---KIKO's P.O.V---
Makalipas ang isang taon isa na akong ganap na empleyado sa isang bangko at maswerte ako dahil sa mataas agad ang naging posisyon ko sa bangko.
Mga bandang ala sais na ng napagpasyahan ko ng umuwiigurad, may lakad pa kasi ako kasama si Ghely. Oo, pagkatapos mailibing si Cindy ay hindi ko na nilibayan si Ghelay, mas ipinaramdam ko na mahal na mahal ko.
Hindi ko hinyaaang mawala siya sa akin, araw araw ko siyang sinusuyo kahit na ipinagtatabuyan niya pa ako. At makalipas ang ilang buwan na pangliligaw at panunuyo ay nakamit ko ang matamis niyang oo.
"Hello" sagot ko sa kabilang linya
"KAKOY!!!!!!" nailayo ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya "ang tagal ko ng naghihintay ditto. Napanisan na ako ng laway ditto pero wala ka pa rin!!! Nanggigil ako!!" sigaw niya sa kabilang linya.
"Sorry Ghe-Ghe ko. Papunta na po ako. Saglit lang, traffic kasi" sabi ko sa kanya. Totoo naman eh, traffic pala sa nadaanan ko "Tseeeh!! Wag mo akong ma Ghe-Ghe dito. Kapag wala ka pa ng 5 minutes aalis na ako ditto"
nataranta naman ako sa pagbabanta niya 'Sorry na Ghe-Ghe ko. Huwag ka ng magtampo. Promise pagdatingan ko diyan may ibibigay ako sa'yo at tiyak na magugustuhan mo." Pagsisiguro ko sa kanya
"Siguraduhin mo lang. Pag dating mo ditto babalatan talaga kita gamit ang nail cutter" natawa naman ako, linya ko ata 'yun ah "Oo na po Ghe-Ghe" at binaba niya na yung tawag.
---GHELY's P.O.V---
Aba, walang apat na minuto nandito na siya. Natakot ata sa pagbabanta ko. Hindi naman naman sa pang a-under pero kailangan niyang malaman na akong dapat ang masusunod sa pagkakataong ito.
"Good evening Ghe-Ghe ko" sabi niya ng papalapit sa akin. Ewan ko ba, kahit na ang init ng ulo ko sa kanya marinig ko lang ang pagtawag niya sakin ng Ghe-Ghe ay kinikilig ako.
Nako, kaya mahal na mahal ko tong Kokey na 'to eh, esto Kakoy pala. Kumain naman kami agad pagdating niya. Gutom narin kasi ako, ewan ko ba pero napapansin ko nitong makalpias na ilang araw eh talaga namang masyado ang matakaw kumain. Nabhala nga ako kaya, sinabi ko agad kay mama.
Tinanong niya ako kung nagsiping na raw ba kami ni Kiko, nagulat pa nga ako sa sinabi niya. Never kaming nagsiping ni Kiko, huh. Paghirapan niya ako ano, tsaka gagawin lang namin yun kapag ikinasal na kami.
Naniniwala kasi ako na ang perlas ng silanganan ang pinakamgandang regalo para sa magigimg asawa mo.
Pagkatapos naming kumain ay inaaya akong lumabas at pumunta sa may gilid ng dagat. Ganda ng gabi, malamig ang simoy ng hangin at andaming stars. "Ang ganda ng ambiance ngayon ano Ghe-Ghe ko"
napangiti ako sa sinabi niya. Tama siya ang ganda talaga. Bigla siyang may kinuha sa bulsa niya, isang maliit na box at lumuhod.
Ikinagulat ko naman ang ginawa niya, dahil alam ko na ang mga sususnod na eksena "Ghely Rodriguez, ang nag-iisang bestfriend slash girlfriend slash Diyosa slash Reyna ng buhay ko. Mahal na mahal na mahal kita. Hinid hindi ko hahayaang umiiyak ka at masaktan dahil sa akin. Hindi hindi kita kaialanman ili-Let Go. I love you Ghe-Ghe ko. Will you maryy me?" mahabang lintaya niya. Hindi ko naring napigilan ang maluha kaya, labis ang tuwa na nararamdam ko.
"Yes Kakoy!! Yes, magpapakasal ako sa,yo. Pangako, hinding hindi rin kita ili-Let Go" niyakap ko siyang ng mahigpit sa labis na tuwa. "I love you" bulong niya
"I love you t---"
hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya nalang na angkinin ang mga labi ko. Sa wakas natupad din ang isa sa mga pinapangarap, ang mahalin ng isang tulad ni Kiko Zamora, ang Kakoy ng buhay ko.'
*---END---*
BINABASA MO ANG
To Let Go ..
Teen FictionSi Kiko at Ghely ay magbestfriend na na-inlove sa isa't isa. Ngunit takot silang ipakita ang nararamdaman para sa isa't isa, dahil naniniwala sila na "Bestfriend lang walang talo-talo".