7:00am ng magising si Anne sa alarm niya, tamad na tamad tumayo knowing na may class pa siya. Pero napilitan siya bumangon, maligo, kumain at magprepare para sa pagpasok sa university. Anne Marie Santiago is at her 2nd year college, BS Nutrition and Dietetics student at Centro Escolar University. A very talkative, clown of the group, straight forward girl pero super simple at always a very good friend. She got a long black hair, medyo chinita eyes (kaya madalas siya napag kakamalang hindi pinay), maputi, voluptuous and almost 5'5 in height. Sporty siya kaya nga siya ang team captain ng Taekwondo team sa CEU. Normal lang ang araw-araw niya sa school but she's always looking forward na maka-uwi na at makapag online.
5pm ng dumating siya ng bahay, ng bihis, kumain ng dinner at humarap na sa computer para gumawa ng assignments, researches at syempre mag online sa social network na Tagged.
Mainit ang ulo ni Jai dahil after volleyball training desidido na siya umuwi pero may emergency meeting pa pala sila at malakas ang buhos ng ulan. Ralph Jairus Geffrone is at his 3rd year college, BS Accountancy student at De La Salle University. A very religious, very sensitive, friendly pero masungit, at moody pero a very good friend and adviser of many. He got features na napagkakamalan siyang kapatid ni Ryan Agoncillo (they really have a lot of similarities, A LOT!), mestiso, 5'3 in height, volleyball player at napagkakamalang chickboy pero friendly lang talaga.
8:30pm na ng mag-aya ang bestfriend niyang si Zyril para umuwi na. He arrived home around 10pm kaya dali-dali siyang nagbihis, kumuha ng food for dinner at nag-online.
1 new friend request, nagulat na pagkakakita ni Anne. Uy! ok to ah. Check ko nga. Aba! gwapo, kamukha ni Ryan Agoncillo. Parang di naman pinoy pero sige accept ko na nga lang tapos sendan ko ng message. "Hi, Thanks for the add! =)" Susubo na sana si Jai ng dinner ng makita niyang nagblink yung envelope which indicates na may bagong dating na message. Ayos! May nagmessage, sino naman kaya to? "Hi, Thanks for the add! =)" si Anne pala yung kaka-add ko lang na Japanese, cool naman online pala siya, mapapalaban ako sa English nito. Hahahaha!
Doon nagsimulang mag palitan ng messages sa Tagged si Anne at Jai. Kapwa nila iniisip na foreigner ang isa't-isa kaya di sila makapag-usap ng maayos. Akala ni Anne na Amerikano si Jai dahil sa mestiso features nito at sa fluent English niya habang akala naman ni Jai ay Japanese si Anne dahil sa medyo singkitin na mata at sa Japanese features nito.
2 oras na halos silang nagpapalitan ng messages ng magkamali si Jai, nasend niya yung message niya para sa tropa niya, laking gulat ni Anne na marunong naman palang mag tagalog ang binata.
Jai: Wag ka nga ganyan. Sama mo talaga pare!
Anne: Ha? Marunong ka pala magtaglog! Teka! Akala ko Amerikano ka?
Jai: Hahahaha! Oo naman marunong ako! Half american ako pero laking Pinas to! Teka! Bakit ikaw di ba Japanese ka? Marunong ka din pala magtagalog.
Anne: Half japanese lang din naman kasi ako no. Naku! Nagka nosebleed nosebleed na ako kakaenglish pwede naman palang tagalog. Anemic na nga ako naubos pa ng tuluyan dugo ko sayo!
Jai: Kasi naman akala ko talaga di ka nakakaintindi ng tagalog. Kaya panay English naman ako. Buti na lang pala at nawrong sent ako. Hahaha!
Doon tuluyang nagkakilala si Jai at Anne. Halos, 5am na ng maisipan nilang mag log-out at matulog. Hiningi ni Jai ang mobile number ni Anne, at binigay naman niya ito. Dito na nagsimula ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan.
