---KASALUKUYAN---
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Marami pa kasi akong gagawin dahil SSC President ako. Malapit na kasi ang foundation day, kailangan naming paghandaan ito. Isa kasi itong big event.
Habang papunta ako sa SSC office, nakasalubong ko yung Vice President, "ahh President, pinapatawag ka sa faculty. May transferee daw kasi, kailangan mo daw siyang i-accompany" ngumiti ako "ahh ganon ba? Sige salamat" ngumiti ako bilang tugon.
Agad naman akong tumungo sa faculty,
"Kiko!", napalingon ako sa tumawag sa akin, si Sir principal pala. Pumunta naman ako sa pwesto niya. Nakita kong may kasama siyang babae na nakasuot rin ng uniform ng katulad sa amin.
"Ahh, goodmorning po sir. Siya po ba yung bagong transferee?" tanong ko kay Sir Principal. Tumango naman siya
" Yes, and she is also a business management student and 4th year narin siya. So probably, magiging kaklase niyo siya"
napatingin naman ako sa kanya. Maganda siya, maputi at mukhang mayaman
"and Mr. Zamora I want you to accompany Miss Cindy Reyes since you're the President"
ngumiti ako at tumango kay sir. Nagpaalam naman kami kay sir bago tuluyang umalis. Nakasunod naman siya salikuran ko habang naglalakad kami. Huminto at humarap sa kanya.
"Hello, ako pala si Kiko. Huwag ka ng mahiya sa akin, mabait naman ako eeh."pabirong sabi ko. Ramdam ko kasi yung pagka-ilang niya. Sasagot na sana siya ng makita kong paparating si bestfriend. Napangiti naman ako, sasalubungin ko na sana siya ng bigla niya akong lampasan. Natawa naman ako kasi parang hindi niya ako nakita,
"Insaaaaaann!!! Wahhhhh!!! Ikaw nga!!" napalingon naman ako lakas ng boses ni Ghelay, at nakita kong kausap niya si Cindy. Ay teka, tinawag niyang insan si Cindy diba? Ay so, magpinsan nga talaga sila. Hindi naman nakapagtataka kasi pareho naman silang maganda, pero mas lamang nga lang si bestfriend.
Diyosa ng buhay ko yan eeh, hahaha. Lumapit naman ako sa kanilang dalawa,
"Magkakilala kayo?" tanong ko kay Ghelay. "Hindi ka ba naglinis ng tenga mo Kakoy? Narinig mo naman diba?" pang-aasar naman ni Ghelay. Nako, ang hilig niya akong barahin. Kung hindi ko lang talaga to bestfriend ka binalatan ko na to gamit ang nail cutter Hahahaha. Nakita ko namang natawa si Cindy,
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago insan" sabi ni Cindy.
"Oo Cindy, lagi yang ganyan. Ang sama nga ng pinsan mo nay an sa akin ee", pagsusumbong ko kunwari kay Cindy. Binatukan naman ako ni Ghelay "Ang kapal mo din namn talaga ano?!, tsaka wag kang feeling close sa kanya" pagtataray ni Ghe.
Natawa naman si Cindy sa asaran namin. "Andito ka nalang din naman Ghelay, samahan mo nalang kami ni Cindy. Iti-tour natin siya sa buong school" sabi ko. "Wait lang, wait", napamulagat siya ng ma-realize dito na mag-aaral ang pinsan niya
"Wahhhh!!! Insan, is this for real na? Bakit hindi mo manlang ako ininform" sabi ni Ghelay
"Ahh, I want to surprise youkasi. Hehehe" grabe ang hinhin niyang tumawa, dalagang pilipina ang datingan. Hindi katulad ng pinsan niya na taklesa. Hahahaha
Halos buong araw naming i-tour si Cindy, sa alaki ba naman kasi ng school namin. Pagkatapos naman naming i-tour siya ay maaga naman kaming pinauwi.
Pagkauwi ko ng bahay ay diretso ako sa kwarto upang magbihis. Magluluto pa kasi ako ng hapunan naming ng mga kapatid ko. Ay siya nga pala, may dalawa akong kapatid sina Blue at Si Sky, kambal sila. At pareho na silang Grade 10 ngayon. Ako ang tumatayong guardian sa kanila since pareho ngang nasa ibang bansa ang mga magulang namin. Kaya naman natuto ako ng mga gawaing bahay.
BINABASA MO ANG
To Let Go ..
Teen FictionSi Kiko at Ghely ay magbestfriend na na-inlove sa isa't isa. Ngunit takot silang ipakita ang nararamdaman para sa isa't isa, dahil naniniwala sila na "Bestfriend lang walang talo-talo".