---KIKO's P.O.V---
"Kringggg.... Kringgggg", nag-ring na ang bell kaya naman dali-dali kong inayos ang mga gamit ko.
"That's our lesson for today, class dismiss!" sabi ni Ms.Perez.
Lumabas na ako sa room, gutom narin kasi ako. Nakakabaliw kasi yung subject namin sa kanya, andaming pinapagawa.
Ahh, bago ko pala makalimutan, Ako nga pala si Kiko Zamora and graduating student sa kursong Business Administration. Haay, konting tiis nalang at makaka-graduate na din ako.
"Uy, Kakoy!!! sandali lang. Pasabay na akong mag-lunch",
napangiti naman ako ng marinig ko ang boses na tumawag sa akin. Siya si Ghelay, siya ang ang bestfriend ko simula noong tumuntong ako ng college. Sa lahat ng ng kaibigan ko, siya talaga yung matatawag ko na best of the best. Lagi kasi siyang andyan para sa akin. Lumingon ako at ngumiti,
"ah sige! Tara na!", yaya ko sa kanya . Sabay kaming pumunta sa canteen para mag-lunch.
"Andami nating requirements at paper works, idagdag pa yung mga performances. Hayyy, nakakapagod mag-aral Kakoy",
sabi ni Ghelay. Ginulo ko naman ang buhok niya,
"Ikaw talaga. Para 'to sa future mo kaya dapat huwag kang tatamarin",
pag mo-motivate ko sa kanya. Matalino si Ghelay, sa katanuyan nga kasama kaming dalawa sa Dean's List.
"Ang sweet talaga nila ano?", rinig kong mga bulungan ng mga schoolmates namin habang papunta kami sa canteen.
"Nako naman talaga ang mga tao ngayon noh? Masyadong mapanghusga, kapag nakita nila ang babae at lalake na magkasama akala nila na sila. Hindi ba pwedeng bestfriend lang?Tskkkkkkkk"
Natawa naman ako sa sinabi ni Ghelay.
"Hayaan mo na si sila Ghe. Ganyan na talaga mag-isip ang mga tao ngayon. Pero alam mo may point sila, hahahaha. Tsaka ayaw mo ba yun?, may boyfriend ka na nga may bestfrie.."
binatukan naman niya ako sa sinabi ko. "Hoooyy, hoooy. Huwag ka ngang ano dyan. Mag-bestfriend tayo, kaya walang talo-talo."
Ngumiti naman ako ng pilit, "Siyempre biro lang. Hahaha".
Mukhang wala talaga akong pag-asa sa kanya. Hanggang bestfriend lang ang turing niya sa akin. Oo, may gusto ako sa bestfriend ko. Torpe kasi ako eeh, hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto ko na siya simula noong una ko siyang makita at makilala......
*FLASHBACK*
Unang araw ng klase at ngayon ganap na akong college. Excited ako and at the same time ay kinakabahan kasi panibagong environment nanaman ang pakikibagayan ko. Hayyy, unti unti ko ng maabot ang mga pangarap ko. Kapag nakapagtapos ako sisiguraduhin ko na gaganda at giginhawa ang buhay namin. Hindi na kailangang magtrabaho ng mga magulang ko sa ibang bansa upang maibigay ang mga pangagailan naming magka-kapatid.
Tinignan ko ang relo ko at nagulat ako dahil 7:47 na, ay nako naman. Mahuhuli ako sa klase ko, kaya naman dali-dali akong tumakbo para hindi ako ma-late sa klase ko, first day of class pa naman.
Dahil sa tulin ko sa pagtakbo ay may nabangga ako. At nahulog ang mga bag nito, tinulungan ko namang pulutin ang mga gamit niya at sa taranta ko ay iba ang napulot ko. Isang puting bagay na pa-square at malabot.
"Ahhhh, bastos ka! Akin na yan!", lumingon naman ang mga estudyante sa amin.
Nakakuha tuloy kami ng atensyon dahil sa pag sigaw niya. Nataranta naman ako inabot ko sa kanya ang bagay na hawak ko
"Sorry miss", at dali dali akong tumakbo.
Mabilis naman akong nakarating sa room ko, at salamat dahil hindi ako late, may 5 minutes pa bago mag-time. Unti-unti na ding nagsisi-datingan ang mga kaklase ko. Napatingin naman ako sa pintuan ng pumasok yung babaeng nakabangga ko kanina. Bigla ko namang itinakip yung bag ko sa mukha ko. Nakoo, kaklase ko pala siya. Naramdaman ko namang may tumabi sa akin, at alam ko siya yun. Kaya naman tumalikod ako sa kanya, mahirap na baka makilala niya ako.
"Goodmorning class!", bati ng instructor namin. Kaya naman napaayos ako ng upo.
"I am Mrs. Pamela Manzano and I will be your instructor in General Mathematics. And now, I want you to introduce yourselves here in front", napalunok ako.Ito din kasi yung isa sa kinatatakutan ko kapag first day of class eh ang INTRODUCE YOURSELF!
"Okay miss, start" turo niya sa babae naming kaklase na nasa harapan. Buti nalang at nasa 3rd row ako naka-upo.
"I'm blah blah blah....." sabi ng mga kaklase ko. At ng ako n gang susunod, talaga namang nanlalamig ang mga kamay ko.
Kinakabahan ako, pero sabi ng konsensya ko "kailangan mong magpakitang gilas Kiko!" kaya naman naglakas loob akong pumunta sa harapan.
"Hello everyone! Ako nga pala si Kiko Zamora. Sana maging magakaibigan tayong lahat" nakangiting sabi ko.
"Manyak!!!", sigaw sa bandang likod. Napatingin lahat ng ng kaklase ko sa sumigaw. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang sumigaw, yung babae nakabangga ko pala.
Kinabahan namana ako, "Yes Miss?" sabi ni Mrs. Manzano,
"Ahhh, ma'am mawalang galang na po. Siya po kasi yung lalakeng bumangga sakin kanina. At ang bastos po niya, opo tinulungan niya akong damputin yung mga gamit ko nahulog kanina pero yung napkin ko po yung pinulot ng bastos na yan!!" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at napatingin sa akin ang buong klase.
"Totoo ba yun Mr. Zamora?" tanong ni Mrs. Manzano sa akin. "oo-Opo ma'am, pero hindi ko naman po a-alam na napkin p-pala yung napulot ko! Tsaka, kasalan din po niya bakit po kasi siya humaharang sa daan ala.."
hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat "Hoooy, ang kapal mo naman. Ako pa talaga ang may kasalanan!" pataray na sabi niya. Mapapansin talaga ang tensyon sa pagitan namin, nag-uumpisa nadin mag-ingay ang buong klase dahil sa komosyong nagaganap.
"Quieeeeeeeeeeeeeeet!!!, first day of class tapos ganyan kayo?? Ayusin niyo yan. Mr. Zamora, mag sorry ka kay miss?"
"Ghely po ma'am. Ghely Rodriguez" nakangiting sabi niya
"okay, Mr. Zamora mag-sorry ka kay Miss Rodriguez" napatango ako at lumapit sa kanya.
"Sorry",mahinahong sabi ko. Ngumiti naman siya at tinaggap ang sorry ko. Ang bait naman niya, sabi ko sa isip ko.
"Okay then, you may take your seat Mr. Zamora and Miss. Rodriguez, please introduce yourself."Pumunta naman siya sa harapan nagpakilala.
"Goodmorning ma'am, Goodmorning classmates. Hi, I'm Ghely Rodriguez and you can call me Ghelay." Nakangiting sabi nito.
Ngayon ko lang napansin na maganda pala siya, ang ganda ng ngiti niya.
Bumalik na siya sa upuan at nagpatuloy naman ang pagpapakilala ng iba pa naming mga kaklase hanggang sa i-dismiss kami ni Mrs. Manzano para mag take ng recess.
Palabas na ako ng room ng mapansin kong hindi umaalis si Ghelay, mukhang wala ata siyang balak na mag-recess. May guilt akong naramdam, ewan ko ba kung bakit.
Nilakasan ko ang loob ko at nilapitan siya,
"Ahhhm, Ghely" ngiti ko ng may pagka-ilang, tumingin naman siya sa akin
"ahhm, hindi ka ba magre-recess?" tanong ko sa kanya, naka-poker face lang siya kaya naman nailing ulit ako. Mas maganda pa siya lalo na sa malapitan, "Tara sabay na tayong mag-recess" alok ko sa kanya, ngumiti siya at tumayo. Alam kong nag-aalangan siya, pero sa huli
"Tara!!" sabi niya, kaya't napangiti narin ako. "Ahhm, wait!!" napatingin ako sa kanya,
"Sorry kanina ahh" at nag-peace sign siya. Ang cute niya
"Ahhh. okay na yun" ngumiti ako at nilahad ang kamay ko sa kanya.
"Friends??" tanong ko sa kanya, ngumiti siya at
"Friends!!" masiglang sabi niya .
BINABASA MO ANG
To Let Go ..
Teen FictionSi Kiko at Ghely ay magbestfriend na na-inlove sa isa't isa. Ngunit takot silang ipakita ang nararamdaman para sa isa't isa, dahil naniniwala sila na "Bestfriend lang walang talo-talo".