Chapter 3: Mutual Feelings

64 1 0
                                    

Dalawang linggo na mula nung magkakilala si Jai at Anne sa Tagged. Dalawang linggo na din na araw-araw silang magkausap kaya naging matalik na silang magkaibigan. Pagkalipas din ng dalawang linggo ay nagsisimula ng maging kakaiba ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Unexplained happiness,unpredictable smiles and laughs, incomplete days, at lonely hours yan ang mga nararamdaman nila pag nagkakausap sila o pag dumarating sa panahon na di nila nakakausap ang isa't-isa.

October 18, 2008, Saturday paranoid na si Jai, di na niya alam what else to do dahil sa taas ng lagnat ng kanyang younger brother na si Jonas. Wala siyang maisip na ibang malalapitan kundi si Anne so he called her and asked for help.

Jai: Hello? Ah, Hi Anne sorry baka nakakaistorbo ako pero I badly need help at ikaw lang talaga ang naisip ko.

Anne: Hello! Ha? Teka? What happened? Di ka istorbo, nag susulat lang ako. Are you alright?

Jai: My younger brother is sick. Taas ng lagnat niya and he’s pale. Di ko naman madala si Jonas sa hospital kasi wala pa yung allowance namin. I don’t know what to do Anne.

Anne: Ok! Ok! Calm down. Kuha ka ng 2 towel, small basin na lalagyan mo ng konting water,alcohol saka ice cubes tapos yung isang towel basain mo at ilagay mo sa noo niya yung isa naman gamitin mo para punasan siya. After non kunin mo ang temperature niya at painumin mo ng paracetamol.

Jai: Ok, i'll do it. I'll call or text you after this. Thanks Anne, your my sunshine!

Anne: Hahahah! Nambola pa! sige na.

After the phone call, dali-dali na ginawa ni Jai ang mga tinuro ni Anne. Tumawag nalang siya ulit pagkatapos at nagbilin si Anne to put his phone on Loud mode dahil magtetext or magmimisscall siya every 4 hours para makainom si Jonas ng gamot at mamonitor ang kanyang temperature.

Hanggang umaga silang gising, hindi man sila physically magkasama pero parang nasa tabi lang nila ang isa't-isa. Around 9am ng Sunday ng sabihin ni Jai na bumaba na ang lagnat at naging okay na ang kulay ni Jonas, tumawag din siya ulit dahil request ni Jonas na makausap si Anne to thank her at para mag-aya ng dinner with her and Jai. October 25 ang deal na araw ng dinner ni Jai at Anne with Jonas, ito ang unang beses na magkikita sila at magkakasama.

October 23, Thursday ng buong araw na hindi nag text si Anne. Nag-alala ng sobra si Jai, nag-iwan siya ng madaming comments at messages sa Tagged, naka-ilang text at miss calls na din siya pero wala ni isang sagot galing sa dalaga. Dumating si Aileen ang girlfriend ni Jai pero hindi niya ito pinansin, nagsinungaling siya na masama ang pakiramdam, pagtapos ay nagkulong siya sa kwarto at humarap sa computer, matiyagang nag-aantay kay Anne, naghahanap, nakakamiss. Umaga na, sumuko na ang mga mata niya kailangan na din niya makatulog kahit sandali dahil may pasok pa siya ng hapon. Nag-iwan siya ng last comment sa profile ni Anne "Sunshine, ano nangyari sayo? Miss na kita! Iba pala pag andiyan ka. Sana ok ka lang, nag-aantay ako. Please give me a sign that you're fine. May date pa tayo nila Jonas remember? I-treat pa nga daw niya yung nurse niya. Please be fine, 'ill be waiting. :*"

Alas kwatro na ng hapon ng magising si Anne, nanghihina, namumutla at may kataasan pa din ang lagnat. May sakit pala ito kaya hindi nakakilos ng halos isang araw pero ngayon ay pinipilit niyang bumangon para kunin ang cellphone niya. Laking gulat niya sa dami ng miss calls at text messages galing kay Jai, dali-dali siyang nagbukas ng computer at nag online sa Tagged, naiyak si Anne sa tuwa sa mga nabasang messages at comments ni Jai pero alam niyang hindi ito tama dahil may girlfirend ang binata.

Sinagot niya ang lahat ng text, messages at comments nito, dahil din sa nakasanayan ni Jai na itawag sa kanya ang Sunshine ay tinawag niya naman ito ng Koko dahil sa hilig ni Jai sa koko krunch at coco jam.

Kinagabihan ng October 24 ng magbalik sa normal ang lahat, nagpapalitan na ulit sila ng text, comments at messages, nagkukulitan, asaran, at kwentuhan sa kahit anong bagay na maisipan nila. Gaya ng dati madaling araw na ng maisipan nilang mag log out at matulog. Bago matulog nag text si Jai "Sunshine, Saturday na i'm looking forward on seeing you tonight. I'm looking forward on being with you. I'm looking forward for this day para masabi ko yung nararamdaman ko pero di na ako makapag-antay kaya i'll tell you. Anne, I want you to know that I like you, more than friends, more than online companion, and more than a buddu.  Alam ko mali but I promise to fix everything for you, for us." Nagulat si Anne sa text ng binata pero masaya siya dahil yun din ang nararamdaman niya kaya sinagot niya ang text nito. "Koko, ginulat mo ako sa text mo pero I feel the same way, I feel everything that you feel. I'm looking forward for tonight, i'll be waiting for our time, for our chance. Goodnight koko."

Dito na nagsimulang magbago ang lahat. Ang dating Anne at Jai lang, Sunshine and Koko na ngayon. Ang dating matalik na magkaibigan lang, nagyon ay parang magiging maka-ibigan na.

InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon