To Let Go.. (3)

11 4 0
                                    


---KASALUKUYAN---

"Kringgggg... Krinnngggggg..", dali dali kong dinampot ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag pala Cindy kaya sinagot ko naman agad. 

"Hellloooooo insan!" sabi ko sa kabilang linya, 

"Ahmmm Hello Ghe, pwedeng humingi ng favor?", "ahhm, sige sige insan ano bay un?" malakas din sakin tong pinsan ko na 'to eh. Siya lang kasi yung only cousin ko, nag-iisang anak lang siya ng Tita Aireen nag-iisang kapatid din ng papa ko kaya naman close talaga kami nitong pinsan ko na 'to. 

Halos sabay nga rin kaming lumaki, kasi dati tumira kami sa probinsya kasama siya pero nung nag-high school ako nag-decide sila mama at papa na lumipat na dito sa Manila since dito narin na destino si papa sa kanyang trabaho. 

Kaya naman nung nalaman kong lumipat sila dito sa Manila ay natuwa talaga ako, tsaka sa school ko na rin siya mag-aaral. 'Ahhm, pwede ko bang makuha yung number ni Kiko", nagtaka naman ako kaya agad ko siyang tinanong "para saan naman insan?" sabi ko sa kanya "ahhmm kasi insan, ah hehehe alam mo na" ahh kaya pala, may gusto siya kay Kiko, aba naman mag-pinsan nga kami pareho kami ng tas---- WHATTTTT?! May gusto siya kay Kakoy?

 May gusto siya sa bestfriend ko. "ah, ikaw insan ah. Sige nga, paano mo naman siya nagustuhan?" pangi-intriga ko sa kanya "ahh, actually matagal ko na siyang kilala, I mean nakikita. Noong nakraang bakasayon kasi nagbakasyon siya dito sa probinsya, sa kabilang barangay sila nakatira.

 Alam mo ba insan, unang kita ko palang siya alam kong siya na. Noong una nga nawawalan na ako ng pag-asa na makilala siya, sabi ko pa nga once na nalaman yung pangalan niya talagang kakaibiganin ko na siya. Tapos ayun nga, dahil sa post mo sa facebook na ksama siya nakilala ko siya. Naka-tag kasi siya sa'yo. Siya din yung dahilan kung bakit lumipat kami dito sa Manila" mahabang pahayag niya. Nakoooo naman obsessed pala 'tong pinsan ko. "Ayiieeeh, inlove na ang pinsan ko" sabi ko nalang "oh ano Ghe, mabibigay mo ba yung number niya?"

 medyo nag-alangan ako, pero wala namang masama diba? Kaya binigay ko ang number ni Kiko sa kanya. "Salamat Ghe. Maaasahan ka talaga. Mwuaaaahhh!!!", "Basta ikaw insan", sabi ko sa kanya "Ayy wait Ghe, ahhmm atin atin lang yung sinabi ko sa'yo ah. Huwag mong sasabihin kay Kiko. Ako na ang bahalang magsasabi sa kanya "Ahhh sige sige insan, makaka-asa ka" sabi ko ng may pagka-bitter. 

Kasi naman, may kaagaw na ako sa Kakoy. I mean, kasi baka mawala na sa akin yung atensyon ni Kakoy kapag nagkamabutihan sila ni Cindy "Yiieeeh, salamat ng marami insan. Sige na Goodnight" napakurap nalang ako "Goodnight din insan" tapos ini-end niya na yung tawag.

 Pagkatapos ng mag-usap ay bumaba sa 2% yung energy ko, nawalan ako ng gana. Mga 12 narin ng mag-decide akong matulog. Hindi din kasi ako makatulog kasi kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

Kinaumagahan, maaga akong nagising kahit na puyat ako. Ayaw kong ma-late eh. Nakabihis na ako at ready ng pumasok, naglagay lang ako powder sa mukha para naman hindi mukhang oily

 "Ghelay, baba kana diyan" rinig kong sabi ni mama

 "opo Ma, saglit lang po" dali dali naman akong nagsapatos para maka-alis na talaga "Dalian mo riyan, andito si Cindy. Sasabay daw sa'yo" Nagitla ako sa sinabi ni mama. Andito si Cindy, medyo nawala naman ang mood ko. 

Ewan ko ba, alam kong hindj dapat ganito yung maramdaman ko dahil nalaman kung may gusto siya sa bestfriend ko tsaka pinsan at kababata ko siya. "Remove the negativity Ghelay" pabulong na sabi ko sa sarili ko.

Nakita ko si Cindy at Mama na nag-uusap sa sala. "O andiyan na pala si Ghelay eh" sambit ni mama. Ngumiti naman si Cindy, ngumiti din ako biglang ganti, pero sa loob loob ko wala talaga akong gana. Ang plastik man pankinggan pero yung kasi yung nararamdaman ko

To Let Go ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon