Chapter 11

47 0 0
                                    

Chapter 11

Halos dawlang araw akong nagmukmok sa kwarto.. tinapos ko lahat ng mga assignments ko at pati na rin yung mga projects ko.

“Steph, bakit hindi mo ko inindian nung Saturday?”

“...”

“Steph”

“...”

“Hi Marss!!! Kamusta ka na? kamusta na kayo ni Ivan? Miss na kita!!”

“Magsama kayo!”

Sabay pa talaga silang pumasok. Nakakainis!! umalis ako, hindi ko napigilan yung sarili kong umiyak. Umiyak ako ng umiyak.

Umupo ako sa may puno kung saan ko binaon yung bracelet na binigay ni Zane.

“Pinapaiyak ka rin niya?”

Tumingila ako para tingnan yung nagsalita.. si Zane..

“Tumahan ka na.”

Tinabihan niya ako..

“Ito oh. Panyo.”

“Huwag ka na umiyak Steph.”

“Bakit ganun? Lahat na lang kayo, niloko ako. Lahat ng lalaki manloloko.”

“Steph. I am sorry kung ano man yung nangyari satin na hindi maganda. Sorry kung sinaktan kita. Oo,  inaamin ko na una pinaglaruan kita, pero nung nagtagal tayo, ramdam ko na minamahal na kita.”

“Zane, pwede ba.”

“Seryoso ako Steph! Making ka. Pwede bang pagsalitain mo muna ako, bago mo ko ireject. Kailangan ko lang na pakinggan mo ko.”

“Nung una, inaamin ko na pinaglaruan kita. Pinagtripan kita. Kasi ang cute cute mo kapag nauutal ka na kausap ako.”

Napangiti ako sa sinabi ni Zane.

 “Nung nagtagal tayo, pakiramdam ko na nagiging okay na ko sayo, na parang gusto na kita. Pero nung ilang beses mo kong tanggihan nung niyayaya kita, nasaktan ako, parang natapakan mo yung pagkalalaki ko kasi first time ko lang na mariject ng babae ng ganun. Sa dala ng pangangasar ng mga kaibigan ko, sinabi nila na halikan daw kita. Oo, ginawa ko. Pero kayak o nasabi na hindi ka masarap humalik, kasi hindi ko inisip na first boyfriend mo ko, na first kiss mo ko. Nadala ako ng pagka-immature ko at ng ego ko. Sorry Steph.”

“Eh paano mo maeexplain yung paghahalikan niyo ni Lynzey sa gym?”

“Yun ba? Sabi niya kasi sakin na ipagkakalat niya sa buong school na hindi ka masarap humalik dahil nga sinabi ko. Ayoko na mapahiya ka sa buong school kaya tinanong ko siya kung ano bang dapat kong gawin para hindi niya yun gawin. Yun, hiningi niya sakin na halikan ko siya at bigla ka namang dumating.”

“Gusto  ko i-explain sayo ang lahat pagkatapos ng nangyari na yun. Hinabol kita nung tumakbo ka. Pero nagulat ako sa nakita ko, hinalikan mo si Ivan at sinabi mo na boyfriend mo siya. Hindi ko na alam, ganung kabilis lang ba sayo ang lahat??”

“kasi..”

“Sa nagawa ko sayo nung hinila kita at nasa stock room tayo, sorry. Kasi nagdilim lang ang paningin ko nun, hindi pa rin ako makapaniwala na nawala ka sakin. Gusto ko na maging akin ka ulit, kaya ko ginawa yun na baka sa oras na halikan ka, halikan mo rin ako, at sasabihin mo sakin na mahal mo pa rin ako, pero nagkamali ako.”

“Sorry sa pagiging immature ko Steph. Tumigil na rin ako nung nakita ko na masaya ka naman kay Ivan at alagang-alaga ka niya. Pero ngayon na pinapaiyak ka niya, hindi ko alam kung paano ba ang dapat kong gawin, ayoko na saktan ka rin niya tulad ng nagawa ko sayo. Deserve mo Steph na mahalin ka.”

Nagulat ako sa lahat ng revelations na sinabi sakin ni Zane.. hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin, pero wala na ding bitterness na natitira.

“Alam ko Steph na masaya ka na kay Ivan, pero gusto ko maging magkaibigan tayo. Gusto kong malaman mo na mahal pa rin kita, pero hindi naman kita pipiliting bumalik eh. Basta andito lang ako palagi para sayo.”

“Salamat Zane.”

“Ano? Friends na tayo?” At binigay niya sakin yung pogi niyang ngiti…

“Haha. Oo.”

“uhhm. Zane, may tanong ako.”

“Tatanungin mo ko na pwede bang ulit na maging tayo?? Oo.”

“ Haha, ang kapal mo ha. Hindi yun.”

“Haha. Joke lang yun. Ano yun?”

“Ikaw ba yung secret admirer ko sa locker?”

“Ha? Hindi ha. Hindi ako ganung ka-corny manligaw.”

Ano??????? Hindi nga ba talaga si Zane yung secret admirer ko? Eh sino??

“Steph!!!!!”

“Mars!!”

Pinuntahan ako ni Ivan at great, kasama niya ang bestfriend ko.

“Ano ang ginawa ni Zane dito?? Ano bang gusto mo?!”

“Naghahanap ka ba ng gulo?”

“Pare, hindi ako naghahanap ng gulo. Nakita ko kasi si Steph na umiiyak. Kaya kinomfort ko siya.”

“Steph? Totoo ba yun?”

“Mars?? Totoo ba?”

“Oo, totoo yun. Huwag nyo nga kong kausapin.”

Nilapitan ako ni Ivan at inakbayan.

“Bakit ba nagagalit ang prinsesa ko?” *he pinch my nose*

“Tigilan mo nga ko. Bitawan mo ko.”

“Prinsesa ko…”

“Nakita ko kayo ni Cristina nung Saturday, maghahalikan kayo, umalis na ako. Hindi kita inindian, hindi lang ako nagpakita sayo at umuwi na ko. Mga manloloko kayo!”

“Hahaha.”

“Hahaha. Mars naman eh.”

“Una na ako Steph ha, mukhang nagkakasiyahan kayo eh. Pare, ingatan mo si Steph ha, mahalin mo siya ng mas higit pa sa ginawa ko at huwag na huwag mo siyang papaiyakin kundi babawiin ko siya.”

“Oo, pare. At hinding-hindi mo siya makukuha sakin.”

At umalis na si Zane. Nagtataray pa rin ako. Nakakinis kasi.

“Haha, nakakatawa ka Mars.”

“Bakit niyo ko pinagtatawanan?”

“Hindi kami maghahalikan nun, napuwing ako Mars, kaya hinipan niya.”

“Excuses.”

“Hahaha.”

“Eh sige nga, i.explain niyo kung bakit magkasama kayo nun??”

“Ms. Stephanie Cruz Velasquez, Mars, hindi kita pwedeng agawan.”

“Talaga lang ha?”

“Oo Mars.”

“Hindi niya talaga ako maagaw sayo.”

“Mars, look. Hindi kita pwedeng agawan kahit na hindi naman talaga kayo ni Ivan.”

ASSDFGHJKHKFLHKUSDFURJHFD!!?? Alam niya???

“Pano mo??”

“Ivan??”

“Pano ko nalaman? Kasi Mars, magpinsan kami.”

ANO??????????? All this time na magkasama kaming tatlo, magpinsan sila? Na hindi nila sinasabi sakin. Ano kami dito? Naggagag*han.

“Mas lalong masakit!”

Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon