CHAPTER 5
#ComposingSorryYuna's Pov
Nandito kami ngayon sa Composing subject namin. At sa kamalas malasan na tao nga naman. Si ken ba yun? Yun ang partner ko dito. Paano ba naman nagbigay ng assignment yung teacher namin at ito ay magcompose ng isang kanta tungkol sa talento namin tapos bukas agad ang submit. Eh kamimeet palang namin sa kanya.
Haaaayss! Eto nga. Nakatunganga ako ngayon at diko alam pano namin to masisimulan. Pagkalipas ng ilang minuto naisip kong di pa pala ako nakakapagsorry sa taong to.
Aissssh.. paano na to? Anong gagawin ko. Siguro itong composing subject na ang magiging way para sa Operation Sorry. Hayyy sana magwork. Para wala nakong kinikimkim sa dibdib ko. Lol
Tumingin nako sa kanya at sinabing
Sige simulan na natin!
Nagulat siya at ngumiti na parang ewan.
Pssh.
May naisip na ako. Pero kaylangan ko munang malaman kung anong mga talents mo - ken
Ah. Ahh... ano. Singing, Dancing, Playing Violin and Acting tugon ko.
Okay got it! - Ken
So pano nga natin masisimulan tong pagcocompose? Tanong ko
Magtiwala ka lang - ken
Sa totoo lang hindi talaga ako maalam magcompose. Kaya bahala siya sa buhay niya. Atleast may na contribute ako. Yung mga talents ko. Mwahahahaha
Nagsimula na siyang magsulat. At ako busy sa pagcocompose, pagcocompose kung paano ko sisimulan yung Operation Sorry. Habang patagal kasi ng patagal parang bumibigat yung kasalanan ko sa kanya.
Ah alam ko na pagkatapos nalang ng klase. Aish.. mali mali baka diko siya maabutan. O kaya ngayon na. Nooooo may ginagawa pa siya. Baka maka istorbo ako.
Tumungo ako at napahilamos sa muka ko.
May problema ba? tanong niya
HA? Ahh wala wala. Wag mo na akong pansinin.
Okay.. Siya nga pala anong feeling mo kapag ginagawa mo mga talents mo? - ken
Napa isip ako sa sinabi niya. Ano nga bang nararamdaman ko kapag nilalabas ko ang talents ko.
Ah magaan sa pakiramdam, feeling ko inaalay ko yun sa mga mahal ko sa buhay, at naipapapakita ko na kaya ko ang mga bagay na hindi nakikita ng mga tao. At naihahayag ko sa mga talento ko ang totoong ako.
Napangiti siya sa mga sinabi ko. Ang cute din pala niya kapag ngumingiti siya. Asdfghjkl
Ha?? ano ba itong isip ko kung ano ano ang pinagsasabi ㅡ.ㅡ di mo ba nakikita YUNA may mga pinipig yan sa muka hindi yan cute. Kadiri ka Yuna.
Sinilip ko yung ginagawa niya. WOW! JUST WOW! Medyo mahaba na ang nagawa niya. At naghahumm siya. Ang galing may tono na agad. Magaling pala siya mag compose ng kanta. At sa konting minuto lang meron na agad.
Magaling ka palang magcompose? usisa ko
Ha? Ah oo - sabay ngiti ng pagkatamis tamis
Hilig naman nitong ngumiti. Nagmumuka na siyang aso eh. Joke muka pala siyang tuta.
Malapit ko nang matapos to. Dalawang line na lang sa last stanza.
Nanahimik na lang ako ng mga konting minuto. At napasilip ako kila Arienne at Nikki. Asus kilig to da much itong dalawa. Dahil partner nila crush nila. Eh ako? Nasan crush ko? WALA.
TAPOS NA !!- ken na nakangiti na naman. Pinaglihi ata ito sa aso. Kanina pa ngiting ngiti eh.
Buti pa kayo bro tapos na. Kami kalahati pa lang - Ronnie
Buti nga kayo kalahati na. Kami title pa lang. Undecided pa nga kung ito na talaga. - sagot naman nitong si Gibee
Ha? Sa pagkaka alam ko magaling magcompose si Arienne. Nagpapatulong pa nga ako diyan kapag mangagawa kami ng poem. Naku naku. Arienne lumalablayf ka na naman. Kaya siguro di pa sila nakakapag simula.
TRING~ TRING~ TRING~
Labasan na pala. At dahil last subject namin to. Nagpa alam na ako sa mga kaibigan ko.
Bye Arienne! Bye Nikki!
BYE!!! - sagot nila
Nakita ko sila Gibee, Ronnie, at Ken na paalis na rin.
Nag paalam din sila sakin. At nag paalam na din ako sa kanila. Magsosorry nga pala ako kay ken. Patalikod na sila ng tinawag ko si Ken.
KEN!
Bro! Tawag ka oh! - kansyaw ni Gibee
Lumapit siya at tinanong kung bakit.
Bro una na kami! - si gibee na mabilis pa sa 1 second ay naka alis habang hila hila si Ronnie
Psssssh.
Bakit mo ko tinawag? - ken
Ah. Ano kasi eh. Ano eh - paano ko ba sasabihin to?
Ano? - mukang naiinip na siya
Ah ano..
Sige aalis nako kung wala kang sasabihin.
Nakatatlong hakbang na siya.
WAIT! I just wanna say sorry when we first met. Siguro sapat na yun para makinig niya ang ka sinceran ko sa pag sosorry.
Di muna siya lumingon ng ilang seconds at humarap na ngiting ngiti. Muka talaga siyang aso.
Okay.... Rejected! - ken
W.H.A.T? Nareject ako?
Kung gusto mo ma accept ko yung apology mo. Then let's have a coffee tommorrow. BYE! Yuna
Umalis na siya without looking back again. Hayyss kainis talaga siya. Nagsorry na nga ako dipa tinanggap. Dumiretso ako sa office ni LV oppa dahil nag iintay daw dun si TM Unnie.
Unnie! Himala at naghintay ka dito nang walang kasama.
Ha? Anong akala mo sakin di kaya mag isa - Unnie
Oo. Takot ka nga sa multo. May multo kaya dito. Pananakot ko sa kanya.
Aisssh. Tara na nga - Unnie
Okay let's go!!
Lumabas na kami. At nilock ang office. May susi naman si Oppa kaya okay lang.
Unnie nasan nga pala si Oppa?
Nasa isang meeting - Unnie na hawak ang ipod niya
Oh okay.
Sumakay na kami sa sasakyan namin. At umupo ako sa back seat ng limousine. Si Unnie nasa gitna.
Nagbukas akong social media accounts ko. Inuna ko ang Twitter. Wala naman masyadong interesting. Weibo nag upload si Arienne ng picture niya. Gandara talaga ng bestfriend ko. Inout ko na ang weibo at inopen ang Instagram. Ohh may nag follow na naman sakin. Tiningnan ko sila isa isa. Si Gibee at Ronnie pinallow ako. Teka parang kilala ko to ah.
Si ken? Pinallow ako sa IG? Vinisit ko mga post niya. At wow andami niyang followers. Biglang nag pula yung parang notification at may nag message sakin. Inopen ko at nalaman kong si ken pala ito.
Coffee tommorrow or REJECTED.
Pssssshh bwisit naman tong lalaking to. Pero kung diko gagawin nakakakonsensya.
I reply ' OKAY' oo capslock talaga para feel.
Nilogout ko na at matutulog muna ako. Nakakapagod din ngayong araw. Sure na bukas makakamit ko ring ang minimithi kong sorry. Lol parang ewan ako dito eh.
Pinikit ko na ang mata ko. At gumawa na ng mga paniginip.
Chapter 5 done. Votes and comments readers. Ayan na ang interaction nila. Ano kayang mangyayari sa next chapter. Abangan. :D Mianhe nalate ang update ko. ✌
BINABASA MO ANG
The One I Hated Most
FanficPrologue... Naranasan mo na bang i-push ka ng mga kaibigan mo sa isang taong dimo gusto. Naranasan mo na bang magpa cute sayo yung taong nagkakagusto sayo. At naranasan mo na bang kiligin ng kauntian sa kanya pero si past pa rin ang mahal mo. Ang hi...