Chapter 5💘Lavignia💘 A Man Name Jacobo

30 3 0
                                    


"Would it be weird kung iiwas muna ako?" Wika ko habang sisinghot singhot na nginunguya ang donut na binili nito para sa akin. Nagulat ako nang umalis ito saglit at pagbalik ay may dala ng dalawang chocolate moo at isang dosenang iba't-ibang flavour ng donut. Pinakyaw yata nito ang tindang donut stand na nasa loob ng eskwelahan.

"Well,.. it is. Baka magtaka ang barkada. Pero kung iyan ang makakapagpagaan ng kalooban mo kahit paano, gawin mo lang." Ani nitong pinunasan ang mugmog na nasa gilid ng labi ko.

"Hay... Huwag na nga lang. Kaya ko pa naman eh." Saad kong kumuha ulit ng donut at kinagat.

Hmmm... Ang sarap lang talagang kumain ng matamis kapag stress ka.

"Can't you just unlike Airriz?" Kwestiyon nito na nakapagpabitin ng isa ko pang kagat sa flavour strawberry na donut.

Tinignan ko ito sa mata sa hindi pagkapaniwala. Akala ko naman ay nagbibiro lamang ito pero nakita ko ang kaseryosohan sa mukha nito.

"Alam mo ikaw, guwapo ka lang eh pero mababa IQ mo noh?" Saad ko ditong binaba ang donut na kinakain at humigop sa chocolate drinks.

"W-What? Mababa IQ ko? H-Hoy excuse me, kasama ako sa honor roll 'no." Gulat at 'di makapaniwalang sagot nito.

"Sus... kung mataas IQ mo, hindi mo itatanong yang tanong na yan. Unlike Airriz? Ano 'to, parang sa fb lang na madaling i-unlike kasi na-realised mong hindi naman pala okay yung post at nakakasakit lang sayo?" Apila ko dito na kinakunot ng noo nito.

"What? Ano namang kinalaman ng like mo sa fb—"

"Parang ganoon din kasi iyon. Kapag may nakita kang nagustuhan mo sa fb, nila-like mo iyon 'di ba? Kasi gusto mo iyon. Hindi mo naman pinilit lang gustuhin iyon. Kusa mo iyong nadama. Walang pumilit sayo. Madaling i-unlike ang isang post, pero bakit mo siya i-a-unlike kung gusto mo pa talaga? Maybe nakakalungkot iyong laman ng post na iyon, at nasaktan ka talaga doon, pero hindi mabubura niyon ang katotohanang gusto mo pa din iyon. Na kahit nasasaktan ka sa katotohanan ng post na iyon, may impact pa din sayo. Ganoon 'yon boo." Ani ko ditong nakapagpatulala lamang dito.

"Ganoon para sa akin si Airriz. Sa tingin mo ba hindi ko sinubukan? Sinubukan ko naman. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kong sinabi sa sarili kong, Tama na, masakit na. Pero wala eh. Everytime na isusuko ko na 'yung nararamdamn ko sa kanya, palagi na lamang iyong bumabalik na parang kabute. Parang fungus ba hindi mawala wala." Ani ko pang muli na namang naluluha.

"Eh kasi hindi mo naman sinubukan alisin' yung ugat. Kung gumamit ka ng anti-fungal edi sana nawala agad." Apila ni Jacobo na lumapit sa akin at pinunasan muli ang luha ko.

"Bakit, may anti-fungal ba na mabisa sa matinding fungus? Wala naman yata. Babalik at babalik iyon." Bwelta ko muli dito.

"Consistency is the key. If isang beses mo lang gagawin, and lagi kang babalik sa dati mong ginagawa na nagdudulot ng pagbalik-balik ng fungus, then maybe what you need is to change your habits. Try cleaning it more often. Sting it to hot water, use anti-fungal creams and powders more often. You can't see the effects immediately, but soon, the fungi will disappear, or rather, totally disappear." Paliwanag nitong nakapagpatigil sa akin. Habang sinasabi nito ang mga salitang iyon, doon ko lamang napansin nang mas malapitan ang wangis ni Jacobo. Ang mga mata nitong kasing lalim at kasing itim ng langit sa gabi, ay nakakahalinang titigan kahit walang bituin. Ang matangos nitong ilong na kagaya sa mga sikat na artista ay nakakatakot hawakan sa tulis.

"'Bo, ngayon ko lang napansin, ang gwapo mo pala." Hindi napigilang saad ko dito na kinapula nitong bigla at kinailang.

"N-Naman' no. Ang ganda kaya ng genes namin." Ilang na sagot nito na biglang binaling ang tingin sa iba.

"Eh bakit wala ka pa ding jowa? NBSB ka di ba?" Kuryosong tanong ko.

"Kasi wala naman akong nagugustuhang babae dito sa school... Maliban sa'yo..." Saad nitong bahagya ko lamang napakinggan ang dulong bahagi.

"A-Ano?" Na-caught-off guard na tanong ko.

"Wala. Uhm... So back on the topic... Vi, if you want... You can use me as anti-fungal..." Seryosong saad nito na nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Ilang saglit akong natulala sa magaganda nitong mga mata na kasing haba yata ng bangs ko ang mga pilik. Hindi ko magawang sumagot agad dahil hindi ko alam ang isasalita.

"T-That's sound so tempting... If only I didn't know na n-nagbibiro ka lang." Hindi naiwasang mautal na natatawang napapailing na saad ko dito na tumayo na dahil malapit na ang bell. Inayos ko ang box ng donut na may tira pang apat na piraso. Ibibigay ko na lamang sa barkada iyon. Ang dami ko din palang nakain mahigit kalahating dosena din. "T-Tara na nagbe-bell na." Aya ko ditong nauna nang tumalikod na. Hindi ko na naitago ang pagkailang sa usapan naming dalawa.

Nakailang hakbang palang ako nang hiklatin ako nito payakap. Parang slow-motion ang pagbagsak ng box ng donut sa paningin ko. Tila iyon eksena sa telebisyon na kaiinisan mong mangyari lalo't kapag may nasasayang nang pagkain.

"Jacobo yung donut ko!—" Tarantang wika ko. Napapikit na lamang ako nang bumagsak sa sahig iyon at nagtalsikan ang mga donut sa lapag.

"I like you Vi. Gustong-gusto kita Lavignia." Wika nitong nagpatigalgal sa akin. "Alam kong umpisa pa lang si Airriz na ang gusto mo. Pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong gustuhin ka. Nasasaktan akong nakikita kang ganito. Nasasaktan ako kapag nasasaktan. Ang sakit sa dibdib na makita kang lumuluha dahil sa kanya. Sobrang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin." Saad nitong naringgan ko ng nginig ang tinig.

Napakalakas ng kabog ng aking dibdib, ngunit iyon ay dahil sa gulat at pagkabigla. Iyon lamang iyon. Alam ko dahil ibang iba ang nararamdaman kong kaba kapag si Airriz ang kausap ko.

"J-Jacobo... Please... Kung n-nagbibiro ka lang." Gulong turan ko dito.

"Hindi ako nagbibiro." Saad nitong bumitaw sa akin at tumingin ng diretso sakin. "Gustong-gusto kita Lavignia. Gustong-gusto." Pagtatapat nito.

Dapat matuwa ako, dahil ngayon ko lamang naranasan ang mapagtapatan ng ganito. Ngunit hindi ko magawang matuwa. Lalong naragdagan ang sakit sa kalooban ko sa kaalamang may nasasaktan din pala ako, and worst, hindi ko man lang namamalayan. Napakabuting tao ni Jacobo. Kahit kailan ay lagi ako nitong pinasasaya sa tuwing malungkot ako.

"I'm sorry Jacobo. I'm really really sorry..." Nakatungong saad ko makalipas ang ilang saglit. Napakakirot ng puso ko. Ngunit hindi sa kung anomang dahilan, kung hindi dahil sa awang nadarama ko para sa kaibigan. Para kay Jacobo na walanh ibang ginawa kundi ang protektahan at pasiyahin ako.

Wala akong nadinig na salita mula dito, kaya naman umalis na lamang ako. Lumayo ako nang sa ganoon ay hindi na ako makapagsalita pa ng ikakasakit nito. Dahil kung mayroon man akong huling kayang gawin, iyon ay huwag na itong saktan pang lalo.

💘💘💘💘💘

LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)Where stories live. Discover now