Chapter 10

24 0 0
                                    

Chapter 10

Time check : 6:00 AM, Monday

Free day namin sa school ngayon, kahit anong oras ka pumasok pwede. Ito ang best sa school naming eh, atleast once a month may free day. Isang araw na rin yung nakalipas since na gumala kami ni Ivan. Inihatid niya ako ng maayos at ligtas, hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako nun. Sabi sakin ni mama, ang himbing daw ng tulog ko, kaya binuhat ako ni Ivan.

Nagpalate ako ng pasok para ipagluto si Ivan ng lasagna, baka mapatay niya na ko eh. Sa tagal niya hinihingi yun.

*nasa may puno kami*

“Uy, Ivan?”

“Yes?”

“ito na yung lasagna mo.”

“ang tagal ko ng hiningi yan, ngayon mo lang binigay?”

“ang dami mo namang gusto, pinagluto ka na nga eh.”

“ay. Nagtatampo ang prinsesa ko.”

*inabutan niya ako ng bulaklak at ng chocolate*

“Pwede ba tayong mag-usap?”

Maglalakas loob na ako na umamin na gusto ko siya.. Kaya mo yan Steph.

“Nag-uusap na nga tayo ngayon eh.”

“Ivan naman eh..”

“Haha. Oo sige. Kailan?”

“Sa saturday. Sa park.”

“Sige. Ang sarap ng lasagna mo ha..”

“Ako pa.”

*bell*

“Tara na prinsesa ko.”

“Maglolocker pa ako eh.”

“Sige, samahan na kita.”

Pumunta kami sa locker ko, pagbukas ko.

“If I could have anyone in the world it would be

Still you. – I.Z.”

“Hindi pa din ako tinitigilan ni Zane, nagpadala na naman siya at may kasama pang singsing.”

Pumunta ako sa may puno at binaon ko sa lupa yung singsing.

Hindi kumikibo si Ivan.

“Tara na Ivan, pumunta na tayo sa klase natin.”

“Sige.”

Hindi na ako pinapansin ni Ivan, wala siyang kibo. Nung natapos na yung klase namin, inihatid niya ako pauwi pero hindi niya pa din ako kinikibo.

“Ivan, okay ka lang ba?”

“Oo, okay lang ako.”

“Saturday ha, sa Park. 12:00 ng tanghali ha. Ingat ka.”

Fast forward…

Time check : 11:30 AM, Saturday

Makikipagkita na ako kay Ivan. 30 minutes na maaga ako sa usapan namin, naglalakad-lakad na ako at nakita ko si Ivan, may kasama siya at parang maghahalikan sila…….

Si Mars. Si Cristina. Ang bestfriend ko…

Wala akong nagawa, nasaktan ako sa nakita ko, umalis na ako.. umalis ako ng umiiyak..

Umuwi na ako sa bahay at umiyak lang ako ng umiyak.

Tinatawagan ako ni Ivan at hindi ko siya sinasagot, tinetext ako ni Mars, pero hindi ako nagrereply. Bakit ba apektadong-apektado ako?? Ang sakit sakit. Niloko ako ng dalawang tao na mahalaga sakin. Pero bakit ba ako sobrang nasasaktan?? Fake boyfriend ko lang naman si Ivan ha, pero ano na bang gagawin ko? Mukhang mahal ko na siya…

Sa pangalawang beses na nahulog ako sa isang tao, nagmahal, ang magiging karibal ko pa ang bestfriend ko?? Sino nga ba ako sa buhay ni Ivan?? Sobrang sakit. Lagi na lang sakit ang nararamdaman ko.

Dumaan ang sabado at linggo, hindi ako nagpaparamdam kay Ivan o kay Mars. Ayoko silang makita, ayoko silang makasama. Naiinis ako, sobrang naiinis ako.. grabe maglaro ang tadhana… T____T

Sa lahat ng panahon na magkasama kaming tatlo, mahal pala nila ang isa’t isa?? Ginawa nila akong tanga! Harap-harapan pa. sa lahat ng binigay ni Ivan, sa lahat ng concerns at magprotekta niya sakin, mahal niya si Cristina?? Bakit hindi niya sinabi? Kailan pa?

Kahit na hindi niya talaga ako girlfriend, maggirlfriend kami sa paningin ng mga tao. Pero kahit na hindi kami, may karapatan naman akong malaman kung ano ba yung nangyayari sa kanila, hindi man lang sakin sinabi ni Ivan. Matatanggap ko naman eh. Pero bakit kailangan pa nilang gawin akong tanga??

Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon