Chapter 7

10 1 0
                                    

CHAPTER 7
#AdvancePractice

Yuna's Pov

Dumating ako sa school ng maagap. And as usual kapag wala along ginagawa. Namamasyal ako. Pumunta ako sa may student lounge. Maganda dito dahil marami siyang upuan na parang paikot na bato. Basta ang cute nung pagkaka organize. Magaling ata ang architect ng oppa ko. Hehehe may katabi itong river na umaagos pero may parang bridge na dadaanan para makapunta sa 1st and 2nd year area.

Umakyat naman ako ng hagdan. May second floor kasi tong student lounge. At makikita mo dito ang kagandahan ng River. May bakal na pumapalibot dito. at napakasarap ng hangin. Isa ito sa romantic place ng mga lovers. Himala nga at walang tao dito. Siguro maagap lang talaga ako.

Naglakad na ako sa hagdan. Para bang may nag sasabing sige umakyat ka. Pumarito ka. Habang humahakbang ako sa sunod na baytang ng hagdan ay may narinig akong nag iistrum ng gitara at pinagpatuloy ko pa ang pag hakbang pataas. Ang ganda ng musikang nanggagaling sa second floor ng student lounge. Nakita ko ang isang lalaking pamilyar na nakatalikod saakin habang tinutugtog ang isa ding pamilyar na kanta.

"I Won't Give Up"

Pinanunuod ko lang siya habang tinutugtog ang paborito kong kanta. Ewan basta biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Natapos na ang pagtugtog niya ngunit nandito pa rin ako. Hahakbang na sana ako pababa ngunit tinawag niya ang pangalan ko.

Yuna! malakas na sabi niya

Lumingon ako 'bakit pinipig'? na may taas kilay pa

'What!? Ano tawag mo sakin?' nagulat siya sa sinabi ko at parang nainis

'WALAAAAA!--.-- bakit mo nga pala ako tinatawag?'

'Ngayon na tayo magpapractice' walang emosyon sagot niya. Siguro nasusura siya saakin dahil tinawag ko siyang ganun.

'Ngayon na talaga? Kala ko pagkatapos ng klase?' ako naman ang nagulat ngayon

'May gagawin ako mamaya' wala pa ring emosyon

Oo na po pupunta nako dyan. Lumakad ako papalapit sa kanya.

So pano gagawin natin?

I'm using my guitar while singing and you will only sing.

Bakit ganun? wala akong instument? Omy! Di ako papayag
nasa isip ko lang ito pero napa nod na lang ako.

Ang title ng kanta natin ay 'Tayo Nga Ito'

'Ako sa 1st Stanza magtatanong tapos ikaw sasagot at sabay tayo sa chorus okay?

OKAYYY! walang emosyon kong sagot. Bakit kasi wala akong gagamitin na instrument. Di talaga ako papayag. Tingnan nalang natin sa Singing Expo kung sino ang magaling. Mwehehehe

'Hoy! Nakikinig ka ba?'

Opo! nakangiti kong sabi

Nagsimula na siyang mag strum ng gitara

Sino ba ang mga tao na mahilig kumanta?
Sino ba? Kundi tayo!

Sino ba ang mga tao na mahilig sumayaw?
Sino ba? Kundi tayo!

Sino ba ang mga tao na mahilig tumugtog?
Sino ba? Kundi tayo.

Kumakanta din siya habang nag gigitara. Ang galing din niya. Este nako talo yan sa keith ko. Nagfi fingerstyle pa nga yun eh. Walang tatalo sa baby K ko.

Tayo nga ito, kayang kaya to

Isisigaw ito sa buong mundo

The One I Hated MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon