2011
"Sydney Padilla!"
"Present Maam!"
"Thalia Pagayan!"
"Present Maam!"
"Lavignia Pascal!...
Lavignia Pascal!
Lavignia! Lavignia!" Sigaw ng Adviser namin."Huy Lavignia ikaw na ang tinatawag! Mag-present ka na!" Sabi ng kaibigan kong si Thalia.
"H-Huh?! Ay! P-Present po Ma'am! Sorry po Mam nakakatulala po kasi yung ganda niyo ngayon Mam!" Bulalas ko at nagtawanan ang buong klase ng Forth Year Section 2. Namumula ang mukha na napailing na lamang ang ulo ng Adviser namin na si Ms. Salazar sakin.
"Hay Lavignia, tigilan mo na ang pagde-daydream mo diyan magsisimula na ang klase." Ani ni Mam na nakangiti.
Nakakahiya talaga! First day of School ko pa naman bilang senior tapos ganito!
Hindi ko napansin na tinatawag na pala ko. Kasi naman eh, busy kasi ako. Oo busy ako. Busing-busy ako sa kakatitig sa gwapong mukha ni Darylle Airriz Celeste, ang long long looooong time Crush ko.Oh, alam ko na ang iniisip niyo? Malandi? Haliparot? Makiri? Ang bata bata pa puro crush na ang inaatupag?
Wait, hinay-hinay lang po kayo sa mga iniisip niyo, oo bata pa po ako, at may crush ako sa kanya, pero hindi po puro crush lang ang inaatupag ko, seryoso po ko sa pag-aaral. In fact lagi akong nasa honor mula pa nung elementarya. Mabuti na nga lang at hindi ako napupunta sa Section 1 dahil kung oo ay hindi ko na makakasama at makikita ang inspirasyon ko na si Airriz. Wala namang masamang magkaroon ng crush kung ilulugar mo lang iyon sa tama. Nagsisilbing inspirasyon ko sa pag-aaral ang pagkakagusto ko dito.
Grade 3 nung una ko itong naging kaklase, chubby pa ako noon at laging binubuska ng iba kong mga kaklase. Kahit na nasasaktan ako minsan sa mga pang-aasar ng mga iyon ay pinagkibit balikat ko na lamang at nasanay na lamang dahil bilugan naman talaga ako noon. Ngunit nagulat ako ng minsang ipagtanggol ako ni Airriz at sabihan ang aming mga kaklase na tigilan na ang pang-aasar sakin dahil nakakasakit na ang mga ito. Since then naging crush ko na ito, hindi lamg dahil sa itsura nito kundi sa kagandahang loob nito.
Pero ngayon ay halos hindi ko na makita ang batang Airriz. Bagamat noon pa ma'y gwapo na ito ay lalong naging malakas ang dating nito at naging kilala na ito bilang isa ito sa mga cuties ng buong School namin.
Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero halos ganoon din naman ako. Naging pansinin na din ako ngayong High School, hindi nga lang sa aking ganda, but don't get me wrong, I am not ugly okey, I have my own unique kind of beauty though I am not as striking as my bestfriend Thalia. I have long natural brown but not-so-straight hair and my eyes are always complimented by people because of it's very light brown hue that I inherited from my father. Pero mas pansinin ako dahil sa angking katalinuhan ko.
Isa ako sa mga pambato ng School namin bilang panlaban sa patalinuhan sa ibang mga eskwelahan. Madami ang nagsasabi na nararapat ako sa section 1, totoo din naman iyon kung tutuusin dahil kaya kong makipagsabayan sa mga honor students, pero hindi nga lang ako kasingseryoso ng mga tiga section 1 na halos wala ng mga kilay sa sobrang pasusunog sa pag-aaral. Matalino ako pero hindi ako masipag, I'd rather waste my time playing my favorite RPG games or reading pocketbook than reviewing and advance lessoning, not that it's but to do those, ganito lang talaga kasi ako.
Kahit noong bata pa ko ganoon na ang gawain ko. Pero may nagbago naman sakin mula noon, physically nga lang. Noon kasing bata pa ako bilogan akong bata at walang pake sa itsura, kahit may uhog wapakels pa din basta laro lang bg games. Ngayon ay hindi mo na iyon makikita dahil sa pumayat na ko at medyo naging banidosa. Mahilig na ko mag-ayos ngayon kahit papaano para lamang mapansin ng crush ko na si Airriz, na mukhang hindi alam na may isang Lavignia na nag-e-exist, de joke lang, alam naman niya, pero wala lang siyang kebs sakin.
Huhuhu what a sadlife.
Hindi kami close na close pero maituturing na kahit papaano ay magkaibigan kami, or rather, magkakilala. Yung tipong alam niyo yung pangalan at ilang mga bagay sa buhay ng bawat isa, kasual na nag-uusap, nagpapansinan, nagha-hi-hello-wan, ganoon.
Pero ayoko ng ganoon! Ayoko ng ganoon lang kami huhu!
Kaya nga ko nagsisikap na mapansin nito. Laking tuwa ko talaga na dito ako sa Allevero Vicente High School nag-enroll, balita ko pa naman noon na hindi dito mage-enroll si Airriz mabuti na lang at dito din ito napunta. Pero matatapos na ang high school life ko ay hindi pa din ako nakaka-pag level up dito, nasa friend-stage pa din ako. Sana ma-upgrade man lang sa bestfriend-stage, then soon crush stage tapos alam mo na... Ang babaw ba? Wala eh, in-love eh.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Lavignia, malapit ng matunaw si Airriz sa ginagawa mo!" Bulong sa akin ni Thalia.
"Sira! Hindi ko naman masiyadong tinititigan noh, slight lang. Bakit kasi ang pogi niya besh..." Bulong ko pabalik dito.
"Ay hindi mo pa ba masyadong tinititigan ng lagay na yan? Simula ng pumasok siya dito sa classroom hanggang ngayong class attendance na nakatingin ka lang sa kanya, ni hindi mo pa nga natatanggal yung bagpack mo sa katawan mo oh, saan ang lakad te? Uuwi ka na ba? Hindi ka ba nahihiyang baka mahuli ka niyang nakatingin sa kanya?" Paninita nito bagamat nakangiti.
Alam nito ang tindi ng pagkakagusto ko kay Airriz, bukod sa virtual games, bisyo ko na ang titigan ito araw-araw, binabike ko pa tuwing sabado at linggo ang bahay nito para lang matanaw ito. May Hardware Shop ang pamilya nito na hindi ganoon kalayo sa gusaling tinitirhan namin.
"Alam mo, sa dami ng nagkakagusto sayo, dun ka pa sa taong immune sayo na-in love eh 'no?" Ani ni Thalia.
"Grabe ka 'no? Hindi mo man lang ako binigyan ng false hope muna bago mo ko dinurog sa banat mo. Oo na, wala siyang gusto sakin, sa ngayon. Pero malay mo di ba. Wala namang masamang umasa." Ani ko ditong nagtatampu-tampuhan. Tinawanan lang ako nito sa pagdadrama ko.
"'Wag mo ng ipilit, 'di bagay sayo magdrama Vi." Tatawa-tawang sabi nito. Kilala kasi ako bilang gullible person sa klase namin. Tipong laging may banat kada magsasalita. Dahil sa pagiging masiyahin ko at madaldal ay dumami ang mga kakilala at kaibigan ko.
"Seryoso Thal, I'm planning to make a move to him. I hope mag-succeed ako." Seryosong bulong ko dito na kininditan pa ito. Kinabilog ng mata nito ang nadinig. Alam kong nagulat ito sa sinabi ko dahil matagal na ko nitong inuudyukan na magparamdam kahit paano. Ako lang itong hindi makakilos dahil sa hiya at takot. Pero ngayon ay desidido na ko at nais kong mas maging malapit kami and soon sana ay maging magkasintahan.
"Oh my God Vi! That's good news! Akala ko habang buhay ka lang magaabang eh. Nakailang GF na si Airriz pero abangers ka pa din diyan! I'm sure he would fall for you Vi. You're a great person kahit medyo baliw ka." Ganting bulong nito na nagpipigil sa pagtili.
"Aww, your the sweetest Thal! Kaya love kita eh lagi mo kong binobola!" Ani kong kinurot ang mga pisngi nito. Natatawang umaray ito habang tinatanggal ang kamay ko.
Natatawang tumingin muli ako sa direksyon ni Airriz at sakto namang nakalingon din ito sakin.
Alam niyo ba kung gaano kasaya sa pakiramdam ang tumingin sa crush mo sa saktong pagkakataong nakatingin din siya sayo?
Heaven guys! Heaven!
Parang tumalon ang puso ko ng ngitian ako nito at tanguan. Pinigil kong magkikisay sa kinauupuan ko at lalong diniinan ang pagkakakurot sa pisngi ng kaibigan ko.
"Thal!!!! Tumingin siya sakinnnnnn!!! Nagkatinginan kamiiii!" Magkaigting ang bagang at pigil ang pagtili na ani ko. Mapupunit na yata ang bibig ko sa laki ng ngiti ko.
At dahil napakabait na kaibigan ni Thalia, bukod sa napakaganda na, ay tinakpan nito ang bunganga ko at hinayaan lang na panggigilan ko ang mga pisngi nito hanggang sa matapos ang kilig na nadadama ko. Halos tumulo ang laway nito sa pagkakapisil ko sa pisngi nito hanggang sa bitawan ko na iyon. Pinalo palo nito ang balikat ko bilang ganti sa ginawa ko sa pisngi nito habang nagkakatawanan kami.
Salamat talaga at mayroon akong kaibigan na kagaya ni Thalia kung hindi ay baka nasa guidance office na ko dahil sa biglaang pagtitili. Tunay na kaibigan talaga ito. Through thick and chin, este thin, laging magkasama.
😂😂😂😂😂
YOU ARE READING
LOVING AIRRIZ ( TRAMYHEARTSERIES #3) (ON-GOING)
Storie d'amoreIlang beses bang dapat magpakatanga sa pag-ibig bago makita na wala naman talagang pag-asa? Hindi naman talaga masamang umasa 'di ba, pero hanggang saan mo ba kaya? This story is about a woman who loves a man dearly, wholeheartedly, and unconditiona...