Chapter 6

37 0 0
                                    

Chapter 6

Monday na ngayon, August 30, ---- isang buong araw akong nagmukmok sa kwarto ko. Hindi ko na din kasi alam ang gagawin ko.

Naglalakad na ako papunta sa loob ng campus, naglocker ako. Pagtingin ko sa may puno, andoon si Ivan. Lalapitan ko dapat siya, kaya lang…

“Ms. Stephanie Cruz Velasquez.”

Tumingin ako sa may field. Si Zane……..

Kasama ng mga team mates niya, bigla nilang binuklat yung banner ng “I am sorry.” At may hawak na bulaklak si Zane.

“Sorry sa nangyari satin nitong mga nakaraang araw, alam ko naman na kasalanan ko lahat yun. I hope na mapatawad mo ako..”

*inirapan ko lang siya, at naglakad na ako papunta kay Ivan.*

Lumapit samin si Zane, at tumayo si Ivan.

“Steph, I am very sorry. Kung ano man yung ginawa ko sa’yo, bunga lang yun ng pagka-immature ko. Babe. I want you back.”

“…”

“Babe.”

“…”

“Babe, I am sorry. Kung may nasabi man ako, I am very sorry, pangako na hindi na ko na uulitin yun. Babe.”

Tumingin ako kay Ivan…

“Please.. babe.”

Nakatingin halos lahat ng tao samin, at hindi ko na alam ang gagawin ko.

“babe, I am begging you.”

Bigla siyang lumuhod at inabot yung bulaklak.

“babe…”

“oo na, pinapatawad na kita.”

Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa, bakit ko sinabi yun?? Ganito na ba ako ngayon ka-martyr?? Tumingin ako sa kinatatayuan ni Ivan kanina, pero wala na siya. Naglakad na siya palayo.

“YES!!!!! Thank you babe!”

Niyakap niya ako, pero hindi ko talaga alam kung bakit ko sinabi yun. Ano ka ba naman Steph!!

Pumunta na ako sa room namin, sinabayan ako ni Zane. Pero bakit ganun, parang may mali… umupo na ako sa upuan ko, biglang may bumatok sakin.

“Hibang ka na ba??”

Si Mars.

“Mars?”

“bakit mo ginawa yun? Alam mo naman na sasaktan ka lang din niya eh.”

“hindi ko alam.. siguro ayoko lang siya mawala sakin.”

“Nako Mars, kapag sinaktan ka niyan ulit. Dalawin mo na lang ako sa kulungan.”

“Mars!!”

“hindi ko naman kasi kayang nakikita na nasasaktan ka eh, tapos pinatawad mo pa.”

“ehh.”

“basta Mars, kayanin mo kung ano man ang dadating.”

Grabe talaga ‘tong si Mars, daig pa Mama ko, daig din ang manghuhula. Halos lahat ng sinasbi niya na pag-iingat, dapat ko ngang gawin.

Uwian na, at hindi pumasok si Ivan sa subject na ‘to.

“Babe. Ihahatid kita pauwi ha.”

“Ikaw bahala. Locker lang ako.”

“sige babe.”

Nakita ko si Ivan nasa puno, nagdo-drawing. Nilapitan ko siya, bigla niyang sinara yung sketch pad niya.

Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon