Cob, bili mo na lang ako." Naglungkot-lungkotang wika ko.

"Lika sama ka sa akin. 'Yun lang ba gusto mo?" Tanong ni Jacobo sa akin at inakay ako sa isang braso. Ngunit nagulat ako ng may humawak din sa isa kong braso, si Airriz.

At umadar ang mapaglaro kong isipan. Parang eksena sa TV na napalingon ako at nag-aabang sa sasabihin ng bidang lalaki, na huwag hawakan ang bidang babae dahil kaniya lang ang dapat babae at siya lang ang may karapatang humawak dito.

Ngunit nasira ang pantasya ko sa sumunod na salita ni Airriz.

"Wag ka ng bumili. Tataba ka na naman niyan kakalamon mo. Kailan ka lang pumayat magpapataba ka na naman." Wika nito nakangisi pa at nilamon ng buo ang pagkaing hawak nito. Sinira na nito pantasya ko, kinain pa nito ang hotdog ko.

Asar na piniksi ko ang kamay nito sa braso ko.

"Letse ka talaga Airriz." Anang ko dito at kinuha ang tatlong yakult nito. Mahilig ito sa doon at parang ginagawang tubig ang yakult.

"Hhoyy Arkhina Yakurt kwohhh!" Wika nito na namumuwalan ang bibig sa pagkain. Wala pa naman itong biniling tubig, at nahirinan na nga ito. Hagalpakan kami ng tawa sa itsura nito.

"Picturan mo dali!" Tumatawang wika ni Eliotte sa kakambal na si Elwoode, na sinunod naman ng huli. Inilabas nito ang Nokia N70 nito at ilang beses na kinunan si Airriz na namumula na sa hirin.

"Munga ghagwo khayoo!" Sigaw pa ni Airriz na napapaubo ubo.

At dahil sadyang mabuti ang kalooban ko, 'de joke lang, hindi ko lang talaga ito matiis, dahil delikado din ang mabulunan kaya. Binuksan ko na ang isa nitong yakult at inabot dito, pero isa lang dahil akin na yung dalawa. Diniretso agad nito ng tungga iyon at parang nakahinga ng maluwag na inaabot pa ang mga hawak kong yakult.

"Ano ka sinuswerte? May utang ka pa nga sa aking isa eh." Sita ko dito na ang tinutukoy ay ang isang yakult na ininum nito, sabay talikod at yakag kay Jacobo para magpabili ng hotdog. May yakult na ko, may bonus pang manlilibre. Nadinig ko ang ilang ubo ni Airriz. Lumingon ako at nakita itong napapailing habang napapangiti.

Ang sarap ng ngiti nito, mas masarap pa sa tinanghalian ko.

-💘-

Kinabukasan.

"Good morning class. I would like to announce you, that we have a newcomer. She's a transferee, her family is from the province of CDO. Hija, pakilala ka na sa kanila." Wika ng adviser naming si Sir Riddle.

Kiming ngumiti ang dalagita na napakaputi at napakaamo ng mukha. Kung ihahalintulad ko ito sa isang artista, para itong si Angelica Panganiban noong bata pa. Kapansin-pansin ang pagtahimik ng klase na nag-aabang sa sasabihin nito.

"Yes Sir... H-Hi everyone! I am Elaine Olivia Paloma, 16 years of age. I love reading and watching horror movies. And I love RPG games. I hope we could all get along. Thank you." Wika nito na ngumiti ng malawak. Nagsigawan ang mga kalalakihan at nagsipito pa. Natatawang nailing-iling na lamang kami ni Thalia sa kinauupuan namin.

"Class, you getting her off guard. Just be good on her, okey. Let's start the discussion. Paloma, please be seated on that spare chair." Wika ng guro namin na tinuro ang bakanteng upuan sa gilid ko. Absent kasi ang kaklase kong nakaupo talaga doon. "Pascal, please guide her. I know you would definitely get along." Nakangiting dagdag pa nito.

Ako naman ay masiglang inaya ito sa tabi ko. Minuwestra ko pa ang upuan ko. Sa tingin ko nga ay magkakasundo kami dahil parehong pareho kami ng mga hilig gawin.

Umupo na ito sa tabi ko at inayos ang gamit sa gilid ng desk.

"You good?" Nakangiting tanong ko dito na sunod-sunod na tinanguan nito, para itong bata sa ginawa nito.

"Baka mahilo ka niyan kakatango mo. Anyways, I am Lavignia Pascal, this is my bestfriend, Thalia Pagayan." Pagpapakilala ko dito at kinamayan pa namin itong dalawa ni Thal.

"Elaine Olivia, but you can call me E.O. Nice meeting you guys!"Maluwang ang ngiti na wika nito. Nakakatuwa ang personality nito, nakikita ko ang sarili ko dito.

"The pleasure is ours E.O." Wika naman ni Thal.

"Don't worry, kaming bahala sayo. Soon, hindi mo na mararamdaman na kaka-transfer mo lang." Ani kong kumindat pa dito. Nagkatawanan kami sa ginawa ko.

Hanggang sa dumako bigla ang paningin ko sa kinasanayang dakuan niyon.

And I found him, staring. I thought, it is me he been glancing at. But I was wrong, he is looking at the newcomer, eyes gleaming and lips smirking.

I know that looks of him.

He's interested and caught by the transferee student. I should know because I saw that many times when he was courting and chasing his girls not so long ago.

Then I felt the familiar pang in my chest.

And somehow, I know, without even fighting, I already lose at the battle of catching him.

💔💔💔💔💔

LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)Where stories live. Discover now